" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FOUR
"Ano ngayon ang plano mo boss? Kung hindi lang sana siya naging padalos-dalos disin sana'y buhay pa siya." Ani Danilo sa amo.
"Sa ngayon kailangang mag-lay low muna tayo habang nakaburol ang kapatid ko. Masama man ang loob ko sa kanya lalo at laging sakit sa ulo ang dulot sa grupo natin pero kahit bali-baliktarin man natin ang mundo'y kapatid ko pa rin siya kaya't pagkatapos ng libing niya'y humanda silang lahat dahil matitikman nila ang galit ko!" Mula sa mahinahong pananalita nito'y naging mabalasik.
"Pero boss pasensiya ka na sa sasabihin ko pero---"
"Alam kong isa sa inyo ang bumaril sa kanya pero alam ko ding kaya ninyo ginawa iyun upang mapagtakpan ang grupo natin. Nandoon ako kaya't kitang-kita ko ang mga pangyayari gano'n pa man dugo ko pa rin ang nananalaytay sa kanya. At kung hindi dahil sa Abrasadong iyun ay hindi n'yo sana ginawa ang bagay na iyun pero hindi doon nagtatapos ang lahat Danilo pagkatapos na pagkatapos ng libing niya'y ipaghihiganti ko siya." Pamumutol naman ni Arturo sa kanang kamay.
"Kahit anong desisyon mo boss susuportahan kita. Sabihin mo lang kung ano ang gagawin namin." Sagot na lamang din nito.
Hindi na umimik ang director pero sa kaloob-looban ay nagngingitngit, nag-iisip kung ano paano iligpit bang mortal na kaaway.
Then...
"Just wait and see attorney Abrasado I will turn your world upside down someday and when that come you will regret that you barked on me!" Piping ngitngit niya na para bang nais manuntok.
Sa kabilang banda sa tahanan ng mag-asawang Pierce at Janelle.
"Sigurado ka bang kaya mo ng magtrabaho anak? Hindi ba mas magandang magpagaling ka muna?" Sabi ng padre de pamilya.
"Daddy kita mo namang okey na ako. Saka mas mabuti na iyung makabalik na ako sa trabaho para matapos na ang lahat. Hindi maaring lagi na lang ako ang agrabyado." Tugon ng dalaga.
"Anak alam namin ang iniisip mo pero mas mainam pa rin ang nag-iingat lalo na ngayon at nakaburol ang bangkay ng taong iyun. Although proven namang kasalanan nila'y wala pa ring kasiguraduhan ang kaligtasan mo lalo at ayaw mong magkaroon ng bodyguard." Sabi naman ng Ginang.
Dahil dito'y ang ina naman niya ang hinarap. Nauunawaan naman niya ang nararamdaman ng mga magulang niya, bilang magulang nais lang nilang protektahan siya. Pero para sa kanya'y mas nakakakilos siya ng maayos kapag walang bodyguard na susunod-sunod sa kanya.
"Mommy, daddy kayo na rin ang nagsabi sa akin na ang pamilya nati'y napapalibutan ng panganib dahil mga public servants tayo kaya huwag na po kayong magtaka kung bakit lagi akong hinahabol ng panganib dahil bahagi na iyun ng buhay ko bilang abogada sa regional." Aniya, ang kaso ng magkapatid na Arturo at Victor ay hindi na bago kaso sila lang ang pinakabayolente sa lahat ng nahawakan niya.
"Rennie Grace anak ang sa amin lang naman ng mommy mo'y ang maiwasan mo sila. Yeah we are all public servants as our root of origin like grandma Lampa does. Ewan ko sa inyong mga babae kayo pa ang matitigas ang ulo---ouch hon why your pinching me? Huwag mong sabihing kung kailan may edad na tayo'y saka may kaagaw ang bunso natin?" Nakangiwing aniya dahil naputol ang sermon niya sa bunsong anak sa pangungurot nito.
"Heh! Maka grandma ka wagas eh Lampa ang tawag mo. Well nasa dugo iyan noh! Kanino ba siya magmamana kundi sa pinagmulan niya?" Ingos naman ng Ginang kaya't ang pinagtutulungang sermunan ay napahagikhik bago muling sumabad.
"Parang lalanggamin kayo diyan mommy, daddy. Mabuti naman kung may ibang aagaw sa bunso nang sa gano'n may iba kayong pagtutuunan ng pansin hindi ang lagi akong sermunan. Opps diyan na po muna kayo at may pupuntahan kami ni Alma." Humahagikhik nitong sabi saka nagmartsa palayo sa mga magulang at nagtungo sa silid ng mga kasambahay nila kung saan naroon ang alalay niya kung tawagin ng kuya niya.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions