Paris
I took a deep breath as I stood in front of the tall building. This. This is the whole universe telling me that it's never ever too late to try.
A small smile crept on my lips.
OPLAN: LIGAWAN SI MARTINEZ, now in action!
This time, napangiti na 'ko nang malapad. I looked at the business card again just to make sure.
'Voyager Trading Company'.
Ngayon ko lang nalaman ang pangalan ng kumpanya nina Ezzio. Back in college, I never really got to ask him about their business. I never asked him about what his dad does, how their company works. Trades consist a lot of trading styles so I wasn't sure. Pero mas mabuti nga 'yon nang may mapag-usapan kami ni Ezzio kung sakaling mapapayag ko siyang sumama sa akin para mananghalian. Yep. I went here to ask him out for lunch!
Of course, he turned me down last night. Kagabi pa lang, humindi na siya sa sinabi ko. Lalo na tungkol sa panliligaw ko sa kanya. If I remember it correctly, the last thing he said before ending the call was,
"You're out of your mind."
Hindi naman ako na-offend. Sa katunayan, babanatan ko pa nga sana siya. I wanted to tell him,
"I'm out of my mind because you're driving me crazy, Ezzio."
Kaso, ayon na nga't tinapos niya na ang tawag kaya hindi ko na nasabi.
I fixed my eyes on the building again. Matapos ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Wearing my black slip jumpsuit and a pair of nude scarpin shoes, I entered the glass door. Bumungad sa akin ang lobby at ang counter ng receptionist. The word 'Voyager' in glass italic font was elegantly written on the wall behind her. Binigyan niya ako ng ngiti nang makitang naglalakad ako palapit sa kanya.
"Hello, Ma'am. How can I help you?"
I smiled back.
"I'm here to see Ezzio martinez. On what floor is his office?"
Mukhang hindi na siya nagulat sa sinabi ko. Why? Masyado na bang marami ang mga babaeng nais ding makipagkita sa Martinez na 'yon?
The bitter thought clouded my mind for a second. Nawala lang 'yon nang sumagot ang receptionist.
"His office is on the top floor. Number 15. You can approach his secretary there, Ma'am. The elevator is that way," she pointed at the right side of the lobby and I immediately saw the lift. Nginitian ko lang siya ulit at nagpasalamat bago dumiretso sa elevator.
I pressed the 15th button once I got inside. May iilan pang pumasok nang huminto ito sa ibang floor. Pero hindi rin naman umaabot hanggang 15 kaya nang makarating doon, mag-isa lang akong lumabas.
The whole floor was pretty wide. Mukhang inilaan lang talaga ang floor na 'to para sa office ni Ezzio. Ngunit kita ko rin ang isang boardroom sa bandang kaliwa. Malamang ay roon nila ginaganap ang board meetings.
My eyes roamed around the place once more until they landed on the person sitting behind an office desk at the end of the hall. She looked young. Probably around 23 or 24-years-old. May suot rin siyang thick-rimmed glasses. She must be his secretary.
Abala siya sa pagta-type sa computer kaya naman saka niya lang ako napansin nang makalapit na ako. Tumigil siya sa ginagawa.
"Mrs. Valdez?" she asked. Napakunot agad ang aking noo. Nang dinagdagan niya ang sinabi ay roon ko lang napagtanto kung bakit.
BINABASA MO ANG
Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] Paris Belle Villaverde, a known dean's lister in campus, accidentally screams out she likes Ezzio Martinez, the star player of the football team. From then on, things start to run out of control.