CHAPTER 12
NAKATAAS ANG kilay ko habang nakatingin kay Voss. Nyeta! Hindi ko talaga inaakalang mangyayari ang bagay na ganito sa isang iglap. Parang kanina lang naglalaba ako a.
"Oh? Ano nang gagawin?" Nagtitimping kong tanong. "Dalian na natin para matapos na agad." Sabi ko at inirapan siya.
May mga bulong-bulungan na akong naririnig sa paligid. Kesyo pangit raw ako at ginayuma ko lang ang lalaking punyeta na kasama ko. Grabe silang mag-judge ha. Hindi naman masaket.
Nakita ko ang pagbabago ng mood ni Voss, siguro sa mga naririnig niya.
"Hayaan mo na sila, sanay na ako." Pampalubag loob ko. Totoo naman eh. Nabuhay ako bilang api-apihan. Kinukutya ako ng mga kaklase ko dahil sa malaki kong salamin na ayokong hubarin at sa mukha kong tadtad na ng pimples.
"Fuck! They are treating me like idiot because I'm with you." Naiinis na bulong niya. Napapikit nalang ako sa inis at tumigil sa paglalakad. Tumigil rin siya.
"Sino bang nagpasimuno ng lahat ng walang kwentang bagay na ito? Hindi ba ikaw? Pwes, magdusa ka!" Sabi ko at inunahan siya sa paglalakad. Lakad takbo na ang ginagawa ko pero naabutan niya ako sa simpleng lakad lang. Bakit ang bilis niyang maglakad? Bakit ang hahaba ng biyas niya. Bwisit.
"Where are we going?" Nagtatakang tanong niya. Muntik na akong mapaikot ng mata. Jusko! Nakakastress si Voss.
"Hindi bat ikaw ang nag-ayang magdate? Ikaw ang magdecide!" Naiinip kong sabi. Tumingin lang siya sa akin ng walang emosyon sa mukha.
"What did you usually do in a date?" Simpleng tanong niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Tinanong niya kasi yun na parang wala lang. Huwag mong sabihing...
"Hindi ka pa ba nakikipagdate sa kahit kanino?" Nagdadalawang isip kong tanong. It's just imposible. Sa landi niyang yan? Baka nga hindi na niya mabilang ang nakadate niya.
"I don't do dates. Why would I if girls will already jump on me like crazy? It's better and less effort." Napatanga nalang ako sa walang kwenta niyang paliwanag. Hanep lang sa taas ng confidence level.
"Eh ano pang ginagawa natin dito? Umuwi na tayo!" Sabi ko at akmang tatahakin ang daan palabas nang hinawakan niya ang braso ko. Napabitaw agad ako kasi ang lamig.
"Don't spoil our date, Dasy. You could just told me what I should do."
Inirapan ko siya. "Fine," sabi ko at inunahan siya sa paglalakad. Gutom na ako.
Pumasok ako sa jollibee, nakasunod lang sa akin si Voss na halatang hindi komportable sa lugar. Marami kasing tao eh. Napaikot nalang ako ng mata. Bakit kasi sa dinami-dami ng lugar ay sa mall pa?
Nakakuha ako ng table for two na vacant umupo na ako doon. Laking pagtataka ko ng umupo rin si Voss sa harap ko.
"What?" Naiinis niyang tanong. Siguro dahil hindi niya expected ang ganito kaingay at crowded na lugar.
Itinuro ko ang counter.
"Ipagorder mo ako ng pagkain." Sabi ko nalang dahil alam kong hindi siya kakain.
"How do you humans order food?" Seryosong tanong niya. Huminga ako ng malalim at di makapaniwalang napatitig sa kanya. Paanong ang sobrang gwapong lalaking ito ay hindi marunong ng mga gentleman na galawan? Kung nanliligaw talaga sa akin to, basted na siya agad!
"Nevermind, ako na ang oorder. Behave ka muna dyan!" Sabi ko bago pumunta sa counter at pumila.
Pagkatapos kong makuha ang order ko na spag, ay bumalik na ako sa mesa kung saan si Voss ay bagot na sa pag-iintay. Nagtataka siyang tumingin sa hawak kong pagkain.
"Is that enough for you?" Turo niya sa spag na hawak ko at coke. Duh! Nagtitipid ako noh! Malay ko bang mapapagastos ako ngayon di ba? Akala ko kapag may date ay lalaki ang nanlilibre?
At dahil wala namang mangyayaring kahit na anong himala habang kumakain ako ay naisip ko si Shan.
"Buti pa siya, mabait." Sabi ko nalang.
"Who?" Kunot noong sabi ni Voss. Haleluya! May boses pala ang gago.
"Si Shan." Walang pag-aalinlangan kong sabi. At dahil nakakatuwa ang reaksyon niya kapag si Shan ang pinag-uusapan ay nagkwento ako ng nagkwento tungkol kay Shan. Laughtrip kasi ang pikon niyang mukha.
"Ang gwapo ng boses ni Shan. Ang lamig sa tenga, ang sarap pakinggan. Singer ba siya? Narinig mo na siyang kumanta?" Ilan sa mga tanong ko. Hindi ko talaga ginive-up ang pangungulit.
Hanggang sa nanonood na kami ng sine ay tuloy ang pagsasalita ko. Tungkol kay Shan lahat. Hindi naman sinasagot ni Voss ang mga tanong ko, puro tango, ngiwi at madalas na pagkunot ng noo ang isinusukli niya.
"Hindi katulad mo... Mas mabait si Shan kesa sayo, tapos gentleman pa." Nakangiti kong sabi habang iniimagine si Shan. Nagulat ako ng tingnan ko si Voss. Madilim na ang titig niya sa akin at halatang galit na. Kumain nalang ako ng popcorn at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang pelikula. Hindi ako makapagfocus dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Bakit ka ba nagagalit---Shit!" Mahinang sigaw ko ng bigla siyang mapunta sa harap ko. Napasandal ako sa upuan ng kinorner niya ako. Bakit kasi ang layo ng upuan namin sa ibang tao? Wala tuloy makapansin sa amin dito.
"Bakit ba?" Kunwaring inis kong tanong habang nakatingin sa mata niya. Alam kong galit siya. Bakit naman? At bakit ang lapit niya?
"Dasy, I'm your date. If I heard Shan's name again in that sinful mouth of yours, I'll kiss you!" Galit na sabi ni Voss. Nabigla ako pero hindi ko pinahalata. Kiss my ass. Inirapan ko siya.
"Bakit? Kasi hindi mo matanggap? Mas mabait si Shan kaya gusto---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hawakan niya pisngi ko at walang pag-aalinlangang hinalikan ako. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw.
Nakapikit siya habang ginagawa niya yun habang ako ay mulat na mulat. Hindi na ako nakapag-isip ng matino nang gumalaw ang labi niya. Napahawak ako sa laylayan ng damit niya bago pumikit at hinayaan siyang gawin iyon.
Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Marahas ang galaw ng labi niya pero walang pumapasok na kahit anong matinong bagay sa utak ko. In short, nakakabobo ang halik niya kahit hindi naman talaga ako matalino. Huwag kang malandi Dasy! Si Shan ang gusto mo 'di ba? Sinubukan ko siyang itulak pero hindi siya natinag. Hindi ko alam dahil sa sadyang malakas siya o nanghihina lang ako dahil sa halik niya.
Kusa siyang tumigil nang mapansing nawawalan na ako ng hangin. Breathless ang potek! Nakangisi lang siyang bumalik sa upuan niya na nasa tabi ko na parang walang nangyari habang ako pinapatay na siya irap.
Dyahe! Dyahe! Dyahe talaga!
Yung first kiss ko! Nawala nalang sa isang iglap? Bakit ang malas ng araw na 'to?
✓