KATH'S POV
Andito kami ngayon ni Kuya Neil sa canteen ng school. Maaga kasi kami pumasok eh. Di na rin kami nagseservice eh.Nagrereview kami para sa quiz namin sa Physics habang nakain. Bawal kasi kumain sa library. Konti pa lang ang mga tao dito kaya naman hindi masyadong maingay.
Biglang may nagtakip ng mga mata ko.
Imposibleng si Kuya Neil yun dahil katapat ko siya sa upuan. And besides, kilala ko ang amoy na to. Alam ko kung kaninong pabango to.
"Matakaw ba to?" Tanong ko.
"OO! OO!" Sigaw ni Kiray at Julia.
Naririnig ko naman si EJ at Kuya Neil na naghahagikhikan.
"Panget?" Tanong ko.
Naramdaman kong si DJ talaga to.
"Uy di no!" At tinanggal niya yung kamay niya sa pagkakatakip sa mata ko.
Napatawa lang ako.
"Ano yan?" Tanong niya.
"Reviewer. Para sa Physics." Sagot ko.
"Ahh. Sipag ah." Sabi niya.
"Talaga!" Sagot ko.
Nagring na yung bell. Sobra akong kinakabahan sa quiz namin sa Physics samantalang etong mga kasama ko, ni wala atang nararamdaman. Kahit hindi nag-aral, wala lang. Di sila natatakot. Psh. Buti pa sila!
At yun na nga, first period namin ang Physics kaya nakapagquiz kami agad.
Tapos na akong sagutan yung papel ko pero ayaw ko pa ring ipasa.
"For those who are done, you may now pass your papers." Muling panawagan ni Ms. Fajardo.
Ayaw ko pa talagang ipasa. Kinakabahan ako.
Biglang may bumato saken ng papel mula sa likod. Lumingon ako at nakita ko si DJ. Nakatingin siya pero umiwas agad at sumipol.
Kinuha ko yung papel at binasa.
Tapos na ko. Ikaw? Sabay na tayong magpasa.
Lumingon ulit ako at tumingin kay DJ. Nagbuntong hininga at saka sumenyas na tapos na ako. Tumayo na siya. Dinaanan niya ako.
"Pasa na tayo." Sabi ni DJ. Tumayo na ako at sabay na kaming nagpasa.
BINABASA MO ANG
It All Started in a Tweet (ON-HOLD)
Teen FictionON-HOLD. Sorry my dearest readers. :/