I

38 5 0
                                    

GIN

"Pre bilisan mo, malapit na matapos exams nila,"

"Oo na eto na nga."

Tinali ko na lang yung handle ng paper bag sa handle ng locker niya.

"Okay na tara na."

Finally. After 1 week of writing a song for the girl I admire, mabibigay ko na. Although, iniwan ko lang anonymously. Wala pa rin akong lakas ng loob magpakilala sa kanya.

Maya maya nakita ko na siyang parating sa locker niya. Iniwan na ko ni Andy dito sa benches na lagi kong pinagtatambayan dahil dito laging nagbabasa ng libro yung crush ko.

Nung unang kita ko sa kanya nagandahan lang ako, kaso kinabuksan nakita ko na naman siya dito at di ko na lang namalayan na araw araw na pala akong nagpupunta dito para lang makita siya. Where in fact, nasa kabilang wing yung classroom ko.

Nakikita ko siya mula dito hanggang sa lockers ata nakatayo na siya dun sa locker niya. Kinakabahan na ko at nanlalamig yung kamay ko.

Kinuha na nya yung paper bag at nakahinga ako nang binitbit niya ito, at pumwesto na ulit siya sa favorite spot niya.

Everyday, tuwing lunch break, dito siya pumupwesto. Umiinom ng kape habang nagbabasa, magisa. Never ko pa siyang nakitang makipag usap sa kahit kanino, at wala ring nakakakilala sa kanya sa mga kaibigan ko. Kaya naman, hanggang ngayon, di ko pa rin alam ang pangalan niya.

Binuksan na niya yung paper bag, ever movement na gagawin niya, pabilis ng pabilis yung heartbeat ko.

Matagal niyang tinitigan yung CD and yung note na kasama nun.

Nagulat ako, bigla na lang siyang umiyak.

Sobrang nagtaka ako bakit naging ganun yung reaksyon niya. Hindi ko rin alam anong nararamdaman ko.

Sinubukan ko munang obserbahan kung anong susunod niyang gagawin, pero halos limang minuto na ang nakalipas, nakayuko pa rin siya habang hawak yung binigay ko sa kanya.

Naglakas loob na kong lapitan siya, pero wala pa rin akong balak sabihin na galing sa akin yun.

"Miss, okay ka lang?"

Hindi siya sumagot.

Hays, malamang hindi siya okay. Ang tanga ko talaga.

"Umm, miss anong nangyare?"

Wala pa ring imik, at marahan pa rin siyang humihikbi.

Lumuhod ako para makita ko yung mukha niya at dun ko nakuha ang atensyon niya.

Ang ganda ng mata niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko uli.

Gulat pa rin yung reaksyon niya. Mga ilang segundo kami nagkatitigan, at maya maya mukhang natauhan na siya.

Hindi niya pa rin sinasagot yung tanong ko.

May kinuha siyang isang notebook at nagsulat siya doon at tumigil ang mundo ko nang ipabasa niya sa akin iyon.

"I'm deaf."

Isang kanta, para sa'yo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon