Dylan as Lance
Lance’s POV
Mabilis nangilid ang mga luha sa aking mga mata habang binabasa ko ang huling mensahe sa akin ni Gon. Ang inaasahan kong masayang araw na para sa aming dalawa ay hindi ko alam na mapupunta sa isang trahedya. Sana hindi ko na lang siya hinayaang umalis at hindi sana kami mawawalay ng ganito. Sana nilayo ko na lang ng tuluyan si Gon upang hindi na siya magawan saktan ni Daddy. Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili ko kung bakit nangyayari ang lahat nang ito. Ganun pa man ay hindi ngayon ang panahon upang magmukmok at mag-iiyak dahil kaligtasan ni Gon ang nakasalalay dito. Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit may masamang plano si daddy kay Gon. Hindi ko siya pwedeng basta-basta na lang komprotahin dahil hindi niya pwedeng malaman na may alam ako sa organisasyong kinabibilangan niya. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako mananahimik pa lalong lalo na’t kapag nalaman kong sinaktan niya si Gon.
Ilang beses kong sinubukang tawagan si Gon ngunit tila nakapatay na ang cellphone niya. Maging si Mang Arthur ay hindi ko na rin matawagan mula nang marinig ko ang malakas na putok ng baril nang siya ay tumawag sa akin. Wala akong ideya kung saan nila dinala si Gon ngunit malakas ang kutob ko na dadalhin ni daddy si Gon sa aming bahay sa laguna. Ayon kay Mang Arthur ay lahat ng mga transaksyon at kuta ni daddy ay matatagpuan sa laguna. Malakas ang impluwensiya niya sa laguna kaya naman nagagawa niyang maghari-harian doon. Napagtanto ko na kaya naman pala kahit gaano kayaman ang pamilya ng mga estudyanteng binubugbog ko sa school ay hindi nila ako magalaw dahil sa takot nila sa kayang gawin ni daddy. Ang akala ko pa noon ay masyadong malakas ang impluwensiya ni daddy o kaya naman mataas ang pagrespeto nila sa aking ama. Yun pala ay takot lang sila sa kademonyohan ng aking magulang.
Halos limang beses lang sa isang buwan ko nagagamit itong sasakyan ko. Sobrang lapit kasi ng university namin sa tinutuluyan ni Gon kaya hindi ko na ito nagagamit sa pagpasok. Kapag naman pumapasyal kami sa ibang lugar ay madalas kaming magcommute dahil masyadong takaw pansin daw ang kotse ko. Pero ngayon ay lubusan kong magagamit ang bilis nito sa pagtungo sa laguna. Hindi ko mabilang kong ilang road violations na ang nagawa ko mapabilis lang ang byahe ko pauwi sa amin. Ang byaheng dalawa’t kalahati hanggang tatlong oras mula sa Maynila patungo sa Laguna ay naging dalawang oras lang dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko.
Sa aking pagmamadali ay muntikan ko pang masagi ang sasakyang nakaparada malapit sa daan patungo sa aming tahanan. Nakakabingi ang ingay na nilikha ng aking pagpreno na kung saan ay hindi ko na rin nagawang ayusin ang pagkakaparada ng aking sasakyan. Halos takbuhin ko ang loob ng aming tahanan na ikinagulat pa ng aming guwardiya. Hindi ko tinugon ang pagtawag niya dahil dumirecho na ako patungo sa opisina ni daddy. Walang katao-tao sa loob ng kaniyang opisina nang pumasok ako sa loob ng opisina kaya pabagsak ko itong sinara nang ako ay lumabas. Maging ang mga katulong ay nagulat sa bigla kong pagbabalik ngunit ni isa sa kanila ay walang masabi kung saan ang kinaroroonan ni daddy. Nagtungo ako sa aking kwarto upang kunin ang isang bagay na maaari ko lang gamitin sa mahalagang pagkakataon at alam kong kakailanganin ko ito. Sinarado ko kaagad ang aking kwarto at mabilis na kinuha ang baril na nakatago sa lihim na lagayan sa loob ng aking cabinet. Kahit gaano katindi ang paglilinis ng aming mga katulong ay hinding hindi nila ito matatagpuan.
Ang baril na ito ay regalo sa akin ni Mang Arthur nang mapagtagumpayan ko ang aking pagsasanay sa pakikipaglaban. Binigay niya sa akin ito hindi para kumitil ng buhay, yun ay para maprotektahan ko ang aking sarili lalong lalo na’t may taning na ang aking buhay simula nang mamulat ako sa organisasyon. Sinigurado kong puno ng bala ang aking baril bago ko ito kinasa at sinuksok sa aking tagiliran. Ngayon ay natatakpan na siya ng suot kong tshirt at hindi mahahalata dahil sa kaliitan nito. Kasunod kong tinungo ang kwarto ng aking pinsang si Kuya Eisen. Bago ako tuluyang pumasok sa kaniyang kwarto ay kumatok muna ako bilang pagpapaalam ngunit ilang sandali pa’y wala akong marinig na pagtugon sa kaniya kaya pumasok na ako.
Pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto ay nakasindi pa rin ang mga ilaw. Nakita ko siyang maayos na nakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama at mahimbing ang pagkakatulog. Naisipan kong patayin ang ilaw at lumabas upang hindi na maistorbo pa ang kaniyang pagtulog. Sa pagkakataong pagpatay ko sa kaniyang lampshade ay hindi ko sinasadyang mahawi ang picture frame na katabi nito. Mabilis itong nalaglag sa sahig at nabasag kaya lumikha ito ng ingay. Lumingon kaagad ako kay Kuya upang humingi ng tawad ngunit hindi man lang ito nagising. Kahit kaunting pagkilos man lang bilang reaksyon sa ingay na aking ginawa ay hindi nangyari. Nagkaroon ng pagdududa sa aking isipan kaya naman lumapit ako sa kaniya upang gisingin siya. Ilang beses ko siyang inuga habang tinatawag ang kaniyang pangalan ngunit hindi ito magising-gising. Tama ang naging hinala ko na ginamitan siya ng pampatulog. Mabuti na rin ito para sa kaniya upang hindi siya magduda sa mga nangyayari at maging ligtas siya mula sa kapahamakan.
Hindi ko na nagawang ligpitin pa ang mga basag na salamin mula sa picture frame dahil sa pagmamadaling makaalis. Sa sandaling makalabas ako sa kwarto ni Kuya Eisen ay kaagad bumungad sa akin ang dalawang lalaki na may malalaking pangangatawan. Ngayon ko pa lang silang dalawa nakita sa bahay at marahil ay mga tauhan sila ni daddy.
“Sino kayo?” Tanong ko sa kanila kahit na may ideya na ako sa kanilang pagkatao.
“Ahh kami po pala ang bagong tauhan ni Sir Kendrick” Tugon ng isa sa kanila ngunit hindi siya nagbanggit ng pangalan.
“Ah ganun ba..Nasaan pala si dadyy dahil gusto ko siyang makausap?” Tanong ko at nagtinginan muna silang dalawa bago muling sumagot ang isa.
“May inaasikaso ang daddy mo ngayon at pinagbilinan kami na kapag umuwi kayo ay nais niyang manatili na lang muna kayo sa inyong kwarto para makapagpahinga”
“Okay. Inaantok na rin ako eh” Tugon ko at pineke ang paghikab habang naglalakad patungo sa aking kwarto.
Kung tutuusin ay magagawa ko silang labanan at matakasan ngunit hindi ko pwedeng makuha ang atensyon ni daddy sa sandaling ito. Kailangan palihim akong makapunta sa kaniyang kinaroroonan upang hindi malagay ng husto sa panganib si Gon. Inaasahan ko na maaaring mangyari na ikulong ako ni daddy sa aking kwarto kaya bago pa man ako lumuwas noon sa maynila ay nagawan ko na ng paraan ang magiging daan ko sa pagtakas. Halos isang buwan ang ginugol ko sa paggawa ng lihim na lagusan mula sa aking kwarto patungo sa gaming room na katabing kwarto lang ng sa akin. Mula sa ilalim ng aking kama ay may maliit na lagusan patungo sa gaming room na natatakpan ng couch. Matagal ang ginugol ko sa paggawa ng lagusan na to upang hindi nila mahalata ang lagusang aking ginawa. Kahit na linisin pa nila ang ilalim ng aking kama at aking couch ay hindi nila ito basta basta makikita maliban na lang kung tutuklapin nila ang wallpaper. Ang buong akala pa ni daddy noon ay nagmumokmok lang ako sa aking kwarto gawa ng paghiwalay namin ni Gon ngunit ang totoong pakay ko ay ang paggawa ng lagusang ito.
Hindi ako maaaring dumaan sa bintana ng aking kwarto dahil makikita kaagad ako sa CCTV na mahigpit na binabantayan ng iba pa naming gwardiya. Ang tanging madadaanan ko lang ay ang gaming room kung saan may malapit na puno sa bintana na pwede kong akyatin at isa rin itong blind spot ng CCTV. Bago ako tuluyang lumabas sa bintana na siguro kong nakaayos ang couch sa dati nitong pwesto upang walang makadiskubre ng aking ginawang lagusan. Kinuha ko ang remote na nakahalo sa Xbox, PS4 at Nintendo switch controllers na nasa loob ng drawer. Ang remote na ito ay nagmula pa kay Mang Arthur na siyang makakatulong sa akin sa pagtakas. Nakapag-install siya ng mababang klase ng explosive device sa pinakamalapit na Distribution transformer sa aming tahanan na kapag sumabog ay magkakaroon ng brown-out sa aming lugar.
Mula sa bintana ay buong lakas akong tumalon patungo sa puno na muntikan ko nang ikahulog ngunit nagawa kong makakapit ng husto sa matibay na sanga. Hingal na hingal akong nagpahinga sa ibabaw ng puno habang iniisip kong mapagtatagumpayan ko ba ang pagtakas ko. Ngayon ko pa lang masusubukan ang bagay na ito at hindi ako lubusang sigurado kong gagana ito. Napapalibutan kasi ng electric security fence ang ibabaw ng pader na nakapalibot sa aming tahanan upang maiwasan ang akyat bahay o sino mang taong nais manloob. Mataas ang boltahe ng mga wires na ito na sa isang hawak mo pa lang ay maaari ka ng mawalan ng malay. Ang pagtalon sa pader ang aking tanging paraan upang makatakas dahil matindi ang pagbabantay nila sa gate. Kaya naman buwis buhay ang aking gagawin dahil kapag hindi gumana ang remote na binigay sa akin ni Mang Arthur ay maaari akong makuryente at tuluyang hindi na makatakas pa.
Huminga muna ako ng malalim bago ako bumwelo sa pagtalon sa ibabaw ng bakod na may mga electric fence. Meron lamang akong limang segundo upang makahawak sa wires upang makatawid bago tumalon palabas. Sa pagsabog na mangyayari ay magkakaroon ng brown-out na kung saan ay mawawalan lahat ng supply ng kuryente ngunit sa loob ng limang segundo ay manunumbalik ito dahil sa back-up na generator. Dalawang beses kong sinampal ang aking kaliwang pisngi upang masiguro na nakatuon ang aking atensyon sa mga wires na aking makakapitan. Matapos akong makapagbilag ng tatlo ay kaagad akong tumalon mula sa puno patungo sa mga wires. Kasabay kong pinindot ang remote na aking hawak-hawak habang nasa ere ako. Mabilis akong nakarinig ng pagsabog at kasabay nito ang pagdilim ng paligid. Mabuti na lang at saktong sakto ang pagkakapit ko sa mga wires dahil wala na itong kuryente gawa ng brown-out. Wala akong inaksayang sandali at kaagad kong tinawid ang aking sarili hanggang sa pahiga akong bumagsak nang makabitaw ako sa wire. Sa sandaling makabitaw ako sa wire ay siya namang pagbalik ng mga ilaw sa aming tahanan na naging hudyat sa paggana ng generator.
Halos dalawampung segundo rin akong nakahiga sa halamanan dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko. Nang makakuha ng lakas ay kaagad akong tumayo at dahan-dahang lumayo sa aming tahanan. Nang makalayo-layo ay saka ako nag-isip-isip kung saan ang kinaroroonan ni daddy ngayon. Bigla na lang nanumbalik sa aking alaala yung mensahe sa akin ni Mang Arthur nitong nakaraang buwan na mayroon daw ginagawang kahina-hinalang facility sa aming eskwelahan na nagbigay ideya sa akin na marahil ay naroon sila daddy. Lagpas na sa alas-diyes ang oras kaya halos wala ng dumadaang sasakyan sa kalsada. Kaya nama nang may dumaang motor ay kaagad akong humarang sa daan upang makahingi sana ng tulong sa paghatid sa aming eskwelahan.
“Putang ina! Magpapakamatay ka ba?” Bulyaw nito sa akin matapos ihinto ang kaniyang motor. Lumapit ako sa kaniya matapos kong bunutin ang aking baril mula sa aking tagiliran at kaagad itong tinutok sa kaniya.
“Hindi. Pero kung hindi mo ititikom yang bibig mo ay ikaw ang mapapatay ko!” Banta ko sa kaniya na namang ikinasindak.
Umangkas ako sa kaniyang likuran habang nakatutok sa kaniyang likod ang hawak kong baril. Inutusan ko siyang ihatid ako sa eskwelahang binaggit ko na siya namang sinunod. Wala naman talaga akong balak na saktan ang taong ito at nais ko lang siyang takutin upang mapasunod sa aking gusto. Sa sandaling makarating kami sa isang kanto na malapit sa eskwelahan ay kaagad ko siyang pinahinto. Mabilis akong dumukot ng pera sa aking wallet at ang lahat ng ito’y hinagis sa kaniya bilang kabayaran. Ang akala ko nga ay hindi na niya ito kukunin dahil sa takot ngunit natumba pa ang kaniyang motor dahil sa pagmamadali niya sa pagdampot ng mga pera.
Mula sa aking kinatatayuan ay rinig na rinig ang ingay na nagmumula sa loob ng aming school. Wala naman akong nababalitaang may okasyon ngayon ngunit tila may ipinagdiriwang ngayon sa loob ng aming dating paaralan. Nagawa kong silipin ang harapan ng aming dating paaralan kong saan may mga nakalagay na tarpaulin bilang tanda sa kaganapan sa loob ng paaralan. Ayon sa nakasaulat sa tarpaulin ay mayroong nagaganap na Alumni Event sa loob ng paaralan na aking ipinagtataka dahil 15 years pa lang ang tanda ng aming dating paaralan. Kung tama ang aking pagdududa ay maaaring ginagamit lang nila ito upang pagtakpan ang tunay na nangyayari sa loob.
Nagtungo ako sa likurang bahagi ng aming eskwelahan kung saan ang lihim na lagusang aming dinadaan ng aking mga tropang mahilig magbulakbol. Masaya ako na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakatuklas ng daang ito maliban sa aming magkakaibigan na hanggang ngayon ay nagagawa ko pa ring daanan patungo sa loob ng aming paaralan.
Ang gusali na malapit sa lagusan ay ang gusali kung nasaan nakalagay ang mga classroom ng fourth year students. Nasa harap lang ng building matatagpuan ang gymnasium kung saan nagaganap ang Alumni party. Katabi lang din ng gymnasium ang parking area kung saan napansin ko kaagad ang dami ng mga magagarang sasakyan bilang tanda na marami ang dumalo. Hindi masyadong mahigpit ang seguridad sa loob kaya nagawa kong makasilip sa loob ng gymnasium. May nagaganap ngang Alumni Party dito ngunit hindi ganun karami ang nasa loob. Inaasahan ko na higit isang daan ang mga taong nasa loob ngunit nasa higit trenta katao lang ang nakikita ko. Inisip ko na baka nag-ikot sila sa ibang gusali kaya palihim akong nag-ikot sa aming paaralan. Ni isang pagpupulong ay wala akong nakita maliban sa iilang gwardiyang nagkukwentuhan. Saka ko naalala ang lihim na laboratoryo kung saan ginagawa ni daddy ang mga drogang kaniyang naibebenta.
Kaagad akong nagtungo sa gusali ng mga second year students kung saan naroon ang laboratory. Katakataka na wala man lang nagbabantay dito hindi kagaya nang una kong pagpasok rito upang kompirmahin ang siniwalat sa akin ni Mang Arthur. Hindi ko alam kung isa bang patibong ang pagpasok ko dito dahil ni isang gwardiya ay wala akong makita. Labis ang pag-iingat ko sa pagpasok sa loob hanggang sa makarinig ako ng ingay sa pinaka-ilalim na bahagi ng laboratoryo. Tutuloy na sana ako sa pagpasok nang makarinig ako ng mga yabag kaya dali-dali akong nagtago sa sulok na hindi ako mapapansin. Mula sa pintuan ng laboratoryo patungo sa ilalim na bahagi nito ay may dalawang lumabas na gwardiya. May bitbit silang body bag na siyang nagbigay ng pangamba sa akin. Hindi ko pa lubusang alam ang nangyayari sa loob at kung bakit may dala-dala silang bangkay. Nang masiguro kong wala na sila ay kaagad akong nagtungo sa harap ng pinto ngunit bago ko pa man ito mabuksan ay bigla na lang may nagsalita mula sa aking likuran.
“Look who’s here!” Sambit nito at dali-dali akong bumubot ng baril mula sa aking tagiliran.
Isang matangkad na lalaking may matikas na pangangatawan. Mayroon siyang mahabang buhok na lumalagpas sa kaniyang balikat. May angkin siyang kagwapuhan ngunit hindi maipagkakaila na sa kabila nito ay ang kakaibang presensya niya na labis na nagbibigay ng kilabot sa aking katawan. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang dalawang babaeng kasama niya na tila menor de edad pa. Ang isa ay buhat-buhat niya habang nakakapit ito sa kaniyang balikat at ang isa naman ay nakatayo sa kaniyang tabi. Hindi maipagkakaila na kambal ang mga ito dahil sa malaking pagkakahawig nila sa isa’t isa. Parehas silang nagtataglay ng inosenteng mukha at ang aking ganda na para bang mga banyagang hapon. Ang tanging pinagkaiba lang nilang dalawa ay ang haba ng kanilang buhok at ang kanilang kasuotan.
“Sabi ko naman po sayo na darating ang araw at malalaman niya ang tungkol sa organisasyon” Masayang sambit ng babaeng buhat-buhat ng matangkad na lalaki. Labis akong nagulat nang mapagtanto ko na hindi pala ito isang babae dahil sa kaniyang boses ay mabilis kong nakompirma na siya’y isang lalaki.
“Napakagaling talaga ng baby ko” Tugon naman ng matangkad na lalaki at kaniyang nilapit ang mukha sa kargang binata. Pinaglapit niya ang kanilang mga ilong marahang kiniskis sa isa’t isa bilang paglalambing na para bang wala ako sa kanilang harapan.
“Pwede ko po bang isama si Lance sa mga collection ko? Please daddy please!” Pakiusap nito sa lalaking tinawag niyang daddy. Hindi ako lubusang sigurado kung tunay ba silang mag-ama ngunit ang pinagtataka ko ay kung papano nila nalaman ang aking pangalan gayong ito ang una naming pagkikita.
“Hmmm… Hindi ko alam kung pwede na eh” Tugon nito at bigla na lang lumingon sa aking kinaroroonan. Halos dalawang taon akong nag-ensayo para sa ganitong pagkakataon at ilang buwang nagsanay sa tamang paghawal ng baril. Tila lahat ng iyon ay nabalewala dahil sa labis na panginginig ng aking mga kamay. Hindi ko alam kung anong meron ang lalaking ito na sadyang nagbibigay ng takot sa akin. Ganun pa man ay nanatiling nakatutok ang aking baril sa kaniyang dereksyon.
“Papano niyo nalaman ang aking pangalan?” Tanong ko ngunit bago pa man sila makapagsalita ay napagtanto ko na, na marahil ay nalaman nito gamit ang kanilang koneksyon bilang ang aking ama ay miyembro rin ng kanilang organisasyon.
“Sige pag-iisipan ko kapag binigyan mo ng masarap na kiss si daddy”
Tugon ng matangkad na lalaki sa binatang karga-karga niya na para bang walang narinig sa aking sinabi. Nabigla na lang ako nang halikan siya ng binata sa labi. Kung tunay na man na mag-ama sila ay hindi ko maintindihan kung papano nila nagagawa ito. Ang kanilang paghalik ay higit pa sa mag-ama dahil halos kapusin na ng hininga ang binata sa mariing paghalik sa kaniya ng lalaking bumubuhat sa kaniya. Sa aking pagkabigla ay hindi ko napansin na nawala na pala sa tabi ng matangkad na lalaki ang isang kasama nito. Nagulat na lang ako nang makita ko siya na nakalapit na sa akin nang hindi ko man lang namamlayan. Tinangka kong itutok sa kaniya ang baril ngunit mabilis itong napayuko at kasabay nito ang malakas na pagsipa niya sa aking kamay na naging dahilan upang mabitawan ko ang hawak kong baril. Bago pa man ako makakilos ay muli akong nakatanggap ng malakas pagsipa at ito’y tumama sa aking ulo na naging sanhi upang mawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...