Behind You ( Short Story )

188 3 3
                                    

A/N: New story ulit? Meron biglang pumasok sa isip ko kaya naisipan kong gumawa ng short story. At dahil malapit na ang Christmas kaya iyon ang napili kong theme. Ngayong araw ko lang ito ginawa at nakakatuwa na natapos ko ito agad. ^_^

First time kong gagawa ng short sory kaya hindi ako sure kung ano ang kalalabasan nito. Anyway sana magustuhan ninyo.

Dedicated ang story na ito sa gumawa ng book cover na si Faigorgelite ^_^ Thank you ulit hope you read it.

Character :
Dasom as Dana

Behind You

Ilang araw na lang at Christmas na. At tuwing sasapit ang pasko ay laging sumasagi sa isip ko ang isang espesyal na tao na naging bahagi ng aking kabataan.

Limang taon na rin ang nakalilipas mula ng huli kaming magkita ngunit sariwa pa rin sa aking alaala ang kanyang gwapong mukha,ang kanyang mga ngiti pati na rin ang mga pang-aasar at kulitan namin noon.

Ang taong tinutukoy ko ay ang kababata kong si Owen. Pilyo at mapagbiro. Panata na ata niya sa araw araw ang lokohin at asarin ako.

Napangiti ako ng muli kong maalala ang mga pinagsamahan namin.

Simula ng magkaisip ako ay magkakilala na kaming dalawa. Magkababata at magkapitbahay kami pero hindi ko masasabing magkaibigan kami noon dahil puro pang-iinis at pang-aasar lang naman ang ginagawa niya sa akin.

Tuwang tuwa siya kapag naiinis ako. Tuwang tuwa siya kapag sumisigaw na ako sa sobrang pagkainis ko sa kanya lalo na kapag hinahabol ko na siya para makaganti.

Mapuno sa aming lugar at dahil alam niyang takot ako sa mga insekto kaya madalas niya akong biruin. Nanghuhuli siya noon ng salagubang para lang ihagis sa akin.

"Oweeen!!! Alisin mo 'to baka kagatin ako!!!" Sigaw ako ng sigaw sa takot ko na kagatin ako ng insekto na iyon na tinali pa niya ng sinulid.

"Hahahahha hindi naman nangangagat yan eh.. hahahah."

Tawa siya ng tawa habang sumisigaw ako sa takot ko sa insekto.

Kung hindi niya pa nakitang naiiyak na ako ay wala pa siyang balak alisin yung insekto na nakakapit sa damit ko.

Naaalala ko pa noong first year pa lang kami ng makatanggap ako ng regalo mula sa kanya. Bisperas ng pasko ng pumunta siya sa bahay para abutan ako ng regalo.

Syempre tuwang tuwa ako. First time kong makatanggap ng regalo mula sa kanya.

"Ang bait mo ata ngayon? Peace offering mo ba ito dahil sa paghagis mo sa harapan ko ng palaka noong nakaraang araw?" Nakasimangot kong tanong sa kanya pero deep inside ay tuwang tuwa ako sa bigay niya.

Ngumiti lang siya sa akin habang tumatango-tango. Excited kong binuksan ang regalong bigay niya sa akin pero nagsisigaw ako ng makita ko ang laman ang box.

Salagubang!

Tawa siya ng tawa habang ako ay inis na inis sa kanya. Akala ko pa naman sincere siya na bigyan ako ng regalo. 25 ng umaga ng muli siyang pumunta sa bahay para abutan ako ng regalo pero hindi ko na iyon tinanggap baka mamaya palaka naman ang laman ng regalo niya sa akin.

Sa kabila ng mapang-asar niyang ugali ay may mga katangian siyang gustong gusto ko. Para siyang knight in shinning armor dahil sa tuwing kailangan ko siya ay dumarating siya para tulungan ako. Pinagtatanggol niya ako sa tuwing may ibang mang-aasar o mang-aaway sa akin sa school.

Nagkaroon ako ng nakatatandang kapatid sa katauhan niya yun nga lang kapag magkasama kami ay puro pang-aasar ang ginagawa niya.

Nang tumuntong kami ng second year ay medyo nabawasan ang mga pang-aasar niya sa akin. Hindi ko na pinapatulan ang mga pang-iinis niya maliban na lang kapag hinahagisan niya ako ng salagubang. Hate na hate ko talaga ang insekto na iyon kaya galit na galit ako kapag ginagawa niya iyon.

Behind You ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon