Prologue

92 7 4
                                    


This is the story about the man who can't be moved...


"Miss Venice! Miss Venice! Tingin po kayo dito sa camera!" ani ng isang photographer.


Mula sa isang masayang pakikipagbatian sa isang fan ay nilingon ko ang photographer na iyon na tumawag sa akin. Muntikan pa akong mapapikit dahil sa biglaang pag-flash ng kanyang camera pagkalingon ko kaya naman ay natawa ako pagkatapos niya akong makuhaan ng ilang pictures.


Hindi pa rin talaga ako sanay.


Bata pa lamang ako ay ito na talaga ang pangarap ko. I always wanted to be a famous blogger and publish my own book. Kaya naman hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na nangyayari na ang lahat ng mga pinangarap ko noon. This is it Venice, you are finally living the dream!


Pagkatapos pa ng ilang picture taking ay nagkaroon na rin ako ng pagkakataong ilibot ang mata ko sa venue na pinagdadausan ng book signing ko. Mula sa pinirmahan kong libro ay tiningala ko ang ulo ko upang makita ang mga nakasabit na posters ng mukha ko at ang book cover ng kauna-unahan kong published book sa kisame ng venue. Maging sa mga dingding at sulok ay may nakalagay na standees at posters ko! At mula naman dito sa stage kung nasaan ako ay matatanaw ang display ng libro ko na nagmistulang centrepiece ng venue. Maririnig mo rin ang mga ingay sa paligid mula sa mga fans, readers, at media na nakapila upang bumili ng libro ko at makaakyat dito sa stage kasama ko para sa picture taking.


I used to dream about this moment every night when I was still starting. Kaya naman hanggang ngayon ay feeling ko nasa isang panaginip pa rin ako. Everything was worth it—lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan ko para lang makarating sa kung nasaan ako ngayon ay balewala nalang ngayon.


"Venice, there you are!" natutuwang sabi ni Tanya, isang kilalang showbiz reporter sa isang sikat na TV Network.


"Hi Tanya, I'm glad na nakarating ka sa book signing ko." Sabi ko pagkatapos niya akong halikan sa pisngi as a sign of greeting.


"Ano ka ba? Of course darating ako, no? I wouldn't miss this for the world! Kaya sige na, please? Pagbigyan mo na ako sa interview? Five minutes lang, promise." And then she pouted her lips and made an attempt to look paawa and cute. Natawa tuloy ako and I almost rolled my eyes at her. Kainis! I sighed and nodded.


"May magagawa pa ba ako?" She shrieked and clapped when she heard my answer. Napatingin tuloy ang mga tao sa banda namin. Hay nako, hindi ko rin alam kung bakit nagpapacute pa 'tong si Tanya eh alam ko namang kahit hindi ako pumayag sa gusto niyang interview ngayon ay hindi niya ako titigilan sa pangungulit niya hanggang sa mapapayag niya ako. No wonder she's good at her job-- kasi walang nakakatakas sa pangungulit ni Tanya.


Naging mabilis ang mga pangyayari. Nagulat na lamang ako nung hinila ako ni Tanya paupo sa isang mahabang couch na hinanda niya sa harap ng mga naka-set up na ilaw at camera. Wow, she really prepared for this huh? Everyone became busy dahil sa mg utos ni Tanya. Masyado naman ata siyang prepared para sa interview na ito ngayon at nakapagdala pa siya ng mga staff?


Nagtaas ako ng kilay nang nagkatinginan kami ng tuwang-tuwa at excited na si Tanya. Nagawa niya pang magtawag ng make up artist para iretouch ako bago kami magsimula sa interview! Aba?

Love, VeniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon