Chapter 1

11 2 0
                                    

Unang araw ng klase pero tamad na tamad akong bumangon sa higaan ko.Sinilip ko sa cellphone ko ang oras,at nang makitang 45 minutes nalang ay late na'ko,Agad akong pumunta sa banyo at naligo.

Diko na naramdamang nag shashampoo na 'ko sa sobrang kalutangan.Ewan ko ba kung ba't sobrang lutang ko ngayon, First day of School pa.

Pagtapos ko magbihis,Lumabas ako sa maliit kong kwarto,saka bumaba para kumain.

Maliit lang ang bahay namin, saktong laki lang para magka'ron ng maliit na sala, kusina, saka kainan.Sa taas naman dalawa ang kwarto,Isa ay ang maliit para sa'ken at ang isa ay para kila Mama at Papa, Dun nadin natutulog yung bunsong kapatid ko.

"Ma,pasok na po ako!"paalam ko, saka lumabas ng bahay.

Kaya ko naman lakarin papasok kaso 10 minutes nalang late na'ko kaya sumakay na'ko ng multi-cab.Hinintay pa namin mapuno ang multi-cab,di naman masyadong matagal ang pag aantay namin, dahil madaming estudyanteng papasok na kelangan sumakay dahil late narin.

Wala padin ako sa mood nang makarating kami sa school,Ewan ko ba kulang ata ako sa tulog.

Sa sobrang kalutangan ko,Nauntog ako pababa ng pedicab!

Kaaga aga naman oh!

Nakita kong tatawa tawang nakatingin sakin yung lalaking nasa likod ko!

"Anong nakakatawa ha?! Ngayon ka lang ba nakakita ng nauntog?! "iritableng sigaw ko sakanya saka kinuha ang bag ko at umalis.

Piste kaaga aga,badtrip!

Agad akong pumasok, saka naglakad papunta sa room namin.

"Cali! Muntik ka nanaman malate!"sigaw kaagad sa'kin ni Ellaine.

"Oh bat ganyan yang mukha mo?! Kaaga aga nakasimangot ka."biglang sulpot ni Marcus.Sinimangutan ko nalamang sya saka pumasok sa room at naghanap ng pwesto.

"Duon tayo Cali,tabi tayo! "biglang turo ni Marcus sa may bintana.Pang dalawahan ang upuan, Sa harap naman namin nakaupo si Ellaine at Sariah.

"Woy,ako sa bintana."pagtataboy ko sakanya nang makitang nanduon yung gamit nya.

"Bakit wala pang teacher?"tanong ko.

"Padating na, "sagot ni Marcus saka umupo sa tabi ko.

Saktong pagkasabi nya,dumating na yung teacher namin.Halos maubos ang oras sa introduce yourself na parang di kami magkaka kilala.

"Tara,canteen!"aya samin ni Sariah pagkatapos ng tatlong subject sa umaga,May tatlo pang subject pagkatapos ng Recess, at pagkatapos ng tatlong subject,may fifteen minutes break then Last two subject tas uwian na.

"Tara Cali! "tawag sakin ni Marcus.

Inayos ko muna ang mga gamit ko saka lumabas. Halatang gutom na sila at mas nagutom sila kakaantay sa'kin.

"Tagal tagal mo, "reklamo ni Ellaine na nauna ng maglakad.Iiling iling nalang kaming sumunod sakanya.

"Wow, Couple! "sigaw ng tropa ni Marcus ng makitang nakaabay sa'ken si Marcus.Tinapik ko naman agad ang kamay nya na nakaakbay saken.

"Gago ka talaga, Bestfriend ko yan,Si Cali. "pagpapakilala sakin ni Marcus sa tropa nya."Ahh,Cali si Stephen nga pala."Tinanguan ko nalang sila saka sumunod kila Sariah,Pagkasunod ko ay sya ri'ng tapos nila kaya naiwan ako sa lane.

"Nachos nga po isa, "sabi ko nang makarating sa counter.Habang nag aantay biglang sumulpot sa tabi ko si Marcus saka umakbay.

"Tigil-tigilan mo nga yang pag akbay mo sa'kin, napagkakamalan tayong mag jowa eh."asik ko sabay alis ng kamay nya na naka akbay saken.

The Battle of LoveWhere stories live. Discover now