Chapter 1

19 3 2
                                    

"i love you Rain."sabi sa akin ni Daniel.

"I love you too Daniel."sagot ko rin sa kanya with matching beautiful eyes...

Nakatitig lang sya sa akin ng matagal bago magsalita.

"You're lips is so irresistible, that i want to kiss it."sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking labi.ako naman si malandi ay nag pout pa, upang ipahiwatig sa kanya na gusto ko yung sinabi niya.

"Go and kiss it Daniel I'm ready,"with matching pout pa.

Unti unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin, at nong isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin, ay pumikit na ako at hinintay na lumapat ang kanyang labi sa akin.pero ilang segundo na akong naghihintay ay walang lumapat na labi sa akin kundi ay parang may bumuhos ng tubig sa aking mukha.kaya dali dali akong nagmulat pagkatapos ay bumangon, at tama nga ako may bumuhos sa akin kaya tumingin ako sa harap at nakita ko ang pinakagwapo kung kapatid na lalaki,nakatayo, busangot ang mukha, at may bitbit na tabo.

"Kanina ka pa tinatawag ni mama pero hindi ka pa gumigising kaya pinuntahan na kita dito."sabi niya na nakabusangot parin ang mukha.

Problema nito, parang binagsakan ng langit at lupa ah.siguro meron sya ngayon kaya badtrip hahaha.

"bakit kailangan mo pa akong buhusan ng tubig, eh puwede mo naman akong gisingin ng maayos  ah, yan tuloy basang basa na ako!"singhal ko sa kanya, at sinamaan sya ng tingin.

"Kasi naman ate kanina pa kita ginigising dyan sa kama mo, kinalabit na nga kita eh, pero hindi ka parin gumigising, at maganda siguro ng panaginip mo eh noh,  ngumingiti ka at ngumonguso.para kang baliw ate kung alam mo lang."balik niyang sabi sa akin at bumalik sa aking isip ang panaginip ko.

Ahhh!!! Si Daniel yung prince charming ko huhuhu.bwesit na kumag na to mahahalikan na ako ni Daniel Padilla eh, umepal pa tong isa.Oo si Daniel Padilla kala nyo kung sinong Daniel eh noh?idol ko kasi yan at ultimate crush.sayang kahit na sa panaginip man lang sana mag ka first kiss ako at sa crush ko pa oh diba?...

"Hoy ikaw!kumag ka kung sana hindi mo ako kaagad ginising di sana natuloy yung first kiss ko kay Daniel!epal ka!!"singal ko sa kanya sabay bato ng unan.

Tumatawa niya lang itong inilagan at derideritsong pumunta sa pintu-an at lumabas na sa kwarto ko.

To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon