|10|

171 28 9
                                    

Chapter 10


"WOW! THAT was beautiful..." bumalot ang pagkamangha sa mukha ni Valentino. Nahiya naman ako sa reaksyon niya nang makita ang mga cupcakes na meron nang frosting. Tapos na kasi ako sa paglagay nang frosting sa mga cupcakes.

"Can I taste it? That is surely delicious." Hindi paman ako nakakapagsabi na 'oo' kumuha na agad siya nang isa at kumagat. Halos nakalahati na niya ang pagkagat sa cupcake. Patango-tango pa siya habang ngumunguya nito. "Hmm. This was the delicious frosting I had ever tasted." Komento niya dito.

"Naku, binobola mo naman ako. Simple lang naman yan. At na tsamba lang siguro. Kaya sinabi mong masarap. Sus!" nahihiya ko namang sabi. Pinanliitan naman niya ako nang mata at sumilay ang nakakalokong ngiti nito.

"It tasted good. Really. I'm not kidding." Nanlalaki pa ang mata nito habang sinasabi iyon. Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Can I eat another one? Masarap kasi." Kunot-noo ko naman siyang tinignan.

"Bakit ka sa'kin nagpapaalam. Ikaw naman ang nagluto. Eat as many as you can. Go on!" pasabi ko naman. Hindi naman siya na awat at kumuha
pa siya. Tumagal pa kami lalo sa dining are dahil sa kanya. Imbis dadalhin na namin ito sa living room kung nasaan ang mga kaibigan at mga bisita nila. Mukhang mauubos pa ata sa kanya bago pa makarating doon.

"Mauubos mo na ata. Ano pa ang ipapakain natin sa kanila?" natatawa kong tanong sa kanya. Nagkibit balikat siya saakin.

"Hmm. Then we will make more cupcakes. Pasensya na. Hindi ko lang mapigilang kumain. Masarap talaga." Patuloy pa rin siya sa pagkuha nang cupcakes at kumagat.

I sighed.

Grabe naman pala itong isang to. Walang kabusugan ang tiyan. Ako nga ay hanggang dalawang cupcakes lang ang nauubos.

"Why don't you make more frosting?"

"Ha? E, wala na tayong ingredients naubos na. Hindi naman tayo pwedeng lumabas dahil malakas ang bugso nang ulan" napatingin ako sa labas. At iniharap ang tingin muli sa kay Valentino.

"You're right! Hmm. Let's go. Baka gutom na sila doon" inubos muna niya ang isa pang kinuha niya. Bago kunin ang mga nakahilerang cupcakes sa isang mahabang lagayan.

"Gutom na talaga 'yun. Tagal mo kasi." Biro ko naman na ikinailing niya sabay tawa.

"Yeah, yeah, right." Pagsang-ayon niya naman. "Take the cookies with you. Ako na ang magdadala nang fruit shake."

"Kaya mo ba? May dala ka ring cupcakes."

"Hmm. Sige ipakuha nalang namin kay Tom" suggest niya. Tumango naman ako. Nauna siyang umakyat sa hagdan at sinundan ko naman. Dinig namin ang tawanan nila habang papalapit kami.

"Yun o!" si Nolan. "Tamang-tama at gutom na kami." Pumapalakpak pa ito habang nakaupo.

"Tsk! Wala ka namang ginawa bakit ka na gutom?" pabasag na tanong nang kapatid ni Tom sa kanya. Sumimangot naman ang mukha niya. Minsan talaga ang ugali ni Nolan ay parang nasa limang taong gulang. Tsk.

"BabyLoves-"

"DON'T YOU EVER CALL ME THAT!" asik sa kanya nito. Hindi naman maipinta ang mukha ni Tom. Kapatid kasi nito ang girlfriend ni Nolan. Dahil kuya siya, dapat lang na maging protective siya.

"But babyLove-"

"One more call of that bullshit endearment to my sister. I'll kill you." walang makitang biro sa mukha ni Tom nang sabihin niya iyon. Nakita naman namin ang paglunok ni Nolan. Paniguradong takot ito. Hindi na nga sila maayos nang girlfriend nang kaibigan niya. Sumabay pa ang init nang ulo nito sa kanya.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon