Chapter 34: Dark ball of energy

3.2K 135 2
                                    


Chapter 34: Dark ball of energy

***

"Para sa huling round ng laban sa pagitan ng Clarines Academy at Midori Academy, Finn and Rui versus Klein and Genthur!"

Naghiyawan ang mga manonood at nag-cheer sa kanilang sinusuportahang kalahok. Lumingon ako kina Finn at Rui na walang imik na umakyat sa gitna ng arena. Parehong seryoso ang mga mukha at hindi nagpapansinan.

Napabuntong hininga ako. Naalala ko ang mga sinabi ni Rui nung breakfast namin. Sana naman ay pakisamahan niya si Finn at intindihin. At sana ganun din si Finn sa kanya. Maging cooperative sana sila sa isa't isa.

"Don't worry too much. They will be fine. They will set aside their issues and focus on the battle. They know their priorities for sure."

Sandali akong sumulyap kay Palm at saka tumango. Umaasa ako sa sinabi niya pero hindi ko maiwasang mag-alala sa kanila lalo na kay Finn. Siguradong unstable ang emotion niya ngayon dahil sa pagpanaw ng kanyang ama. Maaapektuhan kaya ang laban niya ngayon dahil do'n? Idagdag pa si Rui na walang tiwala ngayon sa kanya.

Tumingin ulit ako kina Finn. May sinasabi si Rui sa kanya at wala siyang reaksyon na tumango lamang.

Katulad ng ginawa ng kanilang kamiyembro, nag-bow din sina Klein at Genthur kina Finn. Seryoso din ang kanilang mga mukha at walang mababakas na takot.

"Kapag manalo sa round na ito ang Midori Academy ay magiging tie na ang score ng bawat team kaya nagdesisyunan ang mga hurado na kung sakaling mangyari yun, ilalaban ulit sila sa nanalong myembro ng Clarines kanina. At kung sino man ang manalo sa kanila ay s'yang tatanghaling panalo at pasok sa Final battle!" ani ng babaeng announcer.

"Huh! No way! Di na mangyayari yun dahil siguradong mananalo sina Finn," puno ng kumpiyansang sinabi ni Palm sa tabi ko.

"Alam kong di na kayo makapaghintay!"

Naghiyawan ulit ang mga manonood. Halos mabingi na nga ako sa lakas nito mga sigaw nila.

"Kaya simulan na ang laban!"

Agad tumakbo ng mabilis si Rui papunta kay Genthur at sinalubong ito ng sipa sa tiyan. Sa sobrang bilis ng kilos ni Rui, hindi makasabay si Genthur sa bawat tira niya.

Si Klein naman ay tumakbo palapit kay Finn habang nagpapalabas ng kanyang maliliit na mga bola ng enerhiya at saka tinira ito kay Finn.

Walang reaksyon na umiwas lamang si Finn sa bawat bato sa kanya ni Klein ng mga maliliit na bola ng enerhiya. Nagpatuloy naman si Klein sa pagpapakawala ng kanyang kapangyarihan hanggang sa makalapit siya ng tuluyan kay Finn.

Mabilis na umiwas si Finn sa mga bola ng enerhiya at saka yumuko. Sinipa niya sa panga si Klein at lumipad ito sa ere bago tumalsik sa sahig. Nagpalabas si Finn ng enerhiya sa kanyang kanang kamay at nagkurti itong espada. Lumapit siya kay Klein na unti-unting bumabangon.

Lumipat naman ang tingin ko kina Rui at Genthur na nagpapatuloy sa kanilang combat fight. Hanggang sa nahawakan ni Genthur si Rui sa kanyang balikat. Nanlaki ang mga mata ni Rui kasabay ng pagsabog ng kanyang balikat na hawak ni Genthur.

Mabilis siyang nagpalabas ng bola ng enerhiya and he throw it to Genthur. Umiwas ito kaya nabitiwan siya. Tumalon naman si Rui paatras at humawak sa kanyang balikat na nangitim ang balat at umuusok.

"Fuck!" daing niya sabay hawak sa balikat niya.

"You idiot! H'wag ka kasing magpahawak sa kanya! He's a bomber!" sigaw ni Palm.

Tumingin ako kay Genthur na tumatakbo palapit kay Finn na sumusugod kay Klein na panay ang iwas sa espada niya.

"Finn!" malakas na tawag ko sa kanya pero nakalapit na sa kanya si Genthur at hinawakan siya sa likod. Mabilis na sumabog ang likod ni Finn.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon