***
Lagi na lang akong naiiwan. Ayoko na sana na magpatuloy pa. Isa na lang ang kasama ko ngayon.
Ang batang naiwan ng yumao kong ate.
Siya na lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon. Kailangan niya ako.
Baka ni hindi siya maka survive ng wala ako.
Gusto kong hanapin ang ama nitong tinakbuhan si ate ng malaman na nabuntis pala niya ang kawawa kong ate.
Ayaw ni ate na maipalaglag ang bata kahit na di lingid sa kaalaman niya na delikado sa kalagayan niya ang pagbubuntis.
5% lang daw ang tyansa na mabuhay silang mag-ina at kailangan na mamili kung sino ang isasalba.
Mahal na mahal ng ate ko ang bata at ang ama nito. Kaya nga hindi niya pinayagan na ang bata ang mamatay.
Nang oras na ng panganganak ni ate ay ngsorry siya sa akin.
Ayos na ang lahat sa akin at nakalimutan ko na ang nagawa niya. Ang gusto ko na lang ng mga panahong iyon ay ang mabuhay siya.
Wala na akong pakialam kung gaano man naging malupit ang tadhana para sa amin. Ang makasama ang ate ko at ang bumuo ulit ng magandang buhay kasama niya ang tanging hinihiling ko.
Pero gumuho ang lahat ng pag-asa ko nang lumabas ang doktor kasama ang sanggol at sinabi sa akin na ginawa daw nila ang lahat ngunit hanggang doon na lang talaga.
Gusto ko sanang itapon ang sanggol na bitbit ko at ibangon ang aking nakapikit na ate upang magkausap kami at magtawanan tulad ng dati.
Gusto ko sanang sigawan siya para magising na siya at akayin palabas ng impyernong ospital na ito. Impyernong kinuha ang nag-iisang kayamanan ko. Impyernong gumuho ng lahat ng nabuo kong imahe kapiling ang nag-iisa kong kadugo at ang babaeng sa murang edad ay ipinasan na ng kapalaran ang responsibilidad na palakihin ang batang ako.
Ang batang hawak ko ngayon na walang muwang at walang kaalam-alam na ang kanyang ina ay kinuha na ng lumalang dito. Ni hindi na niya masisilayan at makakalakihan ang ngiti at pag-alaga ng kanyang ina.
Nararamdaman ko pa rin ang galit sa batang karga ko ngayon ngunit napawi ito ng napatingin ako sa maamo nitong mukha.
Isang perpektong replika ng aking ate...
at ang lalaking hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.
-end-
A/N:
unang short story ko. mahal ko kayo. :)))
BINABASA MO ANG
My Sister's Angel (short story)
Short StoryPaano kung ang kaisa isa mong kayamanan ay kinuha pa sayo? Ngunit ang kanyang anak na siya mo ring kadugo ang pumalit sa kanya. Matatanggap mo ba? Ang kwento pong ito ay ang aking pinakaunang kwento. Maiksi lang po siya kaya saglit lang po basahin...