ikaw pa rin sa susunod na habang buhay

17 1 0
                                    

May mga panahon na dumadating tayo sa puntong may magustuhan tayo na isang tao. Yung gustong gusto talaga natin makuha, na maging atin. May mga pagkakataon na umaayon sa atin ang tadhana pero madalas hindi. Minsan panalo pero mas maraming pagkakataon ay talo.

Kenji POV*

"Pre! Andyan na sya!" Sambit ni ed best friend ko mula elementary. Mag bff din kasi magulang namin kaya siguro close rin kami

"Ano ka ba! Ang ingay mo, baka mahalata tayo" sabi ko sabay pasok sa classroom

Sana pala hindi ko nalang sinabi sa kanya kung alam ko lang na aasarin nya ako tuwing makakasalubong namin si Eunice

Si eunice, babaeng umagaw sa atensyon ko. Hindi sya sikat sa campus namin, wala rin syang masyadong kaibigan. Sobrang simple nya lang at maganda

Lagi ko syang inaabangan sa bintana ng classroom namin kasi tuwing pupunta ka ng cafeteria madadaan room namin. Madalas syang mag-isa na kumakain, pumupunta ng comfort room at iba pa.

Lagi rin syang may bitbit na violin at choir member din sya ng school namin. Sa tuwing may practice sila lagi akong nanonood since member din si ed

Madalas ko syang nakakasabay sa bus tuwing papasok ng school at inalam ko kung anong oras sya madalas pumasok para makasabay ko sya

"May practice kami, manood ka?" Tanong ni ed habang inaayos yung mga gamit nya

"Baka naman asarin mo akong kupal ka."

"Bobo! Sa tingin mo magagawa ko yon!?" Natatawa nyang binitawan ang mga linya na 'yan

"Oo, ikaw pa ba? Walang imposible sayo no!" Inayos ko na rin gamit ko kasi gusto ko rin manhood

"Tara na brother, ako bahala sayo." Bigla nya akong inakbayan at lumabas ng classroom

Pagdating namin sa gym, marami na silang member na andoon pero Hindi ko pa nakikita si Eunice

Natapos ang practice nila walang Eunice na dumating. Siguro may emergency lang na nangyari kaya hindi sya naka attend

"Mukhang hindi ka masaya ngayon ah hahahahaha paabot nga ng tubig" asar sakin ni ed

Naghiwalay na kami ng direksyon ni ed dahil hindi naman kami pareho ng village

Habang naglalakad ako iniisip ko pa rin kung bakit hindi naka attend ng practice si Eunice. Ano kayang nangyari? May nangyari kaya?

Matagal din akong nag antay sa bus stop kasi rush hour punuan mga bus. Isang oras ang nakalipas sa wakas may bus na rin at nakasakay na ako pero--

Nakita ko si Eunice na naglalakad papuntang bus stop na umiiyak. Gusto ko sanang bumaba ng bus pero naka alis na ito

Ang tangi ko lamang nagawa ay tanawin sya mula sa bintana habang papalayo sa lugar kung saan sya naroon.

Isang buwan ang nakalipas, wala namang pinagbago. Pasulyap sulyap lang ako sa kanya dahil nahihiya talaga ako. No girlfriend since birth pala ako btw kaya medyo torpe

Math subject na namin. As usual boring kami ni ed kasi hate namin pareho ang math kaya siguro kami magkasundo

"Excuse me Mr. Velasquez, can I borrow the choir member here 'cause we have an urgent rehearsal for upcoming event"

"Pre, una na ako, haha good luck sa tatlong oras na math" pang aasar sakin ni ed

3 hour na math tapos walang ed, Hindi ko kaya 'to. Anong gagawin ko? Gusto ko manuod ng rehearsal nila kesa makinig dito.

"Sirrrr" nauutal kong sambit habang nakataas kamay ko para mapansin ni Mr. Velasquez

"What's the matter Mr. Kenji sabroso?"

"Ang sakit po ng tiyan ko, parang may lalabas na rin po" hawak hawak ko yung tiyan ko na kunwari namimilipit sa sakit

"You can go to the clinic now. Take some meds there and rest for a while"

MISSION SUCCESS!!!

Pwede na siguro akong maging artista sa ginawa ko kanina

Dali dali akong pumunta ng gym para manuod ng rehearsal nila.

Dahan dahan akong pumasok para 'di ako makita since yung gym namin nakaayos na parang theatre so patay yung ilaw banda sa mga upuan at yung stage lang may ikaw. Ligtas ako

Habang kumakanta sila kay Eunice lang ako naka focus. Grabe sobrang ganda nya pero parang sobrang labo nya makuha. Yung tipong anghel sya tapos demonyo ako. Lol.

After 2 hours siguro natapos na rehearsal nila. Tapos na rin math subject hehehehe pero.. Waiitttt.... Bakit kinakausap ni ed si Eunice? Duda talaga ako sa mukha ni ed ehhhh

Tumakbo ako pupunta kung nasaan sila kasi baka kung anong sabihin ni ed sa kanya. Gggrrrrrr!!

"Oh! Eto na pala si kenji eh" sabay turo sakin ni ed

"Ohh!"

Kunwari nagulat ako nung nakita ko silang magkasama

"Bakit Pre? Kain sana tayo mcdo"

Utal-utal Kong sambit. Potek ano ba yung nasabi ko bakit ayun yung nasabi ko.. Nakkaahiyaaaaa

"Ah! Pre si Eunice"

Pinandilatan ko si ed pero lumapit sakin tapos hinampas pwet ko hudyat na ginawa na ako ng moves kay Eunice

"Ahh.. Ehhh.. Hi"

"Hi"

Tipid nyang sagot pero yung ngiti nya pamatay. Naiihi na ako sa kiliggg. Ano ba dapat kong sunod na sasabihinnnnn

"Gusto mo sumama samin kumain? Treat ko"

Maniwala kayo sakin. Nagulat rin ako na nasabi ko yan

"Ay, Hindi na. Nakakahiya"

"Ano ka ba Eunice, sumama kana. Minsan lang man libre yan si Kenji"

Pamimilit ni ed kay Eunice at pumayag din ito kalaunan

Hindi ko Alam bakit mcdo pa nasabi Kong kainan. Patay allowance ko nito. Dapat kwek kwekan nalang eh

Umorder na ako. Tatlong chicken with rice tapos tatlong large fries din at dalawang mc float tapos isang sundae kay Eunice

Masaya naman kahit halos maubos allowance ko mahal ko naman sila pareho eh. Mahal?  Pareho? Secret lang muna natin yun ah.

Sa kalagitnaan ng kain namin, out of the blue nag salita si ed

"Eunice, may gusto sayo kaibigan ko"

Sabi nya sabay kagat sa chicken. Nagulat si Eunice sabay tingin sakin. Tang*na talaga ni ed sarap agawin yung pag kain sa kanya

"Ahh... Ehhhh.."

Ayan lang lumabas sa bibig ko. Puta nag awkward na. Hayop talaga 'tong si ed

"Thank you!"

Sabi ni Eunice tapos pamatay nanaman yung ngiti nya. Para talaga syang anghel tapos si ed demonyo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw pa rin sa susunod na habang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon