Pagpasok ko sa condo ay nasa sofa na yung dalawa at kakaiba na ang mga tinginan nila sakin. May beers sa mesa, dalawang boxes of pizza, nachos, fries at kung ano ano pa. Masyado naman nilang pinaghandaan.
"Maliligo lang ako at magpapalit okay lang ba yun?" Nagtawanan kami at nag thumbs up sila. Bago ako naligo ay kinamusta ko sila Mama mabuti naman at okay lang sila sinabi kona rin na uuwi ako sa isang araw doon para maka bonding naman sila.
Saglit lang ako naligo, nagsuot ako ng silk na pantulog terno sya na short at shirt na maluwag. Ang comfortable kase ng ganitong suot habang natutulog. Agad akong lumabas at pumagitna sa kanila."Sis stress ako kay Ms. Aquino kanina kamusta naman daw?" Usually about sa work muna ang pinag uusapan namin bago ang samin ni Dylan. Ganyan sila. Kumuha ako ng pizza dahil hindi pa pala ako nag didinner.
"Ayun okay naman na. Sana talaga ay lumabas ng maaga ang passport nila." Tinaas ko yung dalawang paa ko.
"Buti kami okay na lahat kaya bakasyon na ko simula bukas. Binigay na namin agad yung vouchers sa mga clients and group departure this coming chirstmas." Hanga din ako sa department nila. Samin lang talaga ang nahuhuli dahil minsan nalelate ang labas ng Visa dahil rin sa late magpasa ng documents ang kliyente. Ang hihilig sa rush.
"Last naman na sina Ms. Aquino at dalawang family and sure ako sa monday sabay sabay labas nyan." Sana mag dilang anghel ako. Nung nabusog na ako ay nagpahinga muna ako bago uminom ng beer.
"So ano na nangyari kanina bigla ka nawala pagkahatid mo kay Ms. Aquino." Panimula ni Jess.
"At balita ko ay pumasok kayo na magka holding hands?" Dagdag naman ni Lors. Ang hilig talaga nila na ginigisa ako.
"Sinamahan ako kumain ni Dylan at yung holding hands wala yon, nawala sa isip ko." Napainom ako ng beer ng wala sa oras. Mukhang hindi sila kuntento sa kwento ko kaya ayun kinwento ko ng buo ang nangyari.
"Wala yon, hindi kami." Depensa ko pa.
"Pero gusto mo na? Feeling ko natatakot kalang Elle. Ang dami mo kasing cinoconsider like mayaman sya, tas yang sinasabi mong naghihilom pa yung sugat mo dahil sa past mo." Inis na sabi ni Lors.
"Exactly. But the truth is okay kana talaga because of Dylan. Pinipigilan mo lang ang sarili mo. Ikaw din, pag yan napagod at nakakita mg iba. Iyak ka." Yung thought ma iiyak nanaman ako, ayokong isipin. Pero may point sila. Napaisip ako bigla, ready naba talaga ako magmahal ulit? Hindi ko alam. Uminom nalang ako ng beer.
"Bakit ba puro ako pinag uusapan natin? Kayo hindi nyo man lang masabi sakin kung may nanliligaw sa inyo." Pag iiba ko ng topic.
"Wala kaming manliligaw. Pero kung si Mr. Jerald lang ay push, oo agad." Kinikilig na banggit ni Jess. Natawa naman ako. Kumain ulit sko ng pizza. Grabe ang dami kong gutom.
Maaga kami natapos si Jess dito na rin natulog dun sya tumabi kay Lors dahil baka daw tumawag si Dylan ay hindi nya mapigilan ang kilig at marinig ni Dylan. Mga kalokohan talaga ng mga to. Nag toothbrush lang ako at naglagay mg toner bago naisipang mahiga. Chineck ko yung phone ko at may tatlong missed calls at dalawang text messages from Dylan.
"Kumain na ako with mom, dad at Jerald"
"I guess nag e-enjoy kayo sa pag iinom. Don't talk about mee too much. Still on meeting. Call you later."
Ang clingy hindi ko pa nga boyfriend. 10 pm na at nasa meeting pa sya, importante siguro ang pinag uusapan nila. Hindi ako nagtatanong kapag ganon dahil personal life nya na yon.
"Kakatapos lang namin, I'm going to sleep na, goodnight." Nag reply ako at natulog na. Masyado akong napagod ngayon araw buti nalang talaga at wala akong pasok bukas.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...