CHAPTER 6
"PUTCHA! ANG sakit ng likod ko." Sabi ko habang pinapalagutok ang aking leeg. Hindi ko alam kung ilang oras akong naglinis pero siguradong mahigit tatlong oras na rin.
"You're tired already?" Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. Lecheng Voss! Nakakapikon na talaga ang lalaking ito!
"Tapatin mo nga ako! Ano bang problema mo saken?" Maangas kong tanong. Seriously? Inis na inis na talaga ako sa kanya! Pagod na pagod na ako sa paglilinis habang siya ay turo lang ng turo kung saan niya napupuna na may dumi. Jusko! Kulang na nga lang ay kumintab ang kwarto niya pero hanggang ngayon nagrereklamo pa rin siya.
Inilibot niya lang ang paningin niya sa buong kwarto. "It's not as neat as I remember."
Huminga ako ng malalim. Lord, bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya para hindi ko patulan ang lalaking nakasandal ngayon sa pinto. Ayoko pa pong mamatay.
"Clean the edge of my wardrobe, I saw a dirt." Napapikit ako sa inis bago ko ibinato sa kanya ang walis na agad naman niyang naiwasan.
"The fuck with you?" Medyo galit niyang suway. Wala na akong pakialam kung patayin niya ako ngayon.
"Ikaw, pakyu!" Inis ko ring bwelta sa kanya. Dyahe! Ngayon na lang ulit ako napikon ng ganito katinde! Sobrang pagod na pagod na ako at gusto ko ng magpahinga! Ang sakit na ng mga kasu-kasuan ko!
"Who gives you the right to curse me!? I'm a fucking prince, you low life---"
Okay that's it. "Prinsepe ka? Anong pake ko? Wala akong pakialam kung ikaw pa ang presidente ng Philippines! Pagod na pagod na ako! Pwede ba bukas mo nalang ako alipinin ulit? Gustong gusto ko nang magpahinga. Please." Alam kong wala akong karapatang mag-demand dahil maid lang ako pero pagod na pagod na ako at kapag pagod ako ay hindi ko na napag-iisipan pa ang mga sinasabi ko.
Nagulat ako ng bigla siyang nag-appear sa harap ko at binuhat ako. Dyahe! Ano na naman?
"Hold on tight." Sabi lang niya. Pero bago ko pa magawa yun ay parang hangin na siyang umandar ng sobrang bilis. Kung tumakbo siya o lumipad o kung ano man, hindi ko napansin. Napapikit nalang ako shit! Bigla ko tuloy nakalimutan ang pagod ko sa sobrang kaba!
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Naghahabol ng hininga kong tanong. Parang naiwan pa yata ang kaluluwa ko sa kwarto niya eh.
"I just brought you to your room." Simpleng sabi niya. He's right. Nang inilibot ko ang paningin sa paligid ay narealize kong nandoon na kami sa kwarto ko.
Heck! Ang layo kaya ng kwarto ko mula sa kwarto nila! Kung ikukumpara ko ang mansiyon nila ay masasabing kong para narin itong mall sa sobrang laki. Like wapak? Kaso nga lang yung ibang lugar sa mansiyon ay off-limits. Hindi nalang ako naki-alam.
"Alis na. Magpapahinga ako." Inis ko pa ring sabi. Hindi naman porket hinatid niya ako rito ay wala na ang galit ko. Pagod na pagod talaga ako!
Hindi ko sigurado kung umalis nga siya pero pagkakita ko ng kama ko ay basta nalang akong bumagsak. Dyahe! Wala na akong paki-alam sa lahat! Basta matutulog na ako.
"Good night." Bulong ko. Buti nalang may itinatago ring kabaitan sa katawan si Voss.
Minulat ko ang mata ko dahil nakakuha na ako ng sapat na tulog. Teka, sa pagkakaalala ko ay basta nalang ako bumagsak sa kama kahapon. Bakit maayos ang tayo ko ngayon at nakakumot pa?
"Baka gumising ako kagabi?" Takang sabi ko at bumangon sa kama. "Aray ko! Dyahe!" Ang sakit pa rin ng likod ko at sobra pa ang ngalay ng mga kamay ko! Kainis! Bwisit na Voss 'yan.
"You're already awake?" Tanong ni Clark na ngayon ay nakatayo na sa may pinto. Nyeta! Hindi ba marunong kumatok ang magkakapatid na ito? Buti pa si Shan.
"Sa totoo lang, tulog pa talaga ako ngayon. Sleep talking ang tawag dito." Pabalang kong sagot sa tanong niya. Tumawa lang ang loko.
"Ang cute mo talaga." Nangingiti niya pang sabi. Susme! Nanlalandi na naman po ang kumag!
"Bakit ka nandito? May ipapagawa ka?" Pagbabalewala ko sa sinabi niya. Umiling lang siya at talaga namang malaki ang ngiti habang nakatingin sa akin.
"I can't order you around. You're so cute." Inirapan ko siya. Seriously? Hindi talaga matinong kausap si Clark.
"Well, I'm your maid. Salamat nalang sa matapobre mong kapatid na pinagsampalan sa mukha ko ang katotohanan na yun." Pikon kong sabi. Tumawa na lang siya ulit. Balak ko sana siyang irapan pa ulit pero ang gwapo niya tumawa kaya hindi ko nalang ginawa.
"Dapat kasi nagpatulong ka nalang," natatawa pa ring sabi niya. "Masyado kasing OC yang si Voss." Dagdag niya pa.
"Feeling perfect amp." Sabi ko at umirap sa hangin. Nanggigigil na talaga ako sa lintek na yun! Ang sakit talaga ng katawan ko.
"Perfect, huh? Not bad." Isang malamig na boses ang bumulong sa akin. Napaatras ako sa gulat.
"Dyahe! Bakit ka ba nanggugulat!?" Nanlalaki ang mata kong tanong. Nagulat ako ng tumingin sa akin ang mapupula niyang mata. Akala ko kailangan niya na ng dugo. Strange. Pero mas nanlisik ang mga pulang mata niya ng dumapo ito kay Clark.
"Uh.. why are you angry?" Inosenteng tanong ni Clark.
"Out." Voss said, almost a growl.
"Okay, easy." Mabilis na nawala si Clark sa paningin namin. Humarap ako kay Voss. Kulay dark green na ulit ang mata niya pero halatang mainit pa rin ang ulo.
"Ano ba kasing problema mo!?" Galit kong tanong. Masakit pa rin ang katawan ko dahil sa kanya.
"I thought you like Shan." Kalmado ang boses niya pero kitang kita ko ang mga nanlilisik niyang mata. Ano na naman ba ang pinaglalaban nito?
"Oo nga, eh ano naman sayo?" Pabalang kong sagot. Bakit naman siya nangingialam?
"You're letting other men to enter your room and flirt. Are you dumb?" Napigtal ang manipis na pisi ng pasensya ko dahil sa pang-iinsulto niya.
"Dumb? Excuse me ha. Kasalanan ko bang BAMPIRA kayo at TAO lang ako? And fyi, hindi ko pinapasok si Clark! KUSA siyang pumasok sa kwarto ko. At lastly, walang gagawin sa aking masama si Clark dahil hindi siya kagaya mo!" Sigaw ko.
"So that motherfucker enter here without permission." Mas lalong nandilim ang mukha niya "Did he already... take a sip on your blood?" Marahan ngunit mapanganib niyang tanong. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba siya nagagalit?
"Obviously, hindi ba't trabaho ko naman yun? Blood fucking bank." Sarkastikong sabi ko. Naging kulay pula muli ang mga mata niya ng dahil sa sagot ko. Kinakabahan ako.
"Sino pa?" Marahas niyang tanong bago hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit.
"Si Clark pa lang at i-ikaw." Natatakot kong sabi habang dumadaing pa rin sa sakit. Babalian niya ba ako ng braso?
Nakakatakot siya. Sobra. Nababahag ang buntot ko kapag nakikita ang pagpula ng mga mata niya. Parang isinasampal nun sa akin kung gaano kababa ang antas ng kapangyarihan namin na mga tao kumpara sa kanilang mga bampira. Na parang kaya niyang gawin lahat. Narealize ko rin na natitrigger yun kapag nagugutom sila o kaya naman ay nagagalit. Scary it is.
Binitawan niya ang braso ko at sa isang iglap ay mag-isa nalang akong muli sa kwarto ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Kung dahil sa takot o sa kaba ay hindi ko alam. Dyahe!
"Ano ba talagang problema niya?" Sabay irap sa hangin.
✓
