CHAPTER TWO

424 29 0
                                    

TWO YEARS AGO...

"Papa, pupunta nga pala ako ngayon sa bahay nina Tito Franco," wika ni Yumika Rose sa ama habang nag-aagahan sila. "Naki-usap kasi si Steph na magkikita muna kami bago siya lilipad sa Switzerland mamayang alas sais ng gabi." Tukoy niya sa bunsong anak ng Tito Franco niya. Naging magkaibigan sila ni Stephanie Lyka Hernandez simula nung mga bata pa sila. Magkababata rin kasi ang kanilang mga ama noon at naging matalik na magkaibigan parin hanggang sa nag-asawa ang mga ito. Kung gaano man ka-close ang mga parents nila, ganun din sila ni Steph.

"Well, ikumusta mo na lang ako sa tito mo at kay Fiona." Tukoy nito sa asawa ng Tito Franco niya. "Muntik pa namang atakihin sa puso si Franco."

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na kubyertos. "Bakit? Ano ho bang nangyari?"

Bumuntong-hininga ang ama niya. "Dahil na naman kay Cade."

Sumikdo ang dibdib niya sa pagkabanggit ng pangalan ng binata. Ito ang panganay na anak ng tito niya. Steph's older brother. Matanda sa kanya ng dalawang taon ang binata. "Bakit, Papa? Ano ba ang problema kay Cade?" Usisa niya sa ama. Walang nakakaalam sa lihim na pagtingin niya sa panganay ng mga Hernandez, maliban kay Steph.

"Sa pagkakaalam ko, muli na namang nag-away ang mag-ama. Hindi parin kasi tinatanggap ni Cade ang posisyong ibinigay ni Franco rito bilang bise-presidente ng Hernandez empire. Sa halip, he went on with his obsession with cars." Napa-iling na sabi ng kanyang ama. Nagda-drag race din si Cade paminsan-minsan.

"Ano bang problema dun?" Aniya bago pa maisip ang sinabi niya. Napakurap siya. "I mean, he's already twenty-six. May karapatan siyang pumili ng career na gusto niya. Diba, Papa?" Sana'y hindi nito mahalata na noon paman ay Cade-biased na siya.

"Oo pero matanda na ang tito mo at may sakit pa, sino na lang ba ang hahawak ng kanilang kompanya? Habang buhay pa si Franco, gusto niyang hasain si Cade sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya. And besides, para na rin magamit ni Cade ang pinag-aralan niya. Para saan pa't naging isang business graduate siya?" He commented with a cluck of his tongue.

Nasa dila na niya ang sagot na hindi naman si Cade ang pumili sa kurso nito kundi ang mga magulang nito. Pareho ang magkapatid na hindi binigyan ng pagkakataon na mamili ng kanilang gusto. Ngunit hindi iyon ang sinabi niya. "Nandiyan naman si Steph."

Umiling ang ama niya. "Masyado pang bata si Steph. At the age of twenty-three? And besides, napaka happy-go-lucky ng bunso ni Franco. Iiyak ang araw kapag hindi nakapunta ng club. Hindi rin iyon handang magpatakbo ng kompanya."

Kahit na best friend niya si Steph, natawa siya sa sinabi ng ama. Totoo kasi ang lahat ng sinabi nito. Masyado kasing nai-spoiled si Steph dahil nga bunso ito. Halos madaling-araw na itong umuuwi araw-araw dahil nga sobrang party-goer ito. Hindi namana ng dalawang heir at heiress ang pagka-responsableng businessman ng kanilang mga magulang.

"So ano na ngayon ang gagawin ni Tito Franco?" Tanong niya sabay subo ulit ng steak.

"Ang sabi niya ipapakasal niya si Cade para magtino ang anak." Sagot ng kanyang ama. Sa puntong iyon ay talagang nabitiwan na niya ang hawak na kubyertos at lumikha iyon ng ingay. Napatingin sa kanya ang ama niya. Yumika cleared her throat and smiled sheepishly. Muli niyang hinawakan ang kubyertos.

"S-Sorry..." hinging paumanhin niya. "So, um, sino ba ang ipapakasal ni Tito Franco kay Cade, Papa?" Curious na tanong niya. Kalmado ang pagkakatanong niya ngunit sa kaloob-looban ay nag-giyera ang buo niyang kalamnan. No! Hindi dapat magpapakasal si Cade sa ibang babae!

What You Mean To Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon