CHAPTER 4

61 5 8
                                    

ININIT KO YUNG ADOBONG natira kagabi. Madami pa kase sayang naman kaya babaunin ko nalang as lunch mamaya. Mahirap gastos ng gastos ang mahal ng kainan sa labas tsaka na siguro pag nakaipon na ako. Maaga naman kaming pumasok sa office, tinuro nung babae kahapon san yung office ko. May sariling room nga ako and the rest sama sama sa labas at may kanya kanyang table. May enough space for each employee. Nginitian naman nila ako. Pagpasok ko ang lawak ng office ko. Ang sarap upuan ng swivel chair ko and ang laki ng table ko. May sarili akong desktop at laptop. Wow! Yayamanin talaga ang company na to. May couch and table din sa loob ang laki nya mas naexcite ako mag work.

"You ready?" Si Mr. Dylan, nanaman.

"Goodmorning Mr. Dylan. Yes, ready na." Tumayo ako at sinamahan nya ako sa labas. Kinuha nya yung atensyon ng mga employee para ipakilala ako.

"Everyone, meet Ms. Noella Elisse Garcia. Your new supervisor." Seryosong banggit nya. Yung pagiging seryoso nya ang sigurado akong dahilan kung bakit takot tong mga empleyado nya sa kanya.

"Hi Goodmorning, you can call me Elle.. ." Pinutol nya ang sasabihin ko at nagsalita ulit.

"Ms. Elle. Call her with respect." Hindi na ako umapela pa at nagsalita ako ulit.

"I'm looking forward on working with you." Sabay ngiti ko. Winelcome naman nila ako.

"If you guys have a question you can ask here and vice versa. You can communicate with Jessica, sya ang naghahawak ng mga workloads and documents ng lahat dito sa visa and documentation then i rereport nya sayo." Tinignan ko si Jessica, mukhang mas matanda sya sakin at halatang mabait naman sya. Bumalik kami sa office ko at nagulat akong nakasunod pa sya. Umupo sya sa tapat ng mesa ko at nakatingin sakin.

"The one you met in the front door si Shiela, if you're too busy with work you can ask her for help with coffee or food that's her work."

"Okay Sir, I will. Maraming Salamat." Naupo na ako at binuksan ang desktop and laptop ko. Akala ko ay aalis na sya pero nakatingin sya sakin.

"May kailangan pa po kayo?" Tanong ko.

"Kamusta paa mo?" Kasama na ba sa work ang tanungin ang nararamdaman ko?

"Okay na po." Sabi ko sabay ngumiti.

Umalis na rin sya at last. Ano ba gagawin ko? Kinuha ko yung telepono para tawagin si Jessica, may mga list naman dito kung sino ang tatwagan ko.

"Yes Ms. Elle?" Masayang bati nya. Parang alam nya na na tatwag ako.

"Can I see the reports? Pasok ka here." Mabait kong sabi sa kanya dahil ayokong maintimidate sila sakin. Agad agad naman sya pumasok at naupo sa upuan sa harap ng table ko. Binaba nya sakin yung report. Ang kapal.

"Here's the report for this month. Lahat po ng nag apply ng visa for this month. Last month is all done na po. For this month, we're waiting for the releasing of their visa. Most of them is under Mice group. Mga big company for their incentive tours." Tinignan ko lang. Maayos sya mag gawa ng report infairness. Nakalagay na dito lung sino yung approved at on process pa. At wala man lang na dedeny na application kahit isa. So nice.

"I'll email the corporate accounts that we're handling and some infos of our big time clients. Yung iba kasi dina kumukuha ng ticket or tours satin mostly nag papaassist lang ng visa. Sobrang busy dito sa Visa Section nakaka stress ayusin mga documents na required para mag apply ng visa at yung iba mareklamo pa kapag hinihingan sila ng kulang na documents. Kesyo bakit daw sa Japan nung nag apply sila ng visa hindi sila hinihingan ng Bank Statements eh Ma'am schengen Visa tong inaapplyan nila. Inexplain ko nalang na magkakaiba iba naman yung requirements each country." Reklamo nya na agad namang kina ngiti ko. Totoo, nakakastress sa department na to. Kailangan mabusisi ka sa lahat ng documents na ipapasa ng clients mo dahil isang mali mo lang may posibilidad na ma deny sila but then again it's still the discretion of consul. Hindi na namin hawak yon, we're here to help them with the requirements and assist them.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon