Chapter 14

30 2 0
                                    

CHAPTER 14

LINGGO NA naman. Dapat masaya ako pero ibang iba ang pakiramdam ko. Hindi ko pinansin pa si Voss mula nang araw na yun. Bakit pa? Mukha namang mas gustong gusto niyang kasama ang Sari na yun. Bagay naman sila pero ewan ko ba! Ang gulo ng nararamdaman ko.

"Dasy, what are you going to do today?" Napangiti ako sa tanong ni Shan. Balak ko kasing magpagupit ngayon. Masyado na kasi akong nahahabaan sa buhok ko eh. Tutal tapos na naman ang mga chores sa bahay na kailangan kong gawin.

"Ah dyan lang, magpapabawas lang ng buhok." Sabi ko. At dahil si Shan ang pinakagentleman na lalaking nakilala ko, nagpumilit siyang sumama.

At dahil marupok ako sa gwapo, pinayagan ko siya. Ang harot!

"Magandang buhay ategurl! Papagupit ka?" Bati sa akin ng baklang barbero. Tumango lang ako sa kanya. Umupo lang si Shan sa upuan para maghintay.

"Trim lang po, mga lampas balikat.” sabi ko at pinakita kung hanggang saan ang gusto kong gupit. Napasimangot ng kaunti ang bakla.

"Trim lang? Ang ganda pa naman sana ng buhok mo! Kung ako ang may ganyang buhok dapat ipapalayer ko ito. At saka para magandahan sayo si fafa mo. Ang ganda mo naman talaga kase, ategurl! Hindi ka lang nag-aayos! Chaka!"

Ngumiti nalang ako ng peke sa bakla. Teka, seryoso bang iniisip niyang magjowa kami ni Shan? Paano nga ulit  kumalma?

Natapos akong gupitan na namumula pa rin. Shit! Paano ba naman eh kanina pa, as in mula pagtapak namin sa loob ng maliit na barber shop ay sa akin lang siya nakatingin. Ni hindi siya lumingon sa mga mas magagandang babaeng kasabay kong nagpapagupit

"You look better." Ngumiti ako sa compliment niyang iyon. Trim lang talaga ang pinagupit ko kasi hindi ako komportable sa ibang ayos ng buhok.

"Thanks," sabi ko.

Kumain muna kami---ako lang pala. Pero sinamahan niya naman ako kaya hindi awkward kumain ng mag-isa. Patapos na akong kumain nang may ahas na dumating.

"Shan! You're here?" Napairap ako sa hangin. Ano namang ginagawa ng bampirang ito sa ganitong lugar? Bakit wala siya dun sa tabi nang malandi?  Napansin kong nawalan ng emosyon si Shan habang nakatingin sa babae.

"What are you doing here, Sari?" Tanong ni Shan. Humalakhak lang si Sari at nakakuha iyon ng atensyon.

"Well, I have a friend here. And you?" Balik na tanong niya. Napansin kong natigilan siya ng nakita ako. "Oh, so you're in a date!" Humalakhak na naman siya. Mas lalo lang tumalim ang tingin ni Shan sa kanya. I feel so awkward! Parang may invisible tension na nagaganap at sobrang overwhelming iyon. Teka, what's with these two?

"Why are you here?" Mas madiing tanong ni Shan. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. He's so calm and composed while saying those words.

Nanlaki ang mata ko nang walang inhibisyong umupo si Sari sa hita ni Shan. Muntik pa nga akong mabulunan habang umiinom ng juice.

"Don't you miss me, Shan?" Malanding tanong ni Sari habang hinahaplos ang dibdib ni Shan. Ang wild. Ako tuloy yung nahiya dahil sa inaasal niya. PDA!

"Get off, Sari. Why don't you just get a man outside and have all the fun with them? You're disturbing us!" Mahinang singhal ni Shan.

"Umm.. sir, ma'am. You're inappropriate kind of act and foul choices of words are distracting our costumers. Please get out immediately before I kick you out. Thank you!" Sabi ng isang magandang babae na isang crew ng resto na kinaroroonan namin. Napatingin ako sa paligid at ganun nalang ang gulat ko ng makitang halos lahat ng tao ay nakatingin sa pwesto namin. Jusko! Tapos baka iniisip pa nilang ako ang third party dito!?

Serving The Vampire Princes (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now