Chapter 3: Encounter
Jairah’s Point of View
Dahan dahan akong dumilat ng magising dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Anong oras na ba? Namumungay at nakapikit pa ang isa kong mata ng tiningnan ko ang orasan na nasa mesang katabi ng kama ko.
Alas sais palang?!
Ibinagsak ko ulit ang sarili ko sa kama at pumikit. Ano kayang gagawin ko ngayong araw? Wala akong duty ngayon, buti na nga lang at may ipinagawa si Chief kay Jake kaya hindi ko makikita ’yung asungot na ’yon.
Dumilat ako matapos ng ilang minutong pagmumuni-muni at bumangon. Alas otso palang ay natulog na ako kagabi kaya hindi nakakapagtakang ganito ako kaagang nagising. Dumiretso ako sa CR para mag-toothbrush pagkatapos ay pumunta akong kusina para makapaghanda ng almusal.
Ano kayang kakainin ko?
Binuksan ko ang cabinet. Napataas ang kilay ko ng makitang halos wala ng laman ’yon at dalawang cup na lang ng instant noodles. Binuksan ko ang kabilang cabinet at nakitang may dalawang itlog pa sa tray. Kinuha ko ’yon at inihanda para lutuin.
Isinalang ko ang kawali sa kalan bago binuksan ang apoy. Pagkatapos ay kumuha ako ng mangkok at doon binitak ang itlog. Nang mailagay ko na ang dalawa ay nilagyan ko ito ng konting asin bago sinimulang haluin pagkatapos ay naglagay ako ng tubig sa takore at isinalang katabi ng kawali.
Nang uminit na ang kawali ay nilagyan ko na ito ng konting mantika, matapos ang ilang segundo ay tsaka ko naman isinunod ang itlog. Habang inaantay kong uminit ang ilalim ay narinig kong nag ring ang phone ko kaya napalingon ako sa higaan ko dahil nasa ilalim ng mga unan ko ang cellphone ko.
Kasalukuyang tumutunog ng Modernong Charing ni Black Jack. Sinet ko ‘yung ringtone kung sakaling si Jake man ang tumatawag. Umirap ako kahit hindi naman niya nakikita at ibinalik ang atensyon ko sa pagluluto. Manggugulo na naman, ang aga aga.
Ibinaliktad ko ang itlog matapos ang ilang segundo tsaka ko pinatay ang apoy at inilagay sa plato ang itlog bago ko nilapag sa mesa. Saglit na tumahimik ang mundo ko ng mawala na ang ringtone. Lumapit ulit ako sa cabinet at binuksan tsaka kinuha ang isang cup noodles. Binuksan ko iyon at inantay na kumulo ang tubig.
Napapikit ako ng marinig ko na naman ang ringtone.
Padabog akong lumapit sa kama, pabalang kong hinablot at binato ang mga unan ko palayo at ng makita ko ang cellphone ko ay nakita kong ang pangit na mukha ni Jake sa Caller ID at hindi siya simpleng tawag lang kundi Video Call.
Dinala ko ’yon sa kusina at isinandal sa dingding bago sinagot.
”Anong kailangan mo?” masungit kong tanong habang pinapapak ang itlog dahil ang tagal kumulo ng tubig.
”Good Morning din Jairah.” nakangiting bati niya. Tinaasan ko siya ng kilay bago lumayo at lumapit sa kalan.
“Anong maganda sa morning kung ikaw ‘yung una kong nakita?” usal ko habang nakatitig sa takore.
“Hoy Tenorio! Narinig ko ‘yun ah!” ngumisi ako at tumingin sa cellphone ko kahit hindi naman niya ako nakikita dahil hindi na sakop ng camera ang pwesto ko. “Tsaka wala naman akong sinabing Beautiful Morning ang sabi ko Good Morning.” Tsaka siya bumusangot.
Tinalikuran ko ang cellphone ng kumulo na sa wakas ang tubig. Lumapit ako sa mesa at nilagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ko.
”So anong pinapalabas mo Salvador na mali ako?” nilapag ko ang takore at naupo kaya muling nakita ni Jake ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Untold Story
Художественная прозаOnce you have met someone, you never really forget them.