Chapter eight

7 6 0
                                    


"UHM... K-kumusta ka na?" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Ilang ganyan pa ba ang maririnig ko sa gabing 'to?" Humalukipkip ito.

"Lumapit ka dito." Seryosong sabi nya. Bigla naman akong nakaramdam ng matinding kaba. "A-ayoko nga. Baka higit pa sa hampas ang matanggap ko sayo."

Ngayon gusto ko na talagang suntukin ang sarili ko.

Hinagis nito sa akin ang unan sa likuran nya. "Lumapit ka sabi eh!" Iritang sigaw nya sa akin. Napadaing naman sya at napahawak sa bandang tagiliran nya kaya naman lumapit na talaga ako.

"M-masakit ba? Sabi kasi sayo, wag mo munang pepwersahin ang sarili mo eh. Yan tuloy," kinuha ko ang unan na inihagis nito at pinagpagan iyon saka inilagay sa likuran nya. Inalalayan ko naman itong makahiga uli.

"Ikaw kasi eh! Ayaw mo lumapit agad. Ano ba sa tingin mo gagawin ko sa'yo?," pagsusungit nito. Mukha namang hindi na sya galit sa akin. Pero hindi pa rin ako dapat makampante.

"Baka kasi sakalin mo ako o kaya naman tuluyan na ang buhay ko dahil sa galit mo sa 'kin," hindi tumitinging sagot ko rito. Ipinukol ko ang paningin sa mga kamay ko na inaayos ang pagkakakumot sa kanya.

"Hindi ako galit sa 'yo. Sadyang hindi ko lang talaga naintindihan lahat noong una," kalmadong saad nito kaya naman napatigil ako at nilingon siya.

"Sinabi sa akin ni mommy ang lahat. Pinaalala nya sa akin ang lahat... At naiinis ako sa sarili ko. Paano kita nagawang kalimutan gayong ikaw nga ang palaging nasa tabi ko sa tuwing may problema ako noon?" Pahina nang pahina ang boses nito.  Nakayuko ito at rinig ko ang paghikbi nito.

"Gusto kong mag-sorry sa'yo. Sa mga sinabi ko kanina. Alam kong may pinagdadaanan ka rin tapos sinabihan pa kita ng ganon. Sorry kasi sinisi pa kita. Hindi mo naman talaga kasalanan ang lahat eh. Tsaka nangyari na, wala na tayong magagawa pa..."

"You don't have to say sorry. May kasalanan pa rin naman ako. Hindi ko natupad ang pangako ko na protektahan ka." tumunghay ito. "Edi mangako na lang tayo na hindi na iyon maulit pa," saad nito.

Marahan akong umiling at mapait na ngumiti sa kanya. "Ayoko nang mangako pa. Huli na iyong pangako ko kay Tita Maricelle na iingatan at aalagaan kita. Hindi sa naniniwala ako sa lahat ng pangako ay napapako kundi dahil natatakot akong sumablay uli... Kaya hangga't maaari, hindi na ako mangangako pa kahit kanino, hindi rin sayo. Dahil gaya nga ng sabi ko, iingatan at aalagaan kita hanggang sa abot ng aking makakaya."

"Palagi mo na lang akong inililigtas," malambing na sabi nito saka hinila ang braso ko at niyakap ako. Sobrang init ng yakap nya na parang ayoko nang pakawalan pa sya. I hugged her back and feel the moment.

Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon kaya naman napangiti ako nang maisip na bati na kami. Pfft... Parang pambata ang terminong iyon but I swear, ang sarap sa pakiramdam ng bagay na iyon.

"Namiss mo siguro ako ng sobra kaya ganyan ka makayakap sakin ngayon," biro ko. Itinulak naman ako nito agad. "Oh? Bakit? Parang kanina, gustong-gusto mo akong kayakap tapos ngayon tinutulak mo ako," natatawang sabi ko.

"Parang ewan naman kasi eh! Ikaw nga talaga yan. Mula noong una tayong nagkakilala hanggang ngayon, ganyan ka pa rin," bulalas nito. "So naaalala mo na lahat ng pinagsamahan natin?" Nag-iwas naman ito ng tingin at marahang tumango.

Napangisi naman ako nang may maalala. Bahagya pa akong tumingala at ipinamulsa ang magkabilang kamay. "Ikaw nga rin eh. Hindi ka pa rin nagbabago. Hanggang ngayon, ang liit mo pa rin tapos ampanget mo pa rin umiyak," natatawang sabi ko. Agad namang sinalubong ng flying unan ang mukha ko.

Capturing The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon