Chapter Three: Goodbye Queenie

222 1 45
                                    

 Ghostagram  Chapter 3

 

Parang Nagblackout si Jade sa narinig na yon kay Queenie Pansamantalang nabingi. Isang Taon pa lang ang Nakakaraan nang Mamatay si Sol at eto naman nasundan ni Fe. Hindi pa rin ba sila tinatantanan ng sumpa ng Cellphone na yun? Yun ang Tanong ni Jade sa Sarili o sadyang may nangyari lang talaga na nakatadhana na kay Fe.

“ Paano… Paano mo naman nalaman na P-patay na si Fe? … Q-Queenie? “ tanong na hindi pa rin makapaniwala

“ May Dumating na Group Message sa Social Network Account ko, May Pictures pa nga ni Fe.. My God Jade.. Puntahan natin si Fe.. Kinakabahan ako baka- - - “

“ NO! Wala na yung Camfone na yun! Winasak ko na yun one year ago na! .. Kaya Imposible na mangyari yun! “

“ Eh bakit one year palang namamatay si Sol sinundan agad ni F- - - “

I SAID NO!! OK??!!!! “

“ …….. “

“ Sorry.. Im sorry Queenie… Hahhh.. Kita na lang tayo “

SAINT RAFAELLO FUNERAL HOMES

Isang Taxi ang Huminto sa Tapat ng punerarya at bumaba dito ang sakay na sina Jade at Queenie

Patingin tingin si Jade sa Paligid may mga iilang nakikiramay doon na nakatingin sa kanya dahil sa paghinto ng taxi. Dahan dahan humakbang si Jade habang natatanaw na nya ang Ataul na ayaw niyang maniwala na si Fe ang nakalagay sa mahabang kahon ng Kahoy na yun.

“ Best! Ano ayos ka lang? “

“ Hah? ….. Oo! Ok lang ako.. “

May Lumapit sa Kanilang Lalake

Lalake: Mga Kaibigan ba kayo ni Queenie?

Jade: O-opo Kami po ang mga kaibigan nya ako po pala si Jade, eto po si Queenie

Queenie: Good Evening po, Nakikiramay po kami sa nangyari kay Queenie

Mang Santi: Ako ang Tatay niya. Nagulat na lang kami nang bigla na lang siyang Nagwawala

 

 

-Mang Santi’s Thoughts-

” AAAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRGGGGHHHH!!!! RRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGHHHHHH!!! “

Mang Santi: “ Tapos May mga Hinahanap siyang tao di naman niya sinasabi kung sino. Nakakatakot ang boses niya. Parang sa Demonyo! Mga mata niya nanlalaki at maitim ang nasa paligid nito. Bulyaw siya ng Bulyaw kahit. Galit na galit siya Inuuntog niya ang ulo niya sa Pader. Kahit ang asawa ko natatakot na naaawa sa kanya. Di ko na alam kung ano ang gagawin namin… Tapos… Taposs… huhuhuhu “

Jade: Ano po sunod na nangyari Mang Santi?

Cassandra: Tumalon si Ate Fe mula sa Terrace sa Condo ng Kinakasama nya na agad kinamatay ni Ate Fe dahil matindi ang paglagapak ng ulo niya. Balak kasi ni Tatay na iuwi si Ate dito. Nalaman kasi namin kung san sila nakatira.. Kahit yung Boyfriend niya dalawang araw lang lumipas nagpakamatay din, Tumalon sa Footbridge sinakto nya yung pagdating ng Bus sa pagtalon niya Halos di na rin makilala yung lalaki dahil wasak na wasak yung Mukha.

GHOSTAGRAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon