Kinabukasan ay ang operasyon na ni Vice President, kaya sobrang preparado ang lahat dahil sa VIP patient namin. Naghugas ako ng kamay at pumasok na agad sa OR. May lumapit na nurse sa akin para punasan ang kamay ko at sootan ako ng surgical gown, bouffant cap, a white surgical gloves and mask. Pagkatapos ay lumapit na ako sa pasyente at sinimulan ang operasyon matapos tanungin kung normal ba ang vitals ng pasyente.
Naging smooth naman ang operasyon at ng matapos yun ay nagsitayuan ang mga doctor sa itaas na nanonood sa amin at pumapalakpak at bakas sa mukha nila ang ginhawa, dahil kapag hindi ko nagawa ng maayos ang operasyon I know may mangyayaring masama. Kalaunan ay lumabas na din kami. Inilabas si Vice at ibinalik sa room nito. I was removing my mask, gloves and cap ng lumabas din si Ivan.
"Good job" sabi niya at nilagpasan ako. First time ata yun na pinuri niya ako. Gagalingan ko nga minsan MWAHAHAHA.
"Congratulations Dr. Galvez" bati sa akin ng mga doctor pagkarating ko sa hallway.
"Hindi ako nagkamali na sayo ibigay ang case na to" nakangiting turan ni Dr. Fernandez. Tipid ko siyang nginitian.
"I can't risk my patients life for being irresponsible" nakangiti kong sabi. I look into his eyes to find some guilt pero wala. Nagpaparinig na ako hindi niya parin maramdaman? Walang konsensya!
"Anyway I have to go, excuse me" mas mabuti pang umalis na ako dun at baka hindi na ako makapagpigil, mabulilyaso pa lahat ng plano ko.
Hindi ko alam kung bat napadpad ako sa may hagdanan at natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak. Hanggang ngayon nasasaktan parin akong isipin na sa maliit na pagkakamaling yun nawalan ako ng magulang. Ang daming what if na pumapasok sa utak ko, nanghihinayang akong isipin na kung hindi sana namatay si mama nabigay ko na sana ang buhay na deserve niya.
"Any updates?" bigla akong nahinto sa pag iyak ng mapagtantong hindi lang ako ang tao sa bahaging ito ng hospital.
"Send me everything, kailan kong malaman kung sino yun" napatayo ako at sinundan ang pinanggagalingan ng boses. Bumaba pa ako hanggang sa makita ko ang likod ng isang lalaki.
"Walang dapat makaalam nito" sabi ng lalaki bago niya ibaba ang telepono mula sa kanyang tenga. Napatakip ako sa dibdib ko ng mapagtanto kung sino yun. Kaya mabilis akong tumakbo at nagtungo sa on call room.
"Ba't parang nakakita ka ng multo diyan?" nagtatakang tanong ni Xavier.
"I know where I can get some information" halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang kaba.
"Ows? Saan?"
"Ivan" seryoso ko siyang tiningnan habang siya at nagtataka parin.
"Lalandiin mo siya?"
"Yes, this is an agenda"
"Apakacharot mo e. Gusto mo lang talaga siya kaya gumagawa ka ng dahilan para mapalapit sa kanya! May agenda agenda ka pang nalalaman! "
"What?!" ano bang pinagsasabi ng lalaking to?
"Wala! ang sabi ko baka totohanan mo ang dapat ay plano lang" nang-aasar niya akong nginitian.
"Why would I?"
"Malay ko" nagkibit balikat siya bago ako iniwan sa loob ng on-call room. Basta, makikipagplastikan parin ako kay Dr. Fernandez at lalandiin ko si Ivan. I will make him fall in love with me hanggang sa sabihin niya sa akin ng kusa ang mga dapat kong malaman. Didikit ako sa kanya para may makuha akong impormasyon.
YOU ARE READING
The Great Seducer
RomanceZhavia Amanda Galvez is a cunning vixen who have only one goal. She want revenge! Because of the doctor's incompetence, her mother died... To destroy the hospital's reputation, she needs get close to the hospital director's family to find an evide...