CHAPTER 11
TULALA AKO at malalim ang iniisip habang naghihiwalay ng mga puting damit sa de kulay. Pero parang hindi naman nagsusuot ng makukulay na damit ang mga bampirang yun eh. Puro puti, gray, at itim lang naman ang kulay ng mga damit nila eh.
Iilan lang naman ang mga damit nila at lahat iyon mababango pa rin. Kahit yung putok siguro ay mahihiya sa katawan nila, everlasting ang bango eh
Napalunok ako ng mahawakan ko ang puting polo na alam kong kay Voss. Kaamoy niya eh. Napansin ko lang, magkakaiba ang amoy nilang lahat pero lahat sila mabango talaga.Nanlamig ako ng narealize kong sinisimot ko na ang amoy ng damit. Ang bango talaga. Dyahe! Pero bakit parang may ibang amoy? Parang pabango! Pambabae! Dyahe!
Tiningnan ko ang polo at nakita kong may mga pulang stain iyon sa bandang dibdib at kwelyo. At hindi ako kahapon lang pinanganak! Hindi ako tanga para hindi malamang lipstick stain ito!
"Ang landi talaga." Nanggigigil ako at kumuha ng gunting. Ginupit ko ang parte na may mantsa. Napatawa nalang ako ng mahina. Mukha kasing mamahalin yung damit.
Sorry agad! Since birth na akong galit sa mga malalandi at mahaharot na nilalang. At isa pa, naniniwala akong barya lang niya ang pinambili sa damit na ito. Hello? Nahiya naman yung damit kong basahan na di ba? Di bale next week, magtitingin ako sa ukay.
Nagsimula akong maglaba. Una kong isinalang sa washing machine ang mga itim at gray na damit. Buti nalang talaga may washing machine. Totoo talaga yung kasabihang 'technology makes our life easier.'
Natapos ako ng mabilis. Sanayan lang yan. Nag-alok pa nga si Clark ng tulong pero tumanggi ako. Easy lang kaya sa akin ang paglalaba.
Nagsasampay na ako ng mga damit ng dumating si Shan. May dala siyang supot na hula ko ay pagkain. Teka, maaraw ngayon ah, paano siya nakakapaglakad sa gitna ng araw?
"Hindi ka ba nasusunog? Paano nangyari 'yun?" Taka kong tanong hanggang sa makalapit na siya sa akin. Ngumiti lang siya. 'Yan! Buo na ang araw ko. Harot!
"May ipinapahid kaming mga bampira sa katawan namin para magkaroon ng proteksyon sa araw. Since ngayon lang ulit nagkaroon ng stock, I forgot to tell you about it. I'm sorry." Napangiti ako sa kacute-an niya. Shet! Pinapatawad na kita Shan! Tayo na? Joke, ang harot.
"Okay lang yun, hindi mo naman kailangang sabihin sa akin lahat. Bampira kayo at inirerespeto ko yun." Ngumiti ako sa kanya. Tumitig lang siya sa akin. Tamang pigil lang ng kilig, self.
"I wish I'm a human too." Sabi niya saka bumuntong hininga. Siguro nga, pero kung tao siya, sure akong hindi niya ako mapapansin. Hahabulin siya ng maraming babae for sure. At isa pa, kung naging tao siya, hindi ko na siya makikilala. Hindi ko sila makikilala.
"Don't be. Gusto kita bilang ikaw, Shan." Nakangiting sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Teka ano ulit? Ow shit! Pahamak na bibig! "I mean, m-mas...ehem.. gusto kita bilang b-bampira." Hindi magkaintindihang pagbawi ko. Dang! Para kang tanga, Dasy.
"You are flirting here, I see." Nagpanting ang tenga ko ng marinig ang kasumpa-sumpang boses. Ano na naman bang ipinuputok ng butsi neto?
"We're not flirting, Voss." Simpleng sabi ni Shan. Ouch! Hindi pala landian to? Ouch lang! Nag-assume pa naman ako.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" Pikon kong tanong. Bakit wala siya sa labas at mambabae o kung ano pa man? Inirapan ko siya. Panira ng moment namin ni Shan ko eh.
"Sorry, Shan. Please continue her thing. We're going on a date." Sabi ni Voss at hinawakan ako. Wait lang! Ano daw?
Bago pa ako makapagprotesta ay tumakbo siya ng mabilis kaya nauwi nalang ako sa pagtili. Jusko! Walang warning? Mahihimatay yata ako.
"You are shocked, huh?" Inirapan ko siya. Sino namang hindi magugulat di ba? At date?! Tuluyan na ba siyang nasiraan ng bait? Wawa naman.
"Voss naman! Kung ano mang trip mo sa buhay, pwede bang huwag mo na akong idamay!? At date!??? Bitch please! Mas gusto ko pang kasama si Shan." Reklamo ko nang makabawi sa gulat. Biglang nagkaroon ng tensyon. Hindi na ako nagtaka. Galit na naman siya panigurado. Ang kapal talaga ng mukha neto. Siya ang bigla bigla nalang manghihila tas siya pa galit? Bungal!
"Why? Don't you like me better? I'm more valuable than him! I have a fucking title." Nagpupuyos sa galit niyang sabi. It's not out of jealousy. Sigurado ako dun. It's his ego and pride talking! Hindi niya matanggap na mas pinili ko si Shan kaysa sa kanya. Buti nga!
"Please, Voss. Bakit hindi ka nalang mamili ng maganda sa mga babae mo?! Jusko! Wag nga ako! Pangit nga ako pero hindi ako basta bastang pinaglalaruan lang!" Sigaw ko sa mukha niya. I can't contain my anger. At hindi ko rin alam kung bakit ako nagagalit. Nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi ako pinanganak na maganda. Ouch lang.
"Damn! Do you think I'm just playing?" Galit niyang tanong. "I need you to like me, Dasy Lim. It would benefit you and me fucking a lot."
"Benefit me? Hello? Sira na ba ulo mo? Ano namang makukuha ko sa pagiging babaero mo kundi sakit sa ulo?" Sarkastikong tanong ko bago siya inirapan. Mga salot kaya sa lipunan ang mga malalandi.
"What did you say?" Tanong niya. Inikutan ko siya ng mata.
"Wala kako akong maaasahan sa kalandian mo! Tapos gusto mo pa akong mahulog sayo? No way! Sasaktan mo lang ako!" Sigaw ko. Teka, baka makuha niya ang maling idea dun ah. Baka mag-assume pa! Wawa naman.
"So you're jealous." Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Sabi na nga ba't assumero din ang isang 'to! 'Di kami swak! Hindi ako assumera eh. Minsan lang.
"Excuse me!? Feeler ka! Bakit ako magseselos sayo kung nandyan naman si Shan?" Sabi ko. Binaliwala niya lang iyon.
"Then maybe, I should try ignoring other girls, I never thought you will be mad. You really like me that much, eh?" Pag-iimagine niya pa. Gago!
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na---"
"Can I still kiss other girls?"
"NO WAY!" Sigaw ko. Nakita ko ang pagngisi niya. Teka, ano ulit ang sinabi ko? "I mean, yes way pala! Wala naman akong pakialam sa mga kalandian mo!" Mabilis na bawi ko pero parang hindi niya naman iyon pinakinggan. Ngising ngisi pa rin ang hayop. Bakit ko ba kasi naisigaw yun? Nakakahawa yata ang ang sakit ni Voss.
"But I saw you cutting my polo when you saw the lipstick stains. I never thought that you would be that possessive of me." Nakangising sabi niya. Inirapan ko lang siya.
"Ang sabihin mo ay assumero ka lang talaga! Sadyang galit lang ako sa mga malalandi!"
"Then you're angry at me?"
"Hindi ba obvious?"
"What if Shan is the one who did that. Will you be angry at him?" Napatanga ako sa kanya ng dahil sa tanong niya. Magagalit ba ako kay Shan? Asa!
"Hindi naman yun gagawin ni Shan." Pagbabaliwala ko. Nagkibit-balikat lang si Voss bago muling seryoso akong hinarap.
"No Shan, no Clark, and no Ryd with you for this day. You will only have me and we will go out on a date." May pinalidad sa boses niya. Date? No way. Date niya sarili niya!
"Pero---"
Wala na akong nagawa nang nadala niya na ako sa mall. Dyahe! Hindi pa nga ako pumapayag eh. Hindi ba siya marunong umintindi?
"Masama ang pakiramdam ko sa isang 'to," mahinang bulong ko bago kami pumasok sa loob. Dyahe!
✓
