Simula
"Good morning Miss Arevalo, nakakahiya naman sayo at napaka aga mo pumasok."
Napahinto ako sa paglalakad papunta sa upuan ko ng marinig ko ang sarkastikong boses ng prof ko. Hindi ko talaga malaman ang dahilan kung bakit napaka init ng dugo sakin ng isang ito.
Kaunti na lamang ay malapit na ako sa aking upuan ay hindi na lang ako pinalagpas at hinayaang makaupo.
"Ahm, good morning ma'am!"
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nahihiyang dumiretso na lang sa aking upuan. Nakakainis! Noong nalate yung top one namin sa klase hindi naman nya minention ang pangalan. Nginitian lang at sinabing ganoon daw talaga ang mga taong subsob sa pag aaral, madalas malate.
"Hobi! Late ka na naman. Mabuti na lang maaga ako kung hindi wala kang uupan dahil nakuha na naman ng mga senior natin."
"Thanks, tra- "
"Yeah, traffic na naman sa dinaanan mo and tinanghali ka na naman ng gising kaya ka nalate."
Putol sakin ng bestfriend ko. Wow!
"You know naman pala. Bakit mo pa tinatanong?"
Isa pa ang isang ito. Napakaepal sa buhay. Akala mo naman hindi nalalate eh halos araw araw din naman late noong highschool kami. Napapaaga lang ng pasok ngayon dahil may boyfriend na taga hatid.
"Sorry na madam. Let's just listen, okay? Baka mamaya magpa quiz na naman ng biglaan si attitude, parehas tayong nga nga dito."
Tss, whatever.
Parang hindi nasasanay si Lovi eh madalas naman may biglaang quiz si ma'am right after the discussion. Sa lahat ng prof namin ito talaga ang pinaka attitude. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nyang Chona. Napaka attitude. Madalas mag bigay ng take home quiz samantalang hindi naman nya nai-discuss ng ayos yung lesson. Tapos mageexpect na perfect score dapat kami. Parang gago lang.
Apat na subject lang ang meron kami ngayon kaya mabilis natapos ang klase namin. Nakakadrain ng utak ang major subjects.
Right after the class ay sinundo si Lovi ng boyfriend nya na sa kabilang school nag aaral. Balita ko lilipat yun dito para magkasama na sila palagi. Pabor din naman ang mga magulang ni Andrei dahil gusto rin nila si Lovi para sa anak.
Dumiretso muna ako sa library para magpalipas ng oras. I don't want to go home yet. Wala pa rin namang tao sa bahay kundi si Ate Sally at ang anak nya na si Shalom. Si Ate Sally ay matagal ng naninilbihan samin. Dalaga pa siguro sya nung magsimula. Doon na rin sya sa mansyon nakapangasawa at nakabuo ng sariling pamilya. Pinayagan na sya ni mommy na bumukod na pero mas pinili pa rin nyang manatili dahil napamahal narin sa amin. I don't mind since she's very nice and good to us. Mabait din ang anak nyang si Shalom na mas bata sa akin ng limang taon.
My mom for sure is still in our store with Arkin, our youngest. Doon madalas na ihatid ng driver si Arkin mula sa school sa kagustuhan na rin ni Mommy. Mom loves collecting designer bags and shoes. She's also into painting. Pansamantalang nahinto noong kabuwanan nya kay kuya Anton para na rin siguro makapagfocus sa pagaalaga sa panganay na anak. Two years after nya ipanganak si Arkin ay naisipan nya ulit na magpinta. Kalaunan ay nahiligan na rin nya ang pagdedesign ng bag. Noong una'y sa mga pinaglumaang bag na hindi na madalas magamit lang ang dinidesignan nya, ngayon ay may nagpapasedign na rin kay mommy locally and internationally. Minsan kasi ay naipost nya sa instagram ang bag na dinesign nya gamit ang acrylic. Marami ang nagandahan at naging interesado hanggang sa dumami na ng dumami.
Dad is still in Manila. May conference na dinaluhan para sa demo ng mga bagong makinarya na magagamit sa coffee farm. My family owned the biggest coffee farm here in Batangas. We are also the number one supplier of coffee in the locals. My ancestors in both side is kinda famous because of the business and good deeds. My mom once elected as the city councilor but after her term ay hindi na muli sumubok sa pulitika. Si daddy naman ay minsan din na binalak na tumakbo bilang konsehal din pero hindi rin natuloy dahil naging abala na sa pagpapatakbo ng kumpanya. Noong panahon na iyon nasa highschool pa lamang si kuya kung kaya't walang makakatulong si daddy.
BINABASA MO ANG
In Love With Your Flaws
Fiksi Remaja#1 Alena Hope Arevalo and Lincoln Austin Ramirez story. ©