CHAPTER 9

50 0 0
                                    

Namili kami nila Mama ng gamit sa sala. Sofa set, dining table and chair, stove, bagong mga kama at smart TV. Nagpakabit narin ako ng internet dahil nahihirapan ang dalwang kapatid ko na mag rent pa sa computer shop. Nag request si Ella ng desktop at printer na totoong mas kailangan nila ngayon. Naubos ang araw namin pag aayos sa bahay at natutuwa naman ako dahil napaganda na namin ang bahay. Sinunod ko sila Papa na mag ipon para naman sa kotse na gusto ko. Sabay kami palagi kumakain at nagkkwentuhan. Si Dylan naman ay nag eenjoy daw sa Europe at mas masaya daw sana kung kasama ako. Tinawanan ko nalang siya.

Nung pasko nagsimba kami at kumain sa labas. Binuksan na nila yung mga regalo ko sa kanila nung kinagabihan, halata sa kanila ang tuwa. Mas masaya ako nakita silang masaya. Pinangako ko sa kanila ang mga to bago ang sarili ko.

"Wow and ganda Ate" banggit ni Elias pagkabukas ng sapatos na binigay ko sa kanya.

"Salamat Ate, promise mag aaral akong mabuti para maging katulad mo" tuwang tuwa namang sinabi ni Ella.

"Anak yung bilin ko ha? Okay naman na kami dito. Basta magtira ka para sa sarili mo." Sabi ni Papa.

"Oo naman pa, basta kayo muna inuuna ko. Kaya ko naman mabawi yan." Nagpaalam muna ako sa kanila para mag ayos ng gamit ko. Tinawagan ako ni Dylan pero sandali lang at nag ayos na ulit ng gamit. Nag buntong hininga.

"Nak, kamusta naman si Dylan?" Tinulungan nya ako magtupi ng damit.

"Okay naman sya Ma, next year pa balik. Nag eenjoy nga daw sya dun kaso nasasawa na dahil pabalik balik nalang sya." Kwento ko sa kanya.

"Eh kayo kamusta?" Napatingin naman ako sa kanya. Alam kong dadating tong araw na to na tatanungin nya ako about dito.

"Wala naman kami ma, nanliligaw po sya pero natatakot ako bigla kapag iniisip kong magiging kami na" hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Dahil ba ito sa nangyari sa inyo ni Kier?"

"Opo. Natatakot ako Ma, baka biglang maulit ulit. Natatakot akong masaktan." Nagbuntong hininga si Mama.

"Pero ano bang nararamdaman mo kay Dylan?" -Mama

"Hindi ko ma explain ma, masaya ako kapag kasama ko siya. Nami-miss ko sya madalas. Tapos kinikilig ganon, tipikal na nararamdaman ng isang in-love pero pinipigilan ko po kase ayokong masaktan. Basta ma isa siya sa dahilan kung bakit naging masaya ako ngayon." Paliwanag ko sa kanya.

"Edi mahal mo na nga. Anak, ayoko makita kang nasasaktan pero sa nakikita namin ng Papa mo ay masaya ka. Bakit hindi mo subukan ulit? Pero this time maingat kana." Alam ko namang nag uusap sila ni Papa tungkol sakin. Ramdam ko yun.

"Huwag mong pigilan ang sarili mo lumigaya ulit Anak. Andito kami palaging nakasuporta sayo." Ngumiti sya, baka nga siguro pinipigilan ko lang ang sarili kong sumaya dahil na ttrauma ako? Hindi naman lahat ng lalaki katulad ni Kier. Bakit hindi ko nga subukan? Niyakap ako ni Mama at hinayaang mag isip isip. Siguro nga, isipin ko na ulit yung kaligayahan ko.

Nagtext ako kay Dylan na matutulog na ako. Busy pa siguro kaya hindi nakakapag chat. Natulog na rin ako kaagad dahil mahabang biyahe nanaman ang sasabakin ko bukas.

"Anak, kakain na." Nakaupo si Mama sa gilid ng kama ko. Naalala ko huling gising nya sakin ay ang pagtatanong kung may balak pa ba ako magtrabaho ulit. Napakabilis ng panahon. Agad akong bumangon at sabay kaming nag almusal.

"Kayong dalawa wag nyong pasasakitin ulo nila Mama at Papa ha. Sumunod kayo sa inuutos nila at tumulong sa mga gawaing bahay." Bilin ko sa kanila.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon