"Tama ba 'yon? Ha? Answer me!" Sigaw ko kay kuya habang papasok kami ng bahay.
"Tinutulungan kita, Aden! Anong masama do'n?" Sigaw nya pabalik sa akin habang nagtatanggal sya ng sapatos.
"Tulong? Ganon ka ba tumulong? Kailangan ba talaga mananakit ka? Wala ka bang ibang alam gawin?!" Sagot ko sa kanya.
Katahimikan.
"Kuya, sa ginagawa mo lalo mo lang ako nilalagay sa alanganin. Kung ganyan yung paraan mo ng pag tulong, salamat na lang pero hindi ko kailangan ng tulong mo" sabi ko sa kanya sabay alis. Pumasok na ako sa kwarto ko. Nakakagalit. Hindi pa rin talaga nagbabago si kuya. Nahiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Naisip ko, tama na tumakbo ako as student council. Kailangan kong ilayo ang mga students sa kuya ko.
Kinabukasan.
"Aden, ready ka na ba?" Tanong sa akin ni Mira. Nandito kami ngayon sa University Hall. Ngayong araw kase kami haharap sa mga students para sabihin yung plataporma namin if kami ang mananalo as President.
"Oo naman. And for sure hindi naman ganon kadami yung pupunta ngayon. Sino ba naman mag eeffort pumunta sa mga ganito. For sure walang pakialam mga students sa ganito" sagot ko naman.
"Uhm, Aden. Nakita mo na ba 'to?" Sabi ni Mira habang nakasilip sa labas. Nandito kase kami sa back stage.
"Ano yun?" Nanlake ang mata ko sa nakita ko. Punong puno ng students ang buong U-Hall. Bigla akong kinabahan.
"What the. Bakit ang daming tao. Hindi ko yata kya 'to Mira" sabi ko sa kanya.
"No-no. Nandito ka na wala na atrasan 'to" sabi naman nya.
"May we call on our two Presidential nominees, Mr. Aden and Ms. Cleo. Give them a round of applause!" Narinig kong sabi ni Ms. Athena na lalong nagpakaba sa akin.
"Uy tawag ka na! Go! Fighting! Kaya mo yan!" Sabi ni Mira. At lumabas na ako ng stage. Ang daming tao. Punong puno ang U-Hall. Nanliliit ako. Pakiramdam ko lalamunin ako ng buo ng lugar na 'to.
Pagkatapos ng maraming intro na umabot yata ng isang oras. Kase nagsalita pa si Ms. Athena at yung President ng school at mga board members kase sila yung special guest for this event and luckily, umalis agad sila after nilang mag speech. Kaya nakahinga ako ng konti. Pero eto na, magsasalita na kami. Kayanin ko sana!
"Okay. Eto na ang pinakahihintay natin, we will hear now the plataformas of our soon to be president. Unahin natin syempre yung lady since ladies first" sabi ni Ms. Athena.
Tumayo na si Cleo at pumunta sa harap. Naglabas sya ng papel at nagbasa.
"Una sa lahat, I want to introduce myself, I am Cleo your soon to be President" What an introduction. Tapos nagsigawan yung mga lalakeng ka-alyado nya.
"So here's my plataformas for my term. This is in general and maaari pang madagdagan kapag ako na ang Official President, which is alam ko namang doon din papunta." Sabi nya sabay tawa. Luh. Nabaliw.
"First, I will propose na lahat ng assignment is going to submit via online. I want this school to be known as paperless community since we support environment, we must be environment"
Teka, pwede pala may kodigo?? Shet. Hindi ako nakapag prepare ng ganyan. Yari talaga ako neto.
"Second, Extra Curricular activities. Like Quiz Bees, Seminars with different topics, etc. 'Cause we're not meant to be in four corners of our classrooms, we must explore bilang tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan!"
Luh. Naging apo na siya ni Dr. Rizal. Jusko.
"And third, Intramurals. We will have quarterly intrams for this batch."
Sabi nya sabay sigawan ng mga lalake. Syempre ball is life.
Nag bow lang sya then umupo na. Tumingin siya sa akin at nag smirk. Hindi ako pwedeng magpatalo. Pero hindi ko rin alam kung paano sya tatapatan.
"And ngayon please give a round of applause for Mr. Aden!" Sabi ni Ms. Athena then tumayo na ako.
"WE LOVE YOU ADEEEN!" Nagulat ako kase may isang grupo ng students na sumigaw. At mas lalo akong nagulat sa hawak nila. Banner lang naman na mas malaki pa sa pag asa kong manalo as president na merong nakasulat na "Fighting our Pres. Aden!" Nakakatuwa kase kahit papaano nakaka boost ng confidence.
"Hello. Uhm." Kinakabahan talaga ako.
"I am Aden, from college of Fine Arts. Actually, isa lang ang plataforma ko for now. But first let me tell you that, we can be environmentalist in many ways, not only sa pagbibigay ng assignments online. We can actually reduce use of plastic and straws and and extra curricular activities such as seminars and other things, we can focus on tree plantings and gardening of different kinds of vegetables. And lastly, We don't actually need quarterly intrams, but we can do it semi-annual and annual instead of doing it quarterly because we must focus on our academics. We're not high schoolers anymore. We do have our own priorities, we deal with difficult subjects. So we must minimize extra curriculars"
Natigil ako bigla. Kase nakita kong dumating si kuya. Right timing my dear brother.
"And for my plataforma, kilala nyo naman siguro lahat kung sino ako. Kung ano ang surname ko. Kung sino ang kuya ko. And with that, I will propose anti bullying policy for this school. Kung ako ang magiging presidente ng student council, I will make sure na walang masasaktan, mabubugbog at mabubully ng mga seniors natin. I will protect all the freshmen at all cost. Mark my word"
Sinabi ko lahat ng may diin at nakatitig lang ako kay kuya. Then nagpalakpakan ang lahat. At dito natapos ang stressful na araw na 'to.
Canteen.
"Thank you sa pag punta, kuya" nandito kami ni kuya ngayon sa canteen.
"Sorry sa nangyari kagabi. Gusto ko lang malaman kung anong ibig sabihin mo sa mga sinabi mo kanina sa U-Hall" sabi ni kuya.
"Narinig mo naman lahat 'di ba? Hindi kayo dapat pumapatol sa mga 1st year kuya. Kaya ako na gagawa ng paraan para matigil na ang mga pambubully sa mga freshmen dito" sagot ko naman.
"Kakalabanin mo talaga ako Aden?" Seryosong tanong nya.
"Hindi naman kita matatalo kuya. Magagawa mo pa rin lahat ng gusto mo sa lahat ng tao sa school na 'to pwera sa mga freshmen" sabi ko naman.
"Okay. Then good luck. Sana manalo ka" sabi niya sabay ngiti. Then tumayo na sya para umalis.
"Ahh. Kuya? Thanks din pala kanina sa banner. Nag effort ka pa" sabi ko naman.
"Banner? Anong banner?" Sabi nya.
"Yung banner na may nakasulat na 'fighting our pres. Aden' ikaw nagpagawa nun 'di ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ah. Bakit naman ako gagawa ng ganung ka kornihan. Hahaha sige na alis na ako. May klase ka pa." sagot nya.
What? Hindi sya ang nagpagawa nun? Eh sino?
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
RomansaThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.