"Jordan" tawag sa'kin ni Adrian, bestfriend ko simula pagkabata.
"Bakit?" sagot ko sabay lapit sa kanya at pabirong nilamas ang dibdib niya. Sarap lamasin, tambok eh.
"May pabor lang akong hihilingin sa'yo tol, ngayon lang 'to tol hehe" tila nahihiya at nagaalinlangang sabi niya.
"Ano ba 'yun? Himala ata nanghingi ka ng tulong ha HAHAHA" tumatawa kong sabi sa kaniya.
Paano ba naman kasi eh hindi pa nga kahit kailan nanghingi ng tulong o humingi ng pabor sa'kin 'yang ugok na 'yan eh, kaya nakakapanibago.
Baka magseseryoso na sa babae, 'di kasi marunong manligaw 'yang kupal na 'yan, paano ba naman kasi babae na kasi ang lumalapit sa kaniya para maging boyfriend siya, diba astig? Gwapo din naman kasi si tol ko kaso mas gwapo ako hehe.
Minsan nga eh, papasok palang kami marami ng nakaabang sa kaniyang mga babae para bigyan siya ng mga regalo at chocolates. Kaso binibigay lang din sa'kin yung iba kasi gusto niya hating mag-asawa DAW kami, diba? Minsan nga naiisip ko nababakla na ata ang bestfriend ko eh. Lakas din magselos kapag may kasama akong iba.
Minsan nga, hindi ako pinansin niyan ng halos isang linggo dahil daw nagseselos siya sa kausap ko. Kaya ayun, iniiwasan ko na makipag-usap para sa kaniya. Mahal na mahal ko 'yung ugok na 'yon eh.
"Basta tol, payag ka na ha? Bawal ng umatras, wala ng atrasan 'to"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT (M2M)
RandomONE SHOT M2M STORY! NO PLAGIARISM! AND PLS DON'T REPORT. VOTE, COMMENT AND SHARE.