Nakakatuwa kapag nakikita kong madami ang nagbabasa sa storyang ito. madami kasi more than 2 hehe. Ginaganahan tuloy akong mag Update. Hehe.Vote, Comment Share pwede po yan!
********
*Keann's VP*
Buti nalang at late rin nagsimula ang Party meeting na ito. Oo, nandito kami ngayon ni Andrei sa isang Hotel na pag mamay ari namin, dito kasi ang venue ng Party na inorganize ng magiging business partner namin.
Oo nagpapasama ako kay Andrei, hindi dahil gusto kong makasama siya o ano mang personal business pero dahil sa important business matters, mahirap na baka may English speaking na negosyante ang andito kaya mabuti nang may kasama akong magpapaliwanag sa akin.
Hindi dahil sa nayakap ko siya noon eh ibig sabihin may mahalaga na siyang parte sa buhay ko, nagpapasalamat lang ako sa kabaitan niya, yun lang. At tsaka nadala lang ako ng eksena noon.
"Welcome Ma'am and Sir" bati sa amin ng dalawang lalaking nasa entrance nitong hotel.
Magkatabi kami ngayong naglalakad papasok ng hotel pero hindi katulad ng ibang magkakasamang pumupunta ng party ang itsura namin na magkahawak ang kamay o hawak ng babae ang braso ng lalaki.
Basta magkatabi, yun lang. Si Andrei hawak yung isang maliit na pouch na binili din namin sa mall, ako naman, nakapamulsa lang ang dalawang kamay.
"Good evening Mr. Choi, how are you" bati sa akin ng isang businessman.
"Magandang gabi daw Mr. Choi, kamusta ka daw po" sabi ni Andrei. Kaya napalingon ako sa kanya, tingin ba niya yun lang ehh hindi ko pa naintindihan? tss.. "Sabihin mo I'm fine Mr. Reyes" bulong pa niya.
"I'm fine Mr. Lim" saad ko, san ba nakuha ni Andrei yung Mr. Reyes na yun?
"So I heard you will have a deal with the Madrigals"
"May usapan daw kayo ng mga Madrigals" bulong ulit ni Andrei, "Yes ba or no? Why?"
"Oo mag uusap kami mamaya para maisara na ang deal" i repliena pabulong.
"Oh yes sir, we will be closing our deal with them later. anyway I'm Andrei Lian Imperial, the uhhmm"
"Secretary ko siya" dugtong ko sa sinsabi ni Andrei dahil alam kong hindi niya alam ang sasabihin.
"Oh, I see. Nice meeting you, Miss beautiful." Hinila ni Mr. Lim ang kamay ni Andrei at hinalikan.
"Pleasure to meet you sir." Sagot naman nito.
"Well then see you around" pahuling sabi ni Mr. Lim at umalis na siya.
Medyo naintindihan ko naman ang pinagusapan nila
Nagpakilala lang naman sila eh. Medyo marunong naman na ako sa mga ganyan. Di naman kasi ako slow learner.
Miss beautiful pala ha. Tss. hays oo na nga. maganda naman kasi talaga si Andrei eh.
Lalo na ngayon at naausan siya. Hay naalala ko tuloy na bigla pala akong natulala kanina pagbalik ko dun sa botique ng makita ko siyang nakabihis na at naayusan.
Marunong naman akong mag apprecite ng mga bagay bagay, hindi nga lang ako showy.
Napansin ko na pinagtitinginan kami ng iba pang mga guests dito sa party, lalo na siya..Hay, tama bang isinama ko pa si Andrei? tingin ko naman hindi na dapat kailangan.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...