5:30 am ng makauwi ako sa bahay. Hindi ko kasi nadala yung uniform ko oaya kailangan ko pang umuwi para magpalit.
Naligo muna ako at para na rin makapaghanda. Mamayang 7:30 yung pasok namin kaya mas mabuti ng maaga kaysa mahuli.
Matapos kong maligo ay nagbihis na rin ako. Kailangan ko pang maglinis dito sa bahay in case na may dumating dito para sa pag board.
Habang nagsusukalay ako ng buhok ay nakarinig ako ng sunod sunod na katok sa labas kaya tinanaw ko ito mula sa bintana ngunit hindi ko maaninagan yung kumakatok.
Agad akong bumaba at inayos ang sarili ko. Baka ito na yung mangungupahan dito kaya dapat presentable ako.
"Hi! What can i---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng makita kong si Calixtrou ito, aka Mr. Programmer.
"Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong sa kanya pero hindi niya ako pinansin at sa halip ay pumasok sa bahay at nakatuon ang pansin sa pagtingin sa paligid.
Nagulat ako ng makita ko yung malitang dala niya at agad itong umupo sa sofa.
"Hm? The place is small enough" saad niya kaya agad akong tumayo sa harap niya habang nakapamewang.
"Excuse me? What are you doing here?!" Bulyaw ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin habanv nakangiti.
"I'm your new boarder" saad niya kaya nagsalubong ang kilay ko sa kanya. "I already told you na only FEMALE BOARDERS! Engot ka ba? ha? Tanga?!"bulyaw ko ulit sa kanya. Hindi ko na kasi kaya pang pigilan yung inis ko. Ka gabi pa siya ganyan tapos ngayon nandito siya!
" Don't worry I'm a gay" saad niya kaya gulat akong napatingin sa kanya. Agad itong tumayo at naglakad papunta sa taas. "Ano?!" Tanong ko ulit sa kanya. I didn't expect to know that from him. Seryoso talaga siya habang sinasabi yun.
"Teka?! Where are you going?" tanong ko habang nakasunod sa kanya na ngayon ay paakyat.
"Where's my room?" tanong niya at umaaktong bubuksan yung kwarto ko kaya agad akong humarang doon.
"You're trespassing Mr. Umalis ka na dito. Uulitin ko. Only Female Boarders yung tinatanggap ko kaya maghanap ka na ng iba" saad ko sa kanya kaya napabuntong hininga siya.
"You're discriminating. I already told you that I'm a gay. I don't have bad intensions to you. Isa pa, you're not my type" saad niya kaya napapikit nalang ako sa sobrang inis.
"Just let me stay here. I'm gonna pay you later" saad pa niya sabay pasok doon sa isang pinto which is yung guest room namin.
"Umalis ka na. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na only female boarders?!" saad ko sa kanya pero lumundag lang ito sa kama.
"Hanggang sa pumayag ka" saad niya at unti-unting sumilay sa labi niya ang nakakaasar na ngiti. "Argh!" hiyaw ko sabay bato sa kanya ng unan at nagdabog na umalis doon.
Pumunta nalang ako sa kwarto ko at ni lock yun. Nakakainis talaga siya! Pati dito ay binubwesit niya ako!
Napapikit nalang ako habang nakaupo sa kama at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Huwag mong stress-in yung sarili ko self. Mapapaalis mo din yang bwesit na yan.
"Oh no!" Bulaslas ko ng makita kong 6:45 na pala. Agad akong tumayo at inihanda yung bag ko. Nag ayos na din ako at agad na lumabas.
Napatingin ako doon sa guest room at nakita kong nakasara na ito. Nasaan na kaya yung bwesit na yun? Na sa loob ba? Bahala siya diyan! Ikukulong ko siya dito sa loob.
Pagkababa ko ay nagulat ako ng makita ko si Calixtrou na naghahanda sa mesa. "Finally you're here. Tara, let's eat" saad niya sa akin habang naglalagay ng pinggan sa mesa kaya napataas ako ng kilay.
"Wow, feeling close" bulaslas ko kaya na dinig ko ang pagtawa niya. Umupo nalang ako doon dahil nagugutom na din ako.
"I thought you would shout me again" natatawa niyang saad at agad na umupo sa harap ko pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay kumain na.
"Pagkain ko to, kaya may karapatan akong kumain. Ikaw lang yung nagluto kaya pasalamat ka dahil pinakapakain kita" saad ko sabay subo ng pagkain.
"Unbelievable" ani pa niya.Pagkatapos naming kumain ay iniwan na muna namin yung hugasan at agad na umalis. Kailangan ko pa kasing maglakad at baka ma late ako.
"Hop in" napakunot noo ako ng sabihin yun ni Calix habang nakasakay siya ngayon sa bike niya. "Seriously?" Bulaslas ko. Kung maka 'hop in' siya akala mo may sasakyan siya kaloka talaga to.
"Umangkas ka na sa likod para hindi tayo ma late" saad pa niya kaya umiling nalang ako. " No thanks" saad ko at agad na naglakad pero patuloy pa din ang pagsunod niya sa akin.
"Sunakay ka na habang hindi pa umuulan" saad pa niya kaya napatigil ako at napatingin sa kalangitan na ngayon ay umaambon na.
"Hayst sige na nga" saad ko sabay lapit sa kanya. "Saan naman ako uupo?" Mataray kung saad sa kanya kaya napangiti siya.
"Dito sa harap" simple niyang saad kaya napataas ako ng kilay. "Seriously?!" bulyaw ko sa kanya.
"Don't worry, hindi ko naman hahayaan na mahulog ka diyan. Unless, kung sa akin na yung bagsak mo" saad pa niya kaya pinalo ko siya sa braso dahil sa inis.
Napatawa naman siya at agad akong inalalayan na umupo doon sa harap.
"Whaaaaa!" Hiyaw ko ng magsimula na siyang magbisiklita. "Damn. Huwag kang malikot baka mabunggo tayo" saad pa niya at mas lalong binilisan ang pagbibisiklita kaya mas lalo akong napahiyaw habang siya naman ay tumatawa lang.
"Damn you!" bulyaw ko sa kanya ng makababa na ako sa bisikleta. Tinawanan niya lang ako habang papaalis na ako doon sa parking lot.
"Kakainis ka talaga!" hiyaw ko habang inaayos ang buhok. Sinadya niya talaga na bilisan yung takbo para takutin ako. Argh! Makakaganti din ako sayo!
7:15 palang ng makarating kami sa University kaya pumunta muna ako sa locker para kunin yung mga libro ko.
Pagbukas ko ng locker ko ay nagulat ako ng malaglag doon yung mga picture kaya isa-isa ko itong kinuha.
Nagsimulang manginig ang kamay ko ng makita kong picture ko yun na nandito sa campus at habang naglalakad sa daan. Karamihan sa mga larawan ay picture ng katawan ko although hindi naman mga showy yung mga suot ko.
I just feel scared knowing that all this time may gumaganito pala sa akin.
"Damn that stalker" napatingin ako kay Calix na ngayon ay nasa tabi ko na pala habang nakahawak doon sa isang picture.
What did he means?
Does he know who's behind this?
BINABASA MO ANG
THE GUY THEY CALLED, Mr. Programmer
RomanceEvery people has their ideal man. Yung tipong mabait, matapang, matalino, talentado, gentleman, makadiyos, at higit sa lahat yung gwapo. Lahat ng yun ay nandiyan na kay Calixtrou Flinn Montefalquez, ang perfect guy kung ituring ng mga kababaehan and...