CHAPTER 4: Andrea's Paul

332 6 3
                                    

Paul's POV

Heto ako, papunta ako ngayon kay Andrea. Kailan lang kasi eh nagtapat siya sa akin.

FLASHBACK:

"Paul... Uhm... Hi?" Naandito si Andrea? Bakit kaya?

"Hello. Bakit, Andrea?" Bakit kaya siya nandito? Nagbabasa ako ng libro kaya 'di ko siya napansin agad nang lumapit siya sa akin.

"Alam mo naman ata na matagal na akong may gusto sa iyo. Ang hirap nitong ginagawa ko ngayon tapos sa harap mo pa." Nakatingin lang ako sa kanya kasi nabigla ako. Oo, aaminin ko na may gusto rin ako sa kanya. Sasabihin ko na rin sana, kaya lang, naunahan na niya ako. So ngayon, speechless ako.

"Uhmmm... Uhmm... Paano ko ba ito sasabihin sa'yo?" Tumigil muna ako at tsaka huminga muna ng malalim. "Andrea, gusto rin kita. Naunahan mo lang ako sa pagsasabi. Pero, matagal na kitang gusto."  Nakakagaan ng loob. Ngayon na alam na niya na gusto ko siya, hindi ko na ito palalampasin pa.

Tapos siya naman ang naging speechless.

Nagsimula ulit akong magsalita. "Alam mo, matagal na rin itong nararamdaman kong ito. Alam mo bang araw-araw, sapat na sa aking nakikita ka kahit man lang sa nakaawang na pinto ng classroom ninyo? Kung alam mo lang na matagal na matag-" Napahinto ako.

Hindi na niya ako pinatapos. Yinakap niya ako. Isang yakap na alam kong sa oras na mga ito ay ayaw ko nang kumawala pa. Yakap na mula sa babaeng matagal ko nang minamahal. Kung dati, palihim lang. Ngayon, sisiguraduhin kong ipapakita ko sa lahat na si Andrea Santos, ang babaeng palihim ko lang dating tinitingnan at minamahal ay mahal din ako, pero mas mahal ko siya.

ANDREA! IKAW ANG MUNDO KO. IKAW ANG PANGARAP KO. LAHAT GAGAWIN KO PARA SAYO. I LOVE YOU ANDREA!

END OF FLASHBACK.....

 

Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang mapangiti. 'Yung babaeng matagal ko nang gusto ay naging akin na sa wakas. Kami na ni Andrea. Hindi ko na siya pakakawalan.

Nasa classroom na nila ako. Magkaiba kami ng section eh. Sayang naman. Pero ayos lang, lagi rin naman kaming magkasama every break eh.

Nakita na niya ako. Tapos ngumiti siya sa akin. I really love this girl. Bakla man pakinggan, pake n'yo ba? Ako ang mahal, hindi naman kayo. Haha, tawa kayo, dali! 

"Hi, boyfie!" Kiniss niya ako sa cheeks.

"Hi, my princess." Princess ang tawag ko sa kanya pati pagturing ko sa kanya ay prinsesang-prinsesa. Mahal ko eh. Pake n'yo ba!

Alam n'yo... Kahit lalaki ako, alam ninyo 'yung kinikilig? AKO 'YUN EH!

Pumunta na kami sa canteen para kumain. Lahat ng students ay sa amin nakatingin. Anong problema nila? 'Di ko na lang sila pinansin. Basta ako, kasama ko ang princess ko. 

In Love Ako Kay Dota Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon