Kris' POV
"Ma'am Kris may naghahanap po sa inyo sa baba nandun din po yung Ate Charlie mo badtrip po yung mukha niya tapos po may nagmamakaawa po na babae dun."
Dali-dali akong bumaba halos matumba na nga ako sa hagdan pero wala akong pakialam kailangan kong makababa.
"Kert ano ba? Nagawa mo na yun diba? Nasabi mo na kay Kris pero syempre kaibigan ka pa rin namin. Kaya tumayo ka diyan!! Is--"
"Kert!! Omg. Tumayo ka nga diyan!! Mygahd. Di ako galit sayo jusko Kert!!" At hinila ko siya patayo. Yung literal na hila kaya talagang napatayo siya.
"Ano ka ba ate!! Napagusapan na natin to e, bat inaway mo pa rin si Kert?" Sigaw ko kay ate.
"Binibiro ko lang si Kert, Kris. Sorry" sabi ni ate sabay yuko
"K-kris s-sorry."
"Kert, okay na yun :) tapos na eh, nagawa mo na. Pero kahit ganun di ko hahayaang mawala ang pinagsamahan natin, di ko hahayaang mawala ang 'Hush' kaya wag ka magalala. Kalimutan mo na yun :)"
"Kris *sob* Charlie, sorry talaga :("
"Okay na nga yun, Kert :)" sabi ni ate Charlie "Group hug!!"
~*~
Third person's POV
Nag-away man. Magkakabati din.
Matutulog ang magbabarkada sa bahay ng kambal. Nagharutan, nagkulitan, na para bang walang nangyari.
'Sana lagi na lang ganito' ani ni Zac sa isip niya.
Napangiti siya sa nagtatawanang mga kaibigan, nang may tumawag sa kanya.
'Unknown? Sino to?' Aniya ulit.
"Guys, teka lang ha? Pahangin lang ako :)" sabi ni Zac sa mga kaibigan at tsaka siya pumunta sa balcony ng bahay ng kambal.
Sinagot niya ang tawag sa kanya at nagsalita."Hello?" Mga ilang segundo na ang nakalipas pero wala pa rin itong sagot.
"Is this a prank call? Wala akong panahon para diyan, please. So, Mister/Miss whoever you are, bye." Bago pa man maibaba ni Zac ang tawag ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.
"W-wait, Zac!" Nagtaka ang dalaga sa tumawag sa kanya. Kilala siya nito?
"H-how did you--" ngunit bago pa man matapos si Zac sa sinasabi niya ay pinutol na agad nito ng kausap niya. "Goodnight Zac. I just wanna say that, bye." At binabaan na siya nito. "W-wait!! Ugh. Bastos." Sabi niya at pumasok na sa loob ng nakasimangot ang mukha.
"Oh. Anong nangyari sayo? Lumabas ka lang saglit, bad mood ka na." Pag-puna ni Charlie sa kanya, di niya ito pinansin at naupo na lang sa tabi.
"Wala. Muntikan na kasi malaglag yung phone ko habang nagseselfie." Pagdadahilan niya.
"Ah...... selfie pa. Dapat nga nalaglag na yung phone mo, madaya ka kasi eh. Groufie dapat! Groufie!!" Ani ni Charlie
"Sorry na.. ang lamig kasi eh dapat icacaption ko 'it's so cold, free hugs please?' Tapos ayun nung ic-click ko na yung capture muntikan na malaglag." Pagsisinungaling niya pa.
'Sorry guys' aniya sa isip niya.
"Karma yan. Tulog na tayo, inaantok na ko." Pagrereklamo ni Kris.
At natulog na nga ang barkada.
~*~
Nagising sila sa sinag ng araw at sa malakas na pagkatok ng kasambahay ng kambal.
"Ma'am Kris? Ma'am Charlie? Gising na daw po, nakahanda na ang umagahan." Ani ng kasambahay. Napatayo ang barkada at nag ayos ng sarili nila.
"Zac! tara na?" sigaw ni Charlie
"Susunod ako Charlie may hinahanap lang ako!" sigaw nito pabalik
"Sige bilisan mo ha?" paninigurado nito
"Okay, Charlie sige na baba ka na dun :)"
"Okay. Bye, Zac!" at tuluyan na itong bumaba.
'Asan na ba kasi yun?' ani ni Zac sa isip nito. Kanina niya pa kasi hinahanap ang cellphone niya.
"GOTCHA!"
Nakita niya ang phone niya sa ilalim ng kama. May pagkaburara sa gamit kasi si Zac.
Dali dali niyang tinignan ang phone niya.
'May nagtext? Sino to?' ani niya sa isip niya.
From: 0927*******
Good morning, Zac :)
~*~
Anyway, please vote and comment :)) I appreciate efforts :)
Pey xx