Chapter 26: Meeting The Wife Of My Ex

284 14 0
                                    

——————————————
CHAPTER 26

SAM'S POV

"Gabriel!" pagtawag ko sa aking anak.

It's already 5:30pm. Nakapagbihis na ako. Puting long sleeve lang at jeans ang suot ko. Hinihintay ko nalang si Gab na matapos. Hays ang mga kabataan talaga ang tagal kung magbihis!

"Yes dad. Im done" tugon nito.
Nakita ko itong bumaba sa hagdanan namin.

"Oh mukhang lumalaban ka ata sa suot ko ah. You look good" ngiting wika ko sa kanya. Naka itim na long sleeve din kasi ito.

"Both of us look good. As what they said, like father like son. Anyway, shall we go?" ngiting wika niya. Tumango lang ako at agad na naming tinungo ang garage.

"Ako na magda-drive" saad ko at binuksan ang pinto ng driver's seat. Sinimulan na naming tinahak ang daan papunta sa bahay nila Raven.

Ginabayan ako ng anak ko dahil hindi ko alam ang address nila Raven. Sinabi niya lang kasi sa'kin na sa anak ko nalang daw ako magtanong.

"Dad ilang taon na kayong magkakilala ni Tito Ven?" tanong niya.

"Almost 4 decades na kaming magkakilala" sagot ko.

Ilang taon nadin pala ang lumipas.

"Whoa! Really? Ang tagal nadin pala" manghang wika niya.

"Yeah. Hindi ko nga akalaing magkikita pa kami. Si Aldi..." banggit ko sa anak ni Raven.

"A-Anong tungkol kay Aldi dad?" parang gulat niyang tanong.

"When you introduce him, first thing I recognised was his face. Sinabi kopa nga sa kanya noon na may kamukha siya at 'yon na nga, tama ang hinala ko. Ang tatay niya ay si Raven na kaibigan ko" saad ko habang nagma-maneho.

"Bakit nga pala kayo naghiwalay pa?" takang tanong niya.

Nagulat ako sa kanyang tanong. H-Hindi kaya sinabi na ni Raven ang tungkol sa amin.

"W-What do you mean sa naghiwalay anak?" kinabahan ako.

"I mean 'diba kaibigan kayo then ba't nawalay kayo sa isa't isa" pagka-klaro niya.

Medyo nakaramdam ako ng ginhawa sa pagklaro nito.

"Ahmm your grandparents when theu are alive pa, they decided na lumipat tayo dito sa San Lorenzo. I don't know what's the reason but yeah nawalay kami sa isa't isa. Pero hindi naman nawala ang pagka-kaibigan namin kahit pa malayo kami. Hindi ko nga akalain na dito din pala sila lumipat. Anyways sa'n naba tayo?" pag-iiba ko pa ng topic.

Some of it are true but majority ay hindi totoo. Iniiwasan ko na baka mapunta pa sa kung saan ang tanong niya at masabi ko pa na ng wala sa oras na may relasyon kami ni Raven dati.

"Diyan dad sa Hope Village." turo niya sa gate ng village.

Mayamaya'y narating na namin ang harap ng bahay nila Raven.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon