Truth
Sinamahan naman ako ni Greysier sa Laguna. Today is My Mom's Last Night, aalis na siya at tuluyan na kaming iiwan. Noong nakarating kami sa Town House at kitang-kita ko ang puting kabaong na naghihintay sa loob ng bahay.
"Ate Stacey!" rinig kong sigaw ni Gil mula da loob. "Kuya Greysier!" sigaw niya muli habang sinasalubong kami.
Noong makalapit na siya agaran niya naman kaming niyakap ni Greysier.
"Yehey! Nandito kayong dalawa." masaya niya namang bati samin.
"Gil, magbihis kana." rinig ko namang tugon ni Tito Grey.
Lumapit naman agad si Greysier sakanya at niyakap siya. Pumasok naman ako agad sa loob at lumapit sa nanay kong mahimbing na natutulog. Si Gil naman nakasunod lang sakin at pilit na binibilisan ang lakad upang makasunod sakin.
"Mommy is still sleeping." naka-pout naman na tugon ni Gil sakin.
"Come here." yaya ko sakanya tiyaka siya binuhat para mas makita niya ang nanay namin.
"Ang ganda ni Mommy." tugon niya habang buhat ko siya.
"Yeah." mahina kong tugon habang patulo na ang luha ko.
Kinabukasan, maagang hinatid si Mommy sakanyang huling hantungan. Masakit kasi kitang-kita mo kung paano mo ilibing ang nagsilang sayo. Hindi ko alam pero sobrang sakit para sakin na maaga siyang kinuha samin.
Noong nakabalik ako sa Town House, isang malalang plano naman ang nabuo sa isip ko. What if? Kumuha ako ng dugo ni Tito Grey at ipa-DNA? At anong mangyayari kapag...
"Deb, anong nasa isip mo?" tanong sakin ni Greysier ng makalapit na siya sakin.
"Nothing." sagot ko naman sakanya tiyaka ngumiti.
"Kilala kita. Ganyan kaba talaga sa magiging asawa mo?" biro niya naman sakin tiyaka ako hinalikan sa noo.
"Sorry deb, sobrang pagod lang talaga." palusot ko naman sakanya.
Noong nagpapaalam na kami na babalik na para maasikaso si Daddy. Sinadya ko naman lumapit at yumakap kay Tito Greysier para makakuha ng buhok. Hindi naman ako nahirapan dahil nakakuha ako ng isang piraso. Hahatiin ko na lamang ito sa tatlo para mas lalong sigurado.
"Daddy easy, huwag mo naman agawin ang mapapangasawa ko." biro ni Greysier at tinapik niya ang ama sa braso.
"What do you mean?" takang tanong naman ni Tito Grey bago kumalas sa pagkakayakap.
"Ikakasal na kami." I said to him with a simple smile.
Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang reaksyon. He didn't expect that this will going to happen.
"No way." mahina niyang tugon.
"Why?" sarcastic na tanong ni Greysier.
"Basta. Hindi pwede." tugon naman ng ama niya.
Naramdaman ko naman agad na tumaas ang dugo ni Greysier sa naging asal ng kanyang ama. Kahit ako ganoon din ang reaksyon bakit tila ba tutol na tutol siya samin ni Greysier. Ano ba ang dapat naming malaman?
"Walang makakapigil sa magiging kasalan namin. Kahit ikaw pa 'yon hindi kita aatrasan. Next time na gagaguhin mo ako sa harap ng Fiancé ko pag-isipan mona. Baka makalimutan ko na tatay kita." banta ni Greysier tiyaka ako hinila palapit sakanya.
Dahil sa ginawa ni Greysier nabitawan ko naman ang buhok na nakuha ko mula sakanyang ama. Napatingin na lamang ako sa damuhan pero hindi ko na makita ang buhok.
"Fuck." mahina kong mura dahilan para mapalingon sakin ang mag-ama.
"Okay ka lang ba?" biglang tanong naman sakin ni Tito Grey.
BINABASA MO ANG
The Cupids Chain
RomanceS & G (2020) Paano panghahawakan ang mga pangako ng unti-unting napapalitan ng galit. Maging sapat ba ang pagmamahal na nagbibigay o handa mong bitawan ito.