---/ Mean's POV /---
Kinabukasan,pinuntahan ko ang address na nakasuLat muLa sa papeL na dumikit sa noo ko. DaLa -daLa ko ang ibang mga dokumentong kaiLangan ko.
Nang ako ay nasa tapat na nito, tinignan kong muLi ang nakasuLat kung tama ba ang napuntahan ko.
" Agapito HoteLs InternationaL.Office Company..." basa ko.
MuLi kong tinignan ang napakataas na buiLding.
"WOW grabe ang Laki paLa nito." manghang-mangaha ako sa ganda at Laki ng kumpanya.
Bumati muna ako sa guard na nadoon. tapos pumasok na ako. Kung maganda sa Labas, mas maganda sa Loob. Nagkikintaban ang marmong sahig at ang ganda na iba pang mga gamit sa Loob.
Pumasok na ako at agad na pinuntahan ang receptionist nito. Hinintay ko munang matapos makipag-usap sa teLepono yung receptionist. Nang matapos siya ay agad akong binati nito.
"Good Morning. WeLcome to Agapito HoteLs InternationaL Office Company. How can I heLp you?" magaLang na tanong ng receptionist.
"Good Morning din. Magtatanong sana ako tungkoL dito." at pinakita sa kanya ang hawak kong papeL.
"Ahh...yan ba? Punta ka doon sa right corner na yun tapos sa may duLo may nakasuLat na HR department. " sabi sa akin ng receptionist.
"Okay. Maraming saLamat ha. " Nakangiti kong pasasaLamat sa kanya.
"WaLang anuman. Good Luck!" nakangiting sabi niya sa akin.
Tumango ako at nagwave pa sa kanya bago pumunta sa HR dept.
Nang makarating ako sa HR dept., Nagsign of the cross muna ako tapos hingang maLaLim. Kumatok na ako sa pinto at ng sinabing pasok, agad akong tinanong ng sekretarya doon.
"Yes miss?" tanong ng sekretarya doon.
"Ah heLLo po, Good morning po. Ako po si Mean Rogacion. Mag-aapLy po sana ako , ito po mga dokumento ko." sabi ko sa kanya at agad ng binigay ang enveLope na nagLaLaman ng mga dokumento ko. Agad namang tinignan ng sekretary ang Laman at ng makumpirmang kumpLeto ako sa dokumento, binigay din niya sa akin ang enveLope.Tumayo ito at sabing "Okay Miss, upo ka muna. SandaLi Lang ha, at sasabihin ko Lang ito sa boss ko." sabi nito sa akin.
"Okay po. SaLamat po" Nakangiti kong sabi.
Maya-maya Lumabas din ito at sinabing pumasok na ako.
Agad akong pumasok at nakita kong nakaupo ito sa swiveL chair at nakataLikod ito.
"Good Morning po Sir. Mag-aapLy po sana ako biLang secretary." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Beyond the boundary (Complete)
Fiksi UmumThere is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and tears. A boundary between reality and dream. A boundary between hate and Love. This is an early 1970...