CHAPTER 3

56 3 0
                                    

NAPAGDESISYUNAN KONG hintayin Lors. Mga 1hr lang naman ako naghintay dito sa Tokyo Tokyo. Kinwentuhan ko sina Mama na natanggap na ako sa trabaho na agad nilang ikinatuwa. Grabe ang sakit ng paa ko. Hindi na siguro ako sanay magsuot ng heels.

Ako na ang nag order para kay Lors nung tumawag sya malapit na ang lunch break nya para daw mahaba ang pag uusapan namin. As if hindi kami magkikita mamaya.

"Girl bali balita ka sa buong floor ah? Bakit si Mr. Dylan ang nag interview sayo? Nakakapanibago. Hindi naman yun pupunta ng unannnounce sa office para lang mag interview." Bigla nya akong nginitian ng nakakaloko. Grabe dahil don pinag uusapan na ako?

"Tigilan moko Lorelyn ha! Kakagaling ko lang sa heartbreak kaya please tigilan moko." Bigla akong kumain ng ramen na inorder ko. Habang sya naka tingin parin sakin.

"Alam mo bang Supervisor ang posisyon ko?" Tanong ko sa kanya na agad niyang kinagulat. Bumagsak yung tempura na isusubo nya sana.

"What? Supervisor kana? OMG! Walang sinabi sakin na ayun ang posisyon. Well I guess maganda naman ang kinalabasan?" Kinindatan nya ako. Inirapan ko nalang siya at kumain kami. Kinwento ko sa kanya yung buong pangyayari kanina. Yung interview na di naman mukhang seryosong interview yung ginawa ni Mr. Dylan pati yung pagkakilig ng mga babae sa kanya at pag titinginan ng mga employee sa akin but dedmahin ko nalang since may trabaho na ako.

"Papasok ako bukas and tinuro naman na sakin ni Mr. Dylan yung mga designated floors." Inubos ko yung ramen ko at kumuha ng tempura sa kanya. Grabe bakit gutom na gutom ako.

"Mauna kana ha? Ang dami kong clients kanina, malapit na kasi magpasko alam mo na gusto ng mga family sa ibang bansa mag sepnd ng christmas and new year. Once mag start ang Ber months mga nagpapasikaso na sila ng tours nila" Tumango lang ako. September palang pero ramdam mo na na maglapit na ang pasko. Nalungkot ako bigla. Namimiss ko sila mama.

Nung matapos na ang lunch break ni Lors ay naglakad lakad muna ako, hindi mainit ngayon para syang uulan tahimik ang langit. Napagdesisyunan kong mag kape muna sa isang coffee shop. Buti may isa pang couch na available. Naupo ako don at nag aral ng mga pwede kong aralin baka may nakalimutan na ako. Buti nalang talaga may alam ako sa Visa dahil maliit lang yung office namin parang halos kami narin ang nag aasikaso ng visa ng clients namin. Tsaka hindi ganitong ka dami pero prepared naman ako. Alas kwatro na nung mapansin kong biglang kumulog at umulan ng malakas. Nawala ako sa oras, hindi ko napansin na ganon na pala ako katagal sa coffee shop. I was about to book a grab car when I saw Kier outside. Naka corporate attire sya at may bag na dala. Dito ba siya nag tatrabaho? Ang bilis naman? Ano bang nangyari sa kanya?

Sa sobrang ka-curiousan ka ay agad ko syang sinundan. Kasabay ng pagtayo ko ang pagsakit ng paa ko. Maghapon kona palang suot ito. Ininda ko yun dahil baka mawala sa paningin ko si Kier. Nakita ko syang papasok sa isang restaurant. Tanaw ko siya mula sa loob and there, yung asawa nya na (ata? Malamang) ang kinita nya. Hinalikan nya ito sa noo kagaya ng paghalik nya sakin nung nagmamahalan pa kami. Ang saya nilang nag uusap, nagtatawanan pa sila. Gusto kong magalit sa kanya, gusto kong gantihan sya pero hindi ko magawa. Paano nya nagawa lahat ng yan? Bumalik ako sa wisyo ko ng may biglang maka danggi sakin, nawalan ako ng balanse napaupo ako shit yung paa ko. Medyo nabasa ako ng ulan dahil sa gilid nito g tinatayuan ko ay wala ng silong ng building.

"Miss okay kalang?" Tutulungan sana ako nung napadaan na lalaki pero tinanggihan ko ito.

"I'm good, thanks." Gusto ko ng maiyak. Konti nalang lalabas na to. Tumayo ako pero masakit yung kaliwang paa ko. Tinignan ko ulit sila Kier na nakatingin sakin ngayon. Bigla akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Tinignan ko ang sarili ko. Gulo ang buhok dahil sa basa ng ulan, ang blouse ko basa na rin. Bakit kailangan nya ako makita ng ganito? Nakatitig parin sya. Hiyang hiya ako. Gusto ko ng umiyak, hindi ko alam paano ako aalis. Gusto ko maglaho sa kinatatayuan ko dahil hindi ganito yung iniisip kong pagkikita namin muli. Gahd, Elle kailangan umabot ka sa ganitong kababa para lang sa lalaking iniwan at niloko ka?

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon