Unang yugto ng pag-ibig sa'yo,
unti unti nang nararamdaman,
Hindi ko man masabi lagi,
Mahal kita kailanman.
Ayoko man masaktan,
Pero di ako yung mabilis bumitaw,
lalo na kung gumaganda ang araw,
kapag ika'y nasisilayan
Maaari bang ik'wento sa'yo ang pinagmulan?
Sabi ko nga dati ay sa biru-biruan,
Pero dati ay nagandahan na,
Noong una tayong magkita at nagsama.
Parang isang bagay kapag may nagmamay-ari
di pwedeng angkinin,
Kaya nahulog sa iba, walang sumalo sa akin,
Ako ay nasugatan, limang buwan nagpagaling
Ikaw ang gamot na gumamot sa akin.
Hindi ko alam kung ako ay mahalaga
Para sa'yo, o mas sila,
Ayos lang basta ikaw ay napapasaya,
Pag-ibig ko'y walang hanggan sana
ika'y mahawa.
Sana makuha ang mensahe at isa-isip
Nandito ako nagmamahal sa'yo giliw,
Kung magbabago man ang hangin sa pag-ihip,
masaya parin ako na minamahal kita.
Alam kong hindi ka pa handa,
Maghihintay parin sa'yo sinta,
Ganyan ang pag-ibig ko nagtatagal,
Walang hinto, walang tuldok.
Tuwing naalala ang mga pinag-uusapan,
Aking mata ay para bang bumibigat,
Inggit, selos at kung ano-ano pa,
Ayos lang, idaan na lang sa pagtawa. Ü
Ito ay hindi na magandang tula,
dahil naubusan na ako ng tugma,
Maiparating ko lang ang aking nadarama,
Kahit muli ako ay masugatan pa.
Ito ay muli kong sasabihin:
Ayos lang mahal kita,
mahal kita, mahal kita,
Di magsasawang ulit-ulitin pa.