Pagkatapos ng performance ni Louisse, sumunod na do'n 'yung performance ng banda nila, yung Monarchs. Kumakanta sila ng mga love songs na madalas naririnig ngayon. Hindi ko alam 'yung mga title pero basta naririnig ko 'yong mga 'yon minsan.
Halos masira 'yung mga eardrums ko kanina. Kung gaano kalakas 'yung sigaw nila kay Louisse, parang sampong beses mong palakasin, gano'n sila kagigil. Jusko.
"Tangina talaga ng jowa ko, napaka hot." Napalingon naman ako kay Ara dahil sa sinabi niya. Titig na titig siya ngayon kay Lucas na may hawak ng electric guitar.
"Hoy. Umayos ka, a. Baka nakakalimutan mo 'yung mga sinabi ko sa'yo." Pagpapaalala ko naman sa kaniya.
Bago kasi ako pumayag na pumunta sa prom, nagusap muna kami tungkol sa mga maaaring mangyari ngayon. Alam niyo naman, baka may kababalaghan na mangyari. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, gusto ko lang din na mag-ingat silang dalawa.
Lumingon naman siya sa'kin. "Oo na, don't worry. Maga-ano lang naman kami."
"Ano?!" Tanong ko naman agad sa kaniya.
"Momol."
"Kingina, anong momol?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Make-out make-out lang."
Hinampas ko naman siya dahil sa sagot niya. Napakadami talagang alam.
"Ewan ko sa inyo. Kapag ikaw-," Pagsuway ko naman sa kaniya. Minsan talaga kulang nalang maging nanay na ako sa kaniya e.
"Ano?" Tanong naman niya pabalik.
"'Pag ikaw naging batang ina, edi tangina." Sagot ko naman sa kaniya. Tumawa siya sa sinabi ko pero hinayaan ko lang siya dahil seryoso ako do'n. Patuloy lang siyang tumatawa, hanggang sa hindi ko na rin kinaya, natawa nalang rin ako.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa tuwing seryoso ako sa sinasabi ko, tinatawanan lang niya. Parang tanga.
"'Wag ka na kasi mag-alala. Ako pa ba? E ilang beses ko na nasubukan 'yon." Sabi naman niya atsaka kumindat sa'kin.
Sabagay, oo nga pala. Ilang beses na siyang napasok sa mga relasyon na pang-isang linggo lang at ilang beses ko na rin siyang pinagsasabihan.
Ang hilig hilig niya makipagjowa sa kung sino sino. Gagamitin siya ng ilang araw, tapos iiwan lang siya nang basta basta. Mga budol, e. Kaya tuloy iyak siya pagkatapos no'n. Sabi ko nga sa kaniya na tigilan nalang niya at maghintay nalang ng darating. Pero ayaw niya.
Ayoko namang baguhin kasi baka gano'n talaga siya at du'n siya masaya. Kahit na umiiyak naman siya sa huli.
Sa totoo lang nga, sa lahat ng mga naging jowa ne'to, masasabi ko na si Lucas lang 'yung pinaka-matino kasi tumagal sa kaniya. Kahit na siraulo at manyak 'yung buwiset na 'yon, sumeseryoso naman 'pag dating kay Ara.
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
Fiction généraleAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.