[49.1] Training Camp

128K 2.9K 573
                                    

Author's Note:

Hey guys! So I kinda promised that come this christmas break I will update thrice a week, but sadly all those chapters that I've written were on my phone (yeah, Jade why were you typing on your phone and not have a backup copy?!) Anyway... I went to this party, had fun, and my phone got drunk. Basically, it drowned from Tequila and now it's not working. Story of my life. BUT I WILL TRY TO UPDATE AS OFTEN AS POSSIBLE and write those chapters that I've written. (Sayang!) But, anyway, this is my christmas gift for you guys maguupdate ako ng mas mabilis. SORRY! And thank you for understanding and waiting. I love you guys! <3 

Xoxo, Girlinlove. 

__________________________________________

Chapter 49

Hope’s POV  

Nagpatuloy lang ang pagtututor sa akin ni Mico, at ang… panliligaw niya? Araw araw tuwing umaga pagkatapos ng football practice niya pupunta siya sa classroom namin, minsan pawisan pa, at ichecheck kung may assignment ako eh alam naman niya na meron kasi tuwing hapon sabay kaming umuuwi sa bahay ko. Mula 5:00-8:00 tuturuan lang niya ako. Minsan doon siya kumakain, minsan naman magpapadaan pa siya sa restaurant para hindi na nagluluto si Lola. Yung mommy niya, alam ang panliligaw sa akin at mukhang suportang suporta pa, nasa States pa rin kasi kaya daw okay siya na gabi gabi may kasama si Mico. Nagkausap na din sila ni Lola at mukha namang nagkasundo. Akalain mo yun! Nagbago na talaga si Tita!

Tuwing lunch sinusundo niya ako. Sabay sabay pa rin kaming kumakain pero lagi niyang chinecheck kung naintindihan ko yung lessons sa umaga. Si Venice at Bryle, going strong. Si Chelsea at Miks lagi kong inaasar kasi palaging magkasama. Minsan dahil possessive si Mico, hindi na ako ang ‘pretend girlfriend’ ni Miks, si Chelsea na. Minsan naman, kasama namin si Mico pag umaalis kami kasi nga ang clingy.

Si Enzo naman, well ganun pa rin, tahimik pa rin. Minsan nagpapasalamat ako kay Mico, kasi kapag kakausapin ako ni Enzo, o kung magkakatabi kami minsan ilalayo niya ako kay Enzo o minsan naman pag good mood siya aasarin niya lang kami ni Enzo, kaso minsan kapag bad mood siya aawayin niya pa si Enzo kahit wala namang ginagawa yung tao. Ngumingiti na lang si Enzo.

Ako? Kamusta? Dahil sa tulong ni Mico nadidistract ako sa pagiging heartbroken ko. Minsan dahil andami niyang pinapagawa sa akin, o dahil palagi ko siyang kasama hindi ko na naiisip si Enzo. Pero minsan, kapag magisa ako, nandoon pa din ang sakit. Lalo na kapag sa lunch kakausapin lang ni Enzo si Eula sa phone ng isang buong oras ng hindi kumakain o hindi kami pinapansin. Nasasaktan pa rin ako kapag ganoon. Pero unti unti nagiging ayos na. Minsan nginingitian ko na si Enzo, minsan masakit, minsan hindi. Pero lahat ng ‘to dahil kay…

“BILISAN MO KAYA ANO?!”

Speaking of the devil turned angel… minsan.

“Teka lang naman hindi ba?” Bakit inaalila at sinisigawan na naman ako nito?

Sinundo niya kasi ako sa bahay namin, sabay na daw kaming pumunta sa school. Akala ko naman mga 6:30 AM siya dadaan, kaso nasa bahay na namin siya ng 5:00AM! Eh hello?! Kagigising ko lang noon. Ngayon nagmamadali siya kasi late na siguro siya sa football practice nila.

“Bakit mo pa kasi ako sinundo hindi ba? Alam mo namang tulog pa ako noon.” Tanong ko sa kanya. Medyo malapit na kami sa school at medyo malapit na akong mawalan ng hininga, dahil literal na ‘HILA’ ang ginagawa sa akin ni Loyola! Kulang na lang buhatin ako nito. Kaladkad na itong ginagawa niya eh!

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon