CHAPTER 8
"NASAAN NA nga pala si Shan?" Tanong ko habang naglalaro kami ni Clark ng chess sa kwarto niya. Nagtataka siyang napatingin sa akin.
"May gusto ka ba kay Shan?" Nakangusong tumango ako. Gusto ko nang lumabas dito. Miss ko na si Shan.
"Anak ka ng! Bat di mo sinabi? Akala ko pa naman---Shit!" Bigla nalang niya akong niyakap. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya. Ano ba kasing trip ng lalaking ito?
"Sakyan mo nalang." Bulong niya. Napaikot nalang ako ng mata at niyakap siya pabalik. No choice eh. Sakyan ko daw. Psh!
"Clark." Isang malamig na boses ang nagpahiwalay sa akin kay Clark. Nakita ko si Voss na kulay pula ang mga matang nakatingin sa amin. Shet! Kinakabahan ako.
Sa isang iglap ay hawak na ako ni Voss. Habang tiningnan ng masama si Clark. "Do you really wanna die?" Kalmado niyang sabi ngunit nanlilisik ang mata. Siya lang talaga ang nakita kong ganun.
Nagtaas na lang ng kamay si Clark sa ere na animoy sumusuko. Nginisian niya ako at inirapan ko lang siya. "I still wanna live. Endangered na nga ang gwapo sa mundo, papatayin mo pa ako?" Tampong sabi niya. Ano ba yung sinasabi niya?
"Bitawan mo nga ako." Sabi ko kay Voss dahil nasasaktan na naman ako sa mahigpit niyang hawak. Tiningnan niya lang ako ng masama.
"We'll talk." Sabi niya ng may pinalidad sa boses. Sinenyasan naman ako ni Clark na makipag-usap nga. Eh ano ba kasing pag-uusapan namin?
Napunta na kami ngayon sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay ang sama pa rin ng hitsura ni Voss. Para talaga siyang papatay ng tao pramis.
"Ano bang gusto mong pag-usapan?" Mahina kong tanong. Nagtagis lang ang bagang niya at tumingin sa akin ng masama.
"Anong ginawa niyo ni Clark buong gabi?" Mapanuyang tanong niya. Bakit ba pakiramdam ko ibang bagay ang iniisip ngayon ng taong ito?
"Wag ka ngang judgemental! Wala kaming ginawang masama!" Tanggi ko kaagad. Mas nandilim ang mukha niya.
"Now you're being defensive, I still haven't ask a thing." Malamig niyang sabi. Ugh! Bakit ang kitid ng utak niya?
"I already said the truth. Nasayo na kung maniniwala ka o hinde." Saka ko siya tinalikuran. Nagkunwari akong nag-aayos ng kama.
"You're with him for the fucking whole night. Anong ginawa niyo? Nagtitigan? You don't expect me to belive that crap, aren't you?" Puno ng pang-iinsulto ang kaniyang boses. Pakialam ko kung ayaw niyang maniwala. Nagsisimula na akong mairita.
"Ano ba kasing problema mo!?" I spat. I mean, wala naman kasi sa kanya yun di ba?
"Who do you prefer the most?" Mas mahinahon niyang tanong. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "Clark..." he trailed off. "...or me?" Seryoso niyang tanong. Gusto ko sanang tumawa kaso mukha siyang seryoso kaya 'wag nalang.
Napakurap rin ako ng ilang beses. Ano namang isasagot ko? Dahek? Anong tinira nito at bigla nalang---oh my god! Tinakpan ko ang nakanganga kong bibig. Literal eh. Sino ba namang hindi magugulat di ba?
"Ikaw ba si Voss?" Tanong ko nalang. Malay niyo may kambal pala si Voss di ba? Hindi ko to inexpect eh. Para siyang may sapi.
"Don't ask, you must answer." Matigas niyang sabi. Ano na namang problema?
"None of the above." Maangas kong sabi. "Loyal ako kay Shan." Proud kong sabi.
"Tsk.. Go, live your moment with him for the mean time," sabi niya. Lumapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko. "Because you will surely take that back." And boo! He disappeared. Tsk. Going to take it back? Saka na kapag binasted na ako ni Shan. Pero bakit ba masyado silang eager sa love life ko? Bakit ang weirdo ng magkakapatid na yun? Kainis.
"Weird talaga." Sabi ko habang umiiling.
Most awaited day! Gumising ako ng may malaking ngiti sa labi. Starting now, I think I will really love Sundays. Mah day! Nagbihis ako at naghandang umalis. Nagke-crave ako sa pasta.
Napasimangot ako ng makitang umuulan sa labas. Dyahe! Bakit ngayon pa nagkaroon ng bagyo? Madilim ang langit at sa tingin ko buong araw ang pag-ulan. Malas naman eh.
"Where do you want to go?" Tanong ng isang boses. Agad akong napangiti ng makita si Shan sa tabi ko.
"Nagke-crave kasi ako sa pasta eh." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin. Shit! Bakit ang gwapo niya roon?
"I'll come with you." Tumango nalang ako habang nagpipigil ng ngiti. Date na ba ito?
Nakarating kami sa mall. May pinasukan kaming resto na naghahanda ng iba't ibang klase ng pasta. Nanubig tuloy ang bagang ko.
"Are you okay here? I'll order something." Sabi niya. Pero dahil tinamaan na ako ng hiya ay pinigilan ko siya at sinabing ako nalang ang oorder. Pero hindi siya pumayag kaya wala na akong nagawa kundi maghintay.
Nakasuot lang si Shan ng simpleng polo shirt at jeans pero ibang iba ang dating niya para sa akin. Kung hindi lang siguro siya bampira ay magiging madali ang lahat.
Napansin ko ang mga titig sa kanya ng mga kababaihan. Nainis tuloy ako. Tusukin ko ang mata nila eh.
"Here." Hindi ko namalayang nasa harap ko na si Shan at inilapag ang pasta na inorder niya. Nyeta! Mukhang masarap. Pero may napansin ako.
"Teka, bakit ako lang ang may pasta? Hindi ka ba kakain?" Takang tanong ko. Ngumiti lang siya at tinitigan ako.
"Vampires don't eat anything but blood." Simpleng sabi niya. "I'll just watch you, Dasy."
Naiilang akong kumain. Sayang, date na sana eh. Kaso bampira siya. Nevermind basta magkasama kami ngayon.
Sobrang saya ko ng pag-uwi. Nag-enjoy akong kasama si Shan at feeling ko talaga nagdate kami. Nanonood ng sine at naglaro sa arcade. Inabot na nga kami ng gabi eh. But it was fun. Really.
"Thank you nga pala." Mahinhin kong sabi pagkahatid niya sa tapat ng kwarto ko. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. What a sweet gesture! Buo na ang araw ko!
"Go, sleep. Good night." Tumango nalang ako pinigilan ang ngiti. Umalis na siya pagkatapos noon. Napawi ang ngiti ko ng mabuksan ko ang pinto ng aking kwarto. Nakaupo si Voss sa kama ko at halatang bad mood na naman.
Nang iangat niya ang kaniyang paningin sa akin ay nakita ko ang mapupula niyang mga mata. Bago ko pa malaman ay nakahiga na ako sa sarili kong kama at nakapa-ibabaw siya sa akin.
"I'm hungry as fuck, Dasy. Feed me please."
And boom! Kainan na.
✓