Chapter 23

7 0 0
                                    

Pissed

I'm wearing a midriff floral top and pencil skirt. I don't know why pero ang aga kong pumasok at tumawag para ipadala ang breakfast ko sa office pero nadismaya ako ng iba ang naghatid no'n. Wala rin akong nakitang bulaklak sa table ko kaya halos isa-isahin ko ang mga gamit ko sa office baka sa iba inilagay pero wala.

"Oh ba't parang nalungkot ka?" si Weston na hawak ang breakfast ko.

Yumuko at humanga ng malalim. Nag angat ako ng tingin sa kaniya.

"Di naman. Tambak lang sa trabaho..." pinasadahan ko ang table ko na konti lang naman ang mga dokumento.

Ngumuso siya. He looks cute in his white hoodie jacket and black pants.

"I'm sorry about yesterday. Nasira 'yong date natin." he sighed.

Pilit akong ngumiti. "Sorry din. Uhh... Pwede namang maulit 'yong lakad natin e. We're friends so we can hang out again." kibit balikat ko pero malalim ang mga tingin niya sa akin.

Naglakad siya palapit sa akin at nagulat ako ng pumunta siya sa likod ng swivel chair ko at saka ko niyakap patalikod.

"W-Weston..."

Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko at ako naman at naestatwa sa ginawa niya.

"I want you more than friends, Alli, kung di pa halata 'yon sa iyo. I love you since then. I hope you'd give me a chance..." pabulong niyang sinabi.

Marahan kong tinanggal ang nakapulupot niyang mga braso sa leeg ko. Saka tumayo para maharap siya.

"I'm sorry, Weston. Tanging kaibigan lang ang pagtingin ko sa'yo at sana ay wag maapektuhan ang pagkakaibigan natin. You're a good friend at ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin." I gave him a small smile.

Nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigo at lungkot. Ayoko siyang masaktan pero kung patatagalin ko pa ito lalo na't matagal na siyang nagpapahiwatig ay baka lalo siyang masaktan.

"Aww. Basted agad!" humawak pa siya sa dibdib niya at ngumiwi. Nakuha pa niyang magbiro.

"But please let me show my love for you para at least kapag nabuhos ko na ang lahat ay baka mapagod at mawala rin ito... Baka sakaling 'yon na rin ang oras na tanggapin ko na ang katotohanan na di ako ang nilalaman ng puso mo," bumuntong hininga siya. "Dahil alam ko, matagal na. Na may iba ng nagmamay ari ng puso mo. Let me court you, baka sakaling pag ubos na ako ay makahanap na rin ako ng iba na magbubuo sa akin..." he smiled bitterly.

Nangilid ang mga luha ko at di ko na kinaya ang pagtulo nito kaya niyakap ko siya agad. Mahal na mahal ko si Weston bilang kaibigan. He's kind to me all the time. Siya 'yong kaibigan kong nakakayanan na no'n pa ang pagiging pilya at maldita ko pero kahit kailan ay di niya ko sinukuan kahit sa oras na nangungulila ako.

"I'm s-sorry..." I sobbed.

Marahan niyang sinuklay ang buhok ko habang ako ay nakabaon ang mukha sa dibdib niya habang yakap siya.

"Sshh. Stop crying. Ayokong umiiyak ka dahil sa akin. It's okay kaya hush..." pagsusumamo niya.

Napaangat lang ang tingin ko ng may nagbukas ng pintuan.

"S-Sorry, Ma'am..." nag iwas ng tingin ang sekretarya ko. Akmang isasara na niyang ang pintuan ng pigilan ko siya baka kasi importante ang sasabihin niya.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at tinulungan din ako ni Weston sa pagpunas.

"Ano 'yon, Jane?" tanong ko.

Nag aalangan pa siyang mag salita. "Ah... Eh... Ma'am nagpunta po kasi kanina si Mr. Dela Vega pero di ko pinapasok gaya ng sabi niyo po kahapon. Ang idinahilan ko po na bawal siyang pumasok ay dahil nandito po sa loob si Sir Weston kanina pa... Parang nagalit po siya, Ma'am. Sabi niya pumunta na lang po kayo sa office niya. It might be important..."

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon