Chapter 10

26 4 0
                                    

CHAPTER 10

"ANO BANG pinagsasabi mo? Gusto kita? At saan mo namang basurahan pinulot yun?" Sunod-sunod na tanong ko kay Voss. Bwisit! Baka iwasan ako ni Shan nito eh. Ang feelingero kasi nang punyetang bampira na 'to! Ano akala niya? Na patay na patay ako sa kanya? Wew!

Nakangisi niya akong tinitigan. Lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Kung bakit ba kasi ang gwapo nito? Ang hirap panghawakan ng galit eh.

"You still haven't said that but I know that you will get there. Inunahan ko lang." Mayabang na sabi niya. Grabe! Sa tingin niya talaga, magkakagusto ako sa kanya? Hell no! Ang kapal niya lang!

"Yun oh! Advance mag-isip!" Ngisi-ngising sabi ni Clark. I shot him a dead pan look. Hindi siya nakakatulong! Ang sarap nilang ilibing pareho!

"Para sa ikatatahimik ng mundo at kahit pa ulit ulitin ko sayo. Hindi kita gusto! Hinding hindi kita magugustuhan." Madiing sabi ko sa harap niya. Nakita ko kung paanong nawala ang ngisi sa mga labi niya at napaltan ng madidilim na mata. Siya pa ang galit. Tang'na naman!

"You will take that back. Not now but soon, you will." Seryosong sabi niya bago nawala sa paningin namin. Hah! Hanep sa confidence level!

"Hibang na siya!" Bulalas ko nalang. Nagtaas naman ng kilay sa akin si Clark. Isa pa 'tong animal.

"Damn! First time na nabasted si Voss! At sayo pa?" Tiningnan niya ako mula baba hanggang taas. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "No offense, Dasy. Cute ka pero definitely not---"

"---pretty. Alam ko naman." Pagputol ko sa sasabihin niya at hinubad ang salamin ko at tinititigan siya sa mata. "Pero hindi porket pangit ay wala nang karapatang tumanggi sa gwapo." Mahinahong paliwanag ko. Clark looked amused though, ano na namang iniisip ng gago?

"Wala ka ba talagang gusto sa kapatid ko, Dasy? Ship ko kasi talaga kayo eh." Biglang nguso niyang sabi. Inikutan ko siya ng mata. Never!

Voss is really handsome, dangerously handsome. He's aura always screams danger and chills. Ang unang impression ko nga sa kanya ay fuck boy eh. Which I think is true. His features is close to perfect, but he lacks the attitude. He always act like what he wants is what he gets. Which includes me, kung totoong gusto niyang magustuhan ko siya. Pero hinding hindi ko hahayaang mangyari yun. Ayoko sa kanya. Si Shan...

Si Shan na naghire sa akin para maging blood bank ng mga prinsepe bampirang ito. Si Shan na naging crush ko agad simula noong unang beses na makita ko siya. Si Shan na may gwapong boses at gentleman pa. Kahit hindi kasing gwapo ni Voss si Shan. Sobrang gwapo pa rin niya. Out of reach nga lang masyado ang kagwapuhan ni Voss. At isa pa, Shan is nice. Medyo masungit pero way nicer than Voss. Yun ang dapat...

"I like Shan, Clark." Sabi ko nalang. Ngumiti lang sa akin si Clark. This time hindi na yung tipo na nang-aasar. He's just smiling genuinely.

"I'm against about it. Hindi mo pa ganoong kilala si Shan, Dasy." Sabi niya habang nakangiti pero alam kong walang bahid ng pagbibiro.

"He's nice, Clark. Tsaka hindi ko rin naman ganun kakilala si Voss ah. Actually, kayong lahat." Paninindigan ko. Sira ba siya? It's obvious, Shan is way nicer than Voss. Bakit niya ba sinisiraan sa akin si Shan?

"Fine. Whatever you want." Sabi niya at nagkibit-balikat. Nagbalik na ulit ang mapaglarong ngisi sa labi. Humarap siya kay Ryd na nagbabasa habang nakaupo sa sofa. "Pero hindi pa rin lulubog ang ship ko. Mananalo din ako li'l bro." Sabi niya at tinapik si Ryd. Sinamaan lang siya ng tingin ng nakababatang kapatid.

"Li'l bro? Fuck you! You're just five seconds older than me dumbass!" Inis na sabi ni Ryd. Pansin ko rin na naging mas komportable na magsalita si Ryd ngayon. Hindi na siya kasing tahimik ng dati eh. Ang galing ko talaga.

"Inaaway mo ako, li'l bro! Bat ayaw mo ng tawag ko sayo? Gusto mo baby bro nalang?" Nang-aasar na tanong ni Clark. Nag fuck you sign lang si Ryd.

"You wanna fuck me, baby bro? Hindi yun pwede, magkapatid tayo. But if you really want it then..." Sabi ni Clark na animoy nag-aalala. Napaikot nalang muli ang mata ko sa kalokohan niya. Gagong tunay...

"Get off, scumbag!" Pikon na sabi ni Ryd habang nakayapos si Clark sa kanya na parang may ginagawang malaswa. Yuck!

"Fuck you! Your disgusting!" Sabi ni Ryd bago sinipa ng malakas si Clark. Tumalsik si Clark palayo. Shit! Mga bampira nga pala sila! Tiningnan ko kung ayos lang si Clark pero mukhang hindi ko na kailangang mag-alala kasi tumatawa lang ang loko.

"Baby bro, ang lakas mo sumipa! Kabayo ka ba?" Parang tangang sabi ni Clark at tumawa na naman. Napatawa na rin ako ng kaunti dahil sa priceless na reaction ni Ryd.

"I'm not a horse! Fuck you!" Nanggalaiting usual ni Ryd. Pikon din pala ang lalaking ito? Malayong malayo sa Ryd na walang reaksyon palagi. So this is the real him, huh? Ang cute..

"Ugh... Harder babe." Sabi ni Clark saka gumawa ng malaswang tunog. Umalis na ako doon. Baka magpatayan na sila eh. Ayokong madamay..

Natagpuan ko ang sarili ko sa garden. Hayy. Fresh air. Sana palagi nalang ganito. Pumikit ako at dinamdam ang hangin. Ang presko sa pakiramdam..

"Is that true?" Napamulagat ako ng marinig si Shan. Napangiti agad ako pagkaharap sa kanya.

"Shan!" Masaya kong sabi. He just nodded to me. Hindi siya ngumiti. Bakit kaya?

"You like Voss, huh?" Tanong niya. Umiling ako. Hindi naman kasi talaga totoo. Pero, nagseselos ba siya? Yiee..

"Hindi Shan, may sira lang talaga sa utak yang amo natin." I reassured him. Pinigil kong ipakita sa kanya yung kilig ko. You know, hindi kasi ako assumera. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. Napangiti rin ako.

"I'm glad. Voss is not really serious when it comes to those things. He broke quite a long line of hearts. And I don't want you to be played by him. You're special, I don't want you to get hurt." Nag-aalala niyang sabi. Hindi ko alam pero bumagsak ang balikat ko. So Voss is really a play boy type, huh? Hindi na dapat ipagtaka pa 'yun. Aura pa lang niya alam ko na eh..

Voss is not really serious when it comes to those things.

He broke quite a long line of hearts.

Hindi ko alam kung bakit nagpaulit ulit sa tenga ko ang mga sinabi ni Shan. At sa tuwing naiisip ko na may ibang babaeng kinakasama si Voss, may babae siyang hinahalikan, niyayakap at kasamang gumawa ng ibang bagay ay naiirita ako. Maisip ko lang na may iba siyang babaeng pinagkukunan ng dugo bukod sa akin ay nanlulumo ako.

Naaalala ko pa nung sinabi niya 'I don't bite on necks.' ibig sabihin ba nun ay sa parteng yun niya rin kinakagat lahat ng babaeng kasama niya? At knowing na ganun siya, baka sa mas maselang parte pa. Naipilig ko ang ulo ko ng dahil sa naiisip ko. Dahil bukod sa nabeberde na ako ay sumabay pa ang iritasyon ko.

At dyahe! Bakit nga ba ganito ako mag-isip? Di ba si Shan ang gusto ko? Ano namang pakialam ko kay Voss at sa mga sexy adventures niya? Ang landi landi! Kainis.

I don't want you to be played by him.

I don't want you to get hurt.

Boses ni Shan sa utak ko. Gusto kong magtakip ng tenga. Bakit pakiramdam ko ay mangyayari 'yun sa akin? Umiling na lang ako at kinalimutan ang iniisip. Kinalma ko ang sarili ko.

Really? Ipagpapalit ko ba naman si Shan kay Voss? Definitely not! Hinding hindi ako magpapadala sa malanding Voss na yun!


Serving The Vampire Princes (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now