CHAPTER 9
NANLALAKI ANG mga mata ko siyang tiningnan.
"Teka lang naman!" Sabi ko at sinusubukan siyang itulak. Medyo kakaiba kasi ang position namin ngayon at kakaiba rin ang pumapasok sa utak ko.
Pero dahil bampira nga pala siya ay siyempre hindi siya nadala sa lakas ko. Tanga ka, Dasy! Bampira nga di ba?
"Stay still." Saad niya sa malamig na boses. Kula pula pa din ang mata niya kaya wala na akong nagawa.
Hindi na ako nagtaka ng punitin na naman niya ang suot ko. Susme! Mauubusan ako ng damit nito eh. Pumikit nalang ako at inantay ang pangil niya. Sana naman wag niyang ubusin ang dugo ko. At bakit kasi ang choosy niya!? Pwede namang sa leeg nalang di ba?
"Wait lang!" Nakapikit kong sabi. Naramdaman kong tumigil siya kaya nagmulat na ako. Sorry naman! Masakit kasi siyang kumagat eh. Rawr!
"Pwede bang sa leeg nalang?" Nagpapacute kong tanong. Mas lalo lang nanlisik ang mata niya. Huhu.. Sabi ko nga ayaw niya..
"I said I don't bite on necks. Why? Do you prefer Shan to claim your blood instead of me?" Ayan na naman siya sa mga hindi ko maintindihang tanong! Ano bang pinaglalaban niya? He's acting like a jealous boyfriend! Teka, boyfriend? Ulol ka Dasy!
'At malamang mas pipiliin ko si Shan kesa sa kanya, sino ba siya ba siya sa akala niya?'
"Hayy.. sana si si Shan na lang ang naging amo ko," dismayado kong bulong.
"What did you just say? Does it mean that you want him more than me?"
Kasabay ng naglilongas niyang mga mata ay ang pagbaon ng mga pangil niya sa itaas na banda ng dibdib ko. Masakit, sobra. Pero sa halip na maiyak ako sa sakit ay huminga lang ako ng malalim at hinintay siyang matapos sa akin. Hindi ko siya maintindihan.
'Bakit ba siya umaakto na may ginawa akong malaking kasalanan na kailangan kong pavbayaran?'
Kailangan bang parati ay may hirit siya? Hindi ko na nagugustuhan ang trip niya. Bad trip! Dyahe naman oh!
Nararamdaman ko rin ang pag-angat ng ulo niya. Nagsimula na akong mahilo at manghina. Tang'na lang kapag naubusan ako ng dugo..
"You can only like someone in this mansion if its me. Not Shan, and my brothers. It's just me, Dasy. Remember that." Rinig kong sabi niya bago ako mawalan ng ulirat.
Pinilit kong gumising nang marealize kong umaga na. Nangilid ang luha ko ng maalala ang nangyari kagabi. I hate him! I really hate him! Basta, I really hate him sagad! Ang Voss na yun! Bakit also hindi nalang nila ako patayin?
...
Dahil sa kabaliwan nila ay pakiramdam ko nababaliw na rin ako! Hindi ba't ako naman ang pumirma at pumayag sa kontratang inalok nila? But here I am, nagrereklamo na parang batang aping-api.
Nandito ako sa loob ng mansyon para maging maid slash blood bank. Hindi ako nandito para sa bakasyon. Bakit ba kasi umiiral ng wala sa oras ang pride kayabangan ko? Baka hindi naman talaga sila ang problema? Nagiging sobrang taas na ba ang tingin ko sa sarili ko?
"Bakit ang putla mo yata ngayon, baby?" Bumuntong hininga ako at saka tingin kay Clark. Ang walang hiya! Anong baby?
"I'm fine." Walang emosyong sabi ko. Front lang 'yan! Ang totoo ay kanina ko pang gustong suntukin sa mukha si Clark. Kanina pa siyang nagpapansin. Nakakairita!
"Stop teasing her, Clark. She might feel uncomfortable." Suway agad ni Shan kay Clark. Ngumisi lang nang nakakaloko ang gago. Seryoso? Hindi ko talaga masabayan ang trip nito. May sira na ba siya sa utak?
"I think you're the one who's being uncomfortable, our dearest 'butler'. She said she's fine." Nang-aasar na sabi ni Clark. Palihim ko siyang tinaasan ng kilay. Ano bang sinasabi niya. Nagtataka akong tumingin kay Shan.
Nagulat ako nang makita ang reaksiyon sa mukha niya. Salubong na salubong ang kilay at halatang hindi nagugustuhan ang mga sinasabi ni Clark. Parang sa isang iglap ay may naramdaman akong mabigat na tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Ano bang nangyayari?
Nang hindi ko na matagalan ang matalim na pagtitinginan nila ay sinubukan kong iligaw nalang ang usapan.
"Clark, given na mga bampira kayo, ibig sabihin ba noon, mga imortal din kayo?" Tanong ko. Ang tanong kong iyon ang bumasag sa mabigat na tensyon sa paligid. Hindi ko pinahalata ngunit nakahinga ako ng maluwag.
Muntik na naman akong mamatay.
"Baby, you watched way too much vampire movies
"Well, I'm just in my early five hundred years, baby." Sabi ni Clark bago kumindat.
"Five hundred years!" Gulat kong bulalas ng magsink-in sa utak ko yung sinabi niya. Ang tanda na! Five hundred? Tapos early pa 'yun sa kanya? May mga nilalang na nabubuhay ng ganoon katagal? At mukha lang siyang nasa early twenties niyan ah!
"Hahaha, your face reaction looks funny! Paano pa kaya kapag nalaman mo kung ilang taon na itong si Shan?" Natatawang sabi niya. Gulat akong tumingin kay Shan.
"Shan, ilang taon ka na?" Nagdadalawang isip kong tanong. Baka nagbibiro lang si Clark.
"I've been a butler of their grandfather, down to their father before these three. I think I'm in my two thousand years or so." Literal na nalaglag ang panga ko.
"T-two thousand?" Tanong ko ulit. Baka naman nagkamali ako ng rinig. Wala akong masabe.
"Calm down, Dasy. I can hear your heart beats. It's rapidly fast." Pagpapakalma sa akin ni Shan. Kalma? Anong kalma? Paano yun gawin? I'm very overwhelmed by them. Ganoong katagal na silang nabubuhay. Five hundred? Two thousand? Kung ganito ang reaksyon ko, siguro normal lang sa kanila yun.
Napainom ako ng tubig. Ano kayang pakiramdam na mabuhay ng ganoon katagal? Ibig sabihin ba noon, kahit tumanda ako hanggang sa mamatay, ganyan pa rin sila? Whoah!
"Eh ikaw Ryd?" Tanong ko kay Ryd na walang imik pa din, palagi naman. Tumingin siya sa akin bago sinagot ang tanong ko.
"I'm just 5 sec younger than him." Turo niya kay Clark. Natawa lang si Clark. So twins pala sila!
Sa ganoong tagpo ay biglang dumating si Voss at nakatingin siya sa akin. Nagulat ako at hindi nakapagsalita agad.
"What about me?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Napakurap ako. Anong siya?
"Hah?" Parang tangang tanong ko. Umayos ka, Dasy! Panong ayos ba?
"Aren't you interested about my age?" Nanghahamong tanong niya. Buong tapang ko siyang tiningnan sa mata niya.
"Sorry ka, hindi ako interesado." Pagtataray ko. Lakas loob ko rin siyang inirapan pagkatapos kong sabihin yun. I hate him! I really hate him! Nagtagis ang bagang ko nang maalala ang nangyari kagabi.
"Really? When you just confessed to me last night?" Laglag ang pangang napatingin ako sa kanya. Confessed? Anong confessed? Kailan pa nagkaroon ng turn of events? Nababaliw na naman ba siya? Anong trip na naman ito?
"You're impossible! Bakit naman ako aamin sayo!? Ano ka hilo?" Depensa ko. Tiningnan ko si Shan na nawalan ngayon ng ekpresyon. No, Shan ko. Wag kang padadala sa mga kasinungalingang sinasabi ng matapobreng ito! Ako pa daw ang nagconfessed! Kapal ng mukha!
"Last night, you said you like me." Ulit ni Voss. Sinamaan ko siya ng tingin. Yung tipong sa utak ko ay pinapatay ko na siya.
Narinig ko ang pagsipol ni Clark. "Kaya pala hindi makatulog ng maayos." Tukso niya habang nakangisi. Isa pa 'tong animal na 'to! Mas lalo lang uminit ang ulo ko dahil sa kanya!
Ipapaliwanag ko pa sana ang sarili ko ng umalis si Shan. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam. Nakatitig lang kawalan.
Shan...
✓