CHAPTER 13
BUONG ORAS akong tahimik. Panay ang pag-irap ko at panggigigil sa kasama ko. Ramdam ko pa rin ang labi niya sa sakin. Hinugasan ko na kanina ang labi ko pero hindi pa rin mapawi. Pakiramdam ko namamaga pa din.
Gustong -gusto kong paulanan ng mura si Voss. Gusto kong murahin siya ng paulit ulit dahil sa ginawa niya. Pero magmumukha lang akong tanga noon. Pero sa sinehan talaga? First kiss sa sinehan? Ugh! At talagang action movie pa ang palabas ah. Hindi man lang nangyari sa somewhere romantic na lugar! At bakit si Voss? Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng ito, nagnakaw na sana ako ng halik kay Shan habang naglalaba ako kanina.
Naglalakad kami papasok sa mansyon nang magtanong siya.
"What are you thinking?"
"Shan," simpleng sagot ko. Nagrehistro na naman ang inis sa mukha niya. Wow! Siya pa ang may ganang mainis niyan?
"You're thinking about him all this time, huh?" Sarkastikong tanong niya minus the humor. "What about our kiss, hmm?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo bang ikaw ang pinakawalang modong nilalang na nakilala ko!? At ang date na ito ang pinakawalang kwenta sa lahat!? Sana kasi si Shan nalang ang kasama ko at hindi ikaw!" Sigaw ko sa mukha niya at pumasok na sa kwarto ko. Nakita ko pa ang madidilim niyang mata bago iyon. So what kung galit siya? Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi naman kasi ako maiinis ng ganito kung hindi niya ginawa yun.
Humarap ako sa salamin at tiningnan ang mga namumula ko pa ring mga labi. Yung first kiss ko.
Humiga ako sa kama at sumigaw sa unan sa sobrang inis. Nanggigigil ako sa lintek na Voss na yun! Bakit siya? Bakit hindi nalang si Shan. Ugh!
"Ayoko na." Bulong ko. "Humanda ka, Voss. Who you ka talaga sakin bukas."
At nakatulog na ako sa tagpong iyon.
"Are you still angry?" Iyan ang bungad ni Voss na kasalukuyang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Nagpanggap lang ako na hindi ko siya kilala.
"Who are you? Sorry, mali ka ng kwartong pinasok. Hindi kita kilala." Sabi ko at lumabas ng kwarto. At ang hitsura niya bago yun, epic.
"Hi, baby." Bati ni Clark ng may ngisi sa labi. Hindi gaya ng nakasanayan. Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis. Nanlaki ang mata niya dahil doon. Siguro dahil hindi ko siya inirapan o tinarayan man lang.
"Good morning." Bati sa akin ni Shan habang nakangiti. Mas lumawak ang ngiti ko at binati rin siya.
"Good morning den." Mahinhin kong sabi. Pakiramdam ko namumula ako.
"Anong balak mong gawin mamaya? Can I help with you?" Nakangiting alok niya. At dahil masamang tanggihan ang grasya, pumayag ako.
"Sure,"
"Psh!" Napatingin naman ako kay Clark na busangot ang mukha.
"2-0." nakangising sabi ni Ryd.
"It's 2-1, baby bro. Nagdate sila kahapon. Wag kang feeling," pagtatama ni Clark kay Ryd. "Bakit kasi ang bagal ng gagong yun?" Inis na tanong ni Clark. Teka, sino ba yung gagong tinutukoy niya?
"Who are you calling baby bro, you dumbass?" Inis na sabi ni Ryd. Napasimangot lang si Clark.
"Dumbass? Your adjectives are too harsh, baby bro. It's piercing through my delicate and fragile heart---"
"Shut up! I said stop calling me baby bro! Fuck--oh shit!" Hindi magkaintindihang sabi ni Ryd. Ngisi ngisi lang si Clark.
"You really want to fuck me that bad, baby bro? But I'm straight as a fucking arrow---"
"Shut up!"
Pumunta nalang ako sa garden pagkatapos kong maglinis ng bahay. Siyempre, tumulong sa akin si Shan.
"What are we going to do here?" Nakangiting tanong niya habang nakatingin sa kabuuan ng hardin.
"We will make this garden lively." Nakangiting sabi ko.
Ang dami kasi masyadong mga rosas at napansin ko ring masyadong malalago ang mga damo. Maganda na naman siyang tiningnan pero malakas ang pakiramdam kong mas gaganda pa ito kapag naayusan at nalinisan.
Nagsimula na kami. Abala ako sa pagwawalis ng mga kalat dahil mabilis na ginagawa ni Shan ang mga bagay. Iba talaga kapag bampira.
"Shan, do you love someone?" Halos sampalin ko na ang sarili ko nang itanong ko sa kanya yun ng walang pag-aalinlangan. Natawa lang siya ng kaunti at tumingin sa akin na may paghanga sa mata.
"I don't." Nanlumo ako sa sagot niya. Umasa kasi ako kahit one percent na may gusto siya sa akin. "That's before, though."
"Eh ngayon?" Kuryoso kong tanong. Hindi niya ako sinagot. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Pagod ka na. Rest, I'm going to finish this." Umiling ako at nagpatuloy sa pagwawalis.
Natapos namin ni Shan ang paglilinis. Nakontento ako sa kinalabasan ng ginawa namin at nakahinga ng maluwag.
"Shit! Hindi na basura ang garden natin." Sabi ni Clark habang pinagmamasdan iyon. Si Ryd naman ay tinitingnan kung nalinis ba ng maayos o may tira tirang hindi. Perfectionist. Parang si Voss.
Speaking of the devil, hindi ko pa siya nakikita sa buong maghapon bukod sa kaninang umaga.
"Hey!" Namamalikmata ba ako. Isang magandang babae ang lumapit sa amin. Pano siya nakapasok ng mansiyon? Anong klaseng tanong yun, Dasy?
Ang ganda niya, para siyang artista. Ang kinis ng balat at hour glass shape ang katawan. Dyahe! Ano pang sinabi ng mukha ko sa talampakan niya? Para siyang dyosa!
"Sari? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Clark. Sari? At sino naman siya? Ang ganda-ganda niya grabe! Mukha siyang artista!
"Where's my baby?" Maarte ng tanong niya. Baby daw? Bakit naman maghahanap ng baby ang isang dyosa sa bahay ng mga halimaw? Hindi ba siya naliligaw?
"In his room, pinapunta ka ba niya?" Tumango ang babae.
"Sari." Kinilabutan ako ng kaunti ng narinig ang boses niya. The devil finally showed up. At magkakilala rin sila ng dyosa na nasa harapan namin.
"Voss baby!" Sabi ng dyosa at kumabit sa gago. Naningkit ang mata ko sa pasimpleng paghaplos nung Sari sa dibdib ni Voss. I clench my fist. Is she one of his girls?
"Sorry for making you wait." Malambing na sabi ni Voss sa kanya. Nakagat ko ang labi ko ng makitang inakbayan niya yung Sari. Malandi ka! Malandi!
"Nope." Maarteng sabi ni Sari habang nakayapos sa bewang ni Voss. Tsansing! Tsansing ka!
Bigla tuloy nabura ang dyosa na description ko sa kanya. Para akong nakakita ng ahas na wagas kung makalingkis. Kainis! Mga malalandi! Ang sarap hilahin nang buhok!
"Babalik na ako sa kwarto ko." Matigas kong sabi ng mawala na sa paningin namin ang mga haliparot.
Marahas ang naging pagsarado ko ng pinto at dumiretso na ako sa kama ko. Hapon pa lang pero pakiramdam ko pagod na pagod na ako.
Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingala sa kisame. Bakit ba ako nagagalit? Dahil malalandi sila. Tama, yun na nga yun.
Muling pumasok na isip ko si Voss at yung Sari kanina. Ano kayang balak nilang gawin? Sila lang bang dalawa ang magkasama o may makakasama rin silang iba? Napapikit ako ng maramdaman ang hindi pamilyar na kirot sa puso ko. Dyahe!
✓
