CHAPTER 8

53 3 0
                                    

NAG REQUEST AKO kay Dylan na kung pwedeng mag early out ako ngayong araw dahil kinabukasan na ang uwi ko sa probinsya. Para namang akong nagloloko malamang ay pumayag sya. Konti nalang ang tao sa office, si Lors naman nasa condo nya na. Hindi na pumasok. Hinintay ko lang talaga mapick up ng liaison yung mga passport buti nalang talaga lahat sila ay ngayon na release. Nung okay na ay Pa nalang ni Ms. Aquino ang nagpunta. Magulat ako ng may isang Michael Kors na paper bag na ibinigay yung Pa ni Ms. Aquino sakin bilang pasasalamat daw. Sanay na ako sa ganito, nung bago pa ako lagi silang nagbibigay ng regalo lalo na pag uuwi galing ibang bansa may pasalubong sila sakin. Nung una tinatanggihan ko pero sabi ni Lors normal na daw yun mas nakakahiya daw kung hindi mo tatanggapin. Dito mga lang ako nagkakaron ng mamahaling gamit sa totoo lang. Nilagay ko muna sa sofa yung paper bag at dinouble check lahat ng files and pending ko. So far okay naman na. Nag inat ako ng katawan. Ito na yung hinihintay kong bakasyon sa wakas.

"Gift again? Really?" Selos na sabi ni Dylan pagkapasok nya sa office ko. Shinut down kona yung desktop ko at laptop. Inayos ko ang bag ko at dadalhin ko ang laptop ko incase may emergency. Nandito lahat ng files.

"Ah regalo ni Ms. Aquino. Lika na?" Yaya ko sa kanya nung sakbit ko na ang bag at laptop. Kukunin kona sana yung paper bag pero kinuha nya ito kasabay ng laptop ko.

"Alam mo bang konti nalang hindi na kita papaharapin sa mga kliyente. Ikaw ang paborito nila palagi. Kulang nalang maging santo ka at alayan nila palagi." Ang cute nya mag selos. Ngumiti nalang ako. Alam ko kung anong pinanghuhugutan nya. Lagi nya kase akong binibigyan ng regalo pero sa daming beses non wala akong tinanggap. Ayokong isipin nyang sinasamantala ko sya.

"Osge san moko dadalhin aber? Yan na nga lang ang trabaho ko." Panghahamon ko sa kanya.

"Sa bahay natin?" Hinampas ko sya sa braso at umawa naman agad sya. Kumain muna kami at hinatid nya ako sa condo, mag aayos din daw muna sya ng gamit. Gabi pa ang flight nya bukas pero gusto nyang agahan namin ang alis. Hindi naman na ako nag reklamo dahil sya naman ang mag d'drive.

"Kaya pala ayaw mong hiramin ang kotse ko dahil gusto mong ihatid ka ni Sir Dylan." Pang aasar sakin ni Lors. Isang maliit na maleta lang ang dala ko at shoulder bag na para naandon lang ang mahahalagang gamit ko. Then yung mga pinamili ko sa pamilya ko ay nakapaper bag naman na.

"Feeling mo! May flight nga kasi sya bukas out clark kaya nag insist sya." Well mamimiss ko rin kase sya kaya pumayag na ako. Pagkatapos naming mag ayos ay niyaya ko si Lors kumain sa labas kao tinatamad daw sya.

"Sure ka? Ayaw mo sumama sa Nueva? Miss kana rin kaya nila Papa." Parang kapatid ko na rin kase yan. Palagi siya nasa bahay before and nung nagka work sya ay dumadalaw naman sya doon paminsan minsan.

"Hindi na, yung tita ko sa QC eh nag invite na dun mag christmas Eve. Ikaw sure ka? Papasok kapa sa 27, 28 at 29? Sayang naman para dun kana hanggang new year." Matagal ko na talagang pinag iisipan yan. Kaso ang unfair naman talaga sa mga papasok besides, maiintindihan naman ako nila Mama.

"Oo naman, madaming trabaho ang maiiwan kung hanggang next year ay andun lang ako."   Nagtingin ako ng pwedeng maluto sa ref at halos wala na palang stocks. Ending nagpa deliver nalang kami ng meryenda.

"Lors wala ng stocks ang ref. Tara grocery tayo?" Tumanggi nanaman siya. Pagod daw sya at ninanamnam nya ang holiday dahil stress nanaman after this. Hinayaan ko nalang sya at naupo sa tabi nya. Nanood nalang kami ng movies sa netflix. Nung sumating yung pina deliver namin ay kumain na kami. Hindi na namin namalayan ang oras at gabi na pala, pag check ko ng phone ko ay wala pang text si  Dylan. Baka busy.

"Lors? Dinner?" Alok ko sa kanya dahil magsasaing na ako.

"Girl hindi kaba nabusog sa kinain natin?" Halata sa mukha ni Lors ang lungkot. Siguro namimiss nya na ang magulang nya lalo na at mag papasko at bagong taon. Next year nalang daw sya pupunta sa US dahil sobrang busy daw ngayon kaya hindi ko na sya pinakealaman don.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon