H&B Series #1 Code Name P, written by lucidstellar.
Page 9
Enemy
"Von, ayaw ko nang maulit ito. Fuck! Anong silbi niyo kung malulusutan lang kayo?"
"Pasensya na Boss. Just leave it to me, hindi ko papalampasin ang ginawa nila kay Venus."
Dahan dahan akong nagmulat ng mata dahil sa nakakabinging sigawan sa aking paligid. Ramdam ko ang sakit ng aking buong katawan at hindi ko maipaliwanag kung saan ito nagmumula.
"Ka... Karl?"
Tumingin ako sa aking gilid at naroon nga siya. Kunot noo at galit na galit. Ilang beses ko nang nakita ang galit niyang mukha, ngunit iba ang nakikita ko ngayon. Ang galit na makikita sa mukha niya ay nakakatakot at nakakapanghina.
Nakaramdam ako ng kaba nang maalala ko ang nangyari sa akin. Bumalikwas ako, ngunit di pa man ako nakakaupo ay napahiyaw ako sa sakit.
Damn it! Sobrang sakit ng katawan ko!
"Venus! Careful. Humiga ka muna at magpahinga."
"Anong nangyare sakin? Bakit... bakit ang dami kong sugat at pasa? What happen Karl? Jesus!"
Di ko na napigilan ang pagiyak nang makita ko ang aking katawan. Agad kong hinaplos ang aking mukha at nasisiguro kong may mga sugat rin ako doon. Maging ang pag-iyak ko ay naging masakit.
"Fuck!" sigaw ni Phoenix na lalong nagpaiyak sa akin. Tiningnan niya ako, but this time is a different one. He looks at me with full of sadness and rage.
Anong nangyare?
"Stop crying, my Venus." yumakap siya sa akin at humagulhol na naman ako. "Hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatay ang lahat ng may gawa sayo nito." humigpit ang yakap niya, tanda ng sobrang galit at napangiwi ako dahil doon.
Natatakot ako sa maaaring gawin ni Phoenix, pero gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong nandyan lang siya para sakin. Na handa niyang gawin ang lahat para mapanatag ako. Ngunit hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung tama nga ba itong nararamdaman ko.
Dapat nga ba akong mapanatag na nandito siya para protektahan ako gayong kasama ko siya noong nangyare sa akin ang lahat ng ito at naging ganito kalala ang inabot ko?
"Sina Mamsi at Papsi, alam ba nila?"
Tumungo siya at dahan dahang tumango. "Nandito sila kanina, pero sinabi kong umuwi na muna sila at magpahinga. Simula nang dalhin kita dito ay binabantayan ka nila, that's why I told them to rest for a while. Babalik sila mamaya, yun ang sabi ni Austin."
"What exactly happened? Who's... Wait..." nanginginig akong inalis ang kumot na nakabalot sa akin. "Karl? Bakit... Bakit... Bakit di ko maramdaman yu... yung mga binti ko? Ka... Karl?"
Napapikit si Phoenix at nakita ko ang pagluha niya.
"No... No... This is not happening. Come'on. This can't be." I burst into tears. Nanghihina ako.
"Stop crying, Venus. I'm here." umiiyak siya ngunit hindi noon napawi ang mga katanungan sa isip ko.
Bakit? Bakit ako?
TUMINGIN AKO SA buong paligid at muling napabuntong hininga nang makita kung nasaan ako. Hanggang ngayon ay pinpanalangin kong panaginip lang ang lahat ng ito- isang masamang panaginip na matatapos sa oras na gumising ako.
"Venus, aren't you hungry? Hindi ka pa daw kumakain sabi ni Phoenix. You should eat, para naman lumakas ka, anak." lumingon ako kay Mamsi at pilit na ngumiti. May dala siyang tray at papalapit sa kamang kinahihigaan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Code Name P [Hearts and Bullets Series #1] ON-GOING
Художественная прозаLet the search begin! Sinong inosente at hindi? Pag-ibig o Paghihiganti? Kaya mo bang isuko ang lahat para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan?