Khely's Point Of View
" Tumawag kayo ng nurse dali! Putangina! Bilisan mo Stellfford! " halos iluwa ko na ang tonsils ko kakasigaw na tumawag ng nurse. Lintik naman kasi 'tong puso ni Anderson eh! Kung kelan maganda na ang laro dun pa pumalpak ang puso niya. Tss -___-
" Nawalan siya ng oxygen? " tanong ni Zeriel sakin. Isa pa 'to eh. Sarap talupan ng buhay. Tss
" Ay hindi! Trip niya lang humiga dyan at hindi huminga -_____- " napatango naman si Zeriel. Ay lintik na! Bakit kasi ang sslow nga mga kaibigan ko? Tss. Nakita kong papalapit na si Claire at may dalang kama. Wtf? Srsly? Diba sabi ko nurse!? Tss. Pagkadating na pagkadating niya tinanong ko agad siya kung para saan ang kama. Sabi niya iyon daw ang ipinadala ng nurse sa kanya. Napahilamos na lang ako ng mukha sa kabobohang nangyari -.- Tinanong daw kasi siya ng nurse kung para saan daw at ipinapatawag ko ang nurse. Sinagot niya daw na ewan ko. Tapos akala naman ng nurse eh may activiting nangyayari inshort, role playing at kailangan namin ng hospital bed at nurse -_______- porket Dramatization/Acting ang course namin pag ganun akala niya nagbibiro kami?! Tss kabobong nurse 'yon.
" Anong problema dito? " tanong ni Caine. Shet! Siya yung poging transferee dun sa arki. Why so gwapo? Mehehehe :"> tapos bigla niyang sinipiar (CPR) si Anderson. Waaaaaaaaa! Hindi ganyan! Bakit ganun!? Bakit CPR? Di naman nalunod yan eh. Whyy? Ang precious lips ni Caine! T^T Humanda ka sakin paggising mo Anderson! Tatadtarin ko yang bibig mo ng brush tsaka sabon!! Ang DNA ng lips ni Caine na nasa arki! :((
" bhe! Eto na 'yong nurse :D " sabi ni Claire tapos tumingala ako sa kanya. Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Zeriel.
" Oh-My-Ex-Boyfriend-Na-Katabi-Mo-Claire! Hoy mister! " sabay turo sa lalaking katabi ni Claire.
" Bakit andito ka ha?! Ang kapal ng mukha mong magpakita sakin uli. G*go ka' " tinignan niya lang si Zeriel sa mukha..
" Mas makapal ang make up mo -___- " agad namang hinatak ni Zeriel si Claire papuntang CR.. at ngayon, eto! Naiwan ako kasama si Caine nang arki at ang isang lalaki.
" Pare, dalhin na natin sa clinic 'to. " sabi ni Caine sa kanya. Binuhat na ni Caine si Anderson at nagsimulang maglakad ng biglang nagsalita ang lalaki.
" Anong silbi ng hospital bed na 'to kung bubuhatin mo lang naman yan? " napahinto si Caine sa paglalakad ng marinig niya ang sinabi ng lalaki. First impression, MASUNGIT.
//Clinic//
" Asan ako? " mahinang tanong ni Anderson..
" Wag mo ng itanong yan -.- sa pelikula lang nangyayari yan, Miss. " suway ng Nurse sa kanya. Psh -____- sarap upakan ng nurse! Ang friendly talaga sa patient.
" Uhh.. Hmmm.. " ungol ni Anderson. Natawa naman si Caine. Tapos naka-pokerface pa rin ang lalaking 'yon. Siniko ng lalaki si Caine. Wala naman daw nakakatawa tapos tatawa-tawa daw siya. Ang seryoso masyado nitong lalaki pero may point naman siya.
" ANONG NANGYARI? PATAY NA BA SIYA? MERON PA BANG OXYGEN NA DUMADALOY SA CELLS NIYA HA?! PLEASE TELL ME THE TRUTHHHHH!! " napaluhod pa talaga si Zeriel sa pintuan ng clinic na halos nakuha ang atensyon ng lahat. Napatingin sa kanya yung lalaki. Lalabas na sana ang lalaki sa loob ng clinic ng tumigil siya sa harapan ni Zeriel na nakaluhod pa rin.
" Dramatization Course though -____- Over acting. Psh " tapos ayun! Nilagpasan uli si Zeriel. Natawa si Claire at binatukan si Zeriel.
" Yan! Dramatization Course tho. Mga OA! " biglang napatayo si Zeriel at dinuro si Claire.
" Hoy ikaw! Tiffany Claire Gutierrez Stellfford, for your INFORMATION, DRAMATIZATION COURSE ka rin! " halos ikaputol na ng veins ni Zeriel ang pagsigaw niya sa pagmumukha ni Claire.
Nabigla naman ako nung kinalabit ako ni Caine sa balikat. Shet! Di ko lalabhan ang damit na 'to! Mehehehe. ♡♡
" Uh Miss, pakibantayin si Sydney ha ;) Pakisabi na rin sa kanya na.. ASA. Salamat " natulala pa rin ako sa taglay na kapogian ni Caine. Haaayy. Teka! *snap* ano nga uli ang sasabihin ko kay Anderson na pinapasabi ni Caine? Kutsara ba 'yon? Kutsara? Atsara? Asar na? Aish -.- kahit saan na lang dun basta may A tsaka Sa.
~|
Corise Khely on the multimedia :)
BINABASA MO ANG
Most Wanted : THE PLAYBOY'S HEART
RandomHeart.. It gives life.. We can never live without that thing.. Kailangan kong makuha ang puso niya. Kailangan kong kunin para mabuhay ako. Kailangan ko siya, kailangan niya ko. Makukuha ko kaya ang puso niya kung ang taong pagkukunan ko mismo ay ang...