Chapter 5
"Hi, Yunique. " bungad sa akin ni Kuya Nyx nang makapasok na ako kinabukasan sa school. Tinignan ko ito. Walang pinagbago sa kaniya.
"Hello din, Kuya. " sabi ko pa.
"Lapit na bakasyon. " masayang sambit niya. Ngumiti ako.
"Oo nga. Anong gagawin mo sa bakasyon, Kuya? " tanong ko habang inilalagay ko ang ilang gamut ko sa locker ko.
"Ewan ko e. BTW, are you okay now? " tanong niya.
"Oo naman, salamat sa gamot ha? " sabi ko rito at isinara ang locker ko. Nanatili muna ako roon dahil gusto ko pa itong kausapin.
"Let me see. " sabi nito at lumapit sa akin. Inilagay nito ang likod ng palad niya sa aking noo. Buti hindi na sa leeg.
"Okay kana. Pero 'wag ka muna mag-pagod. Baka lagnatin ka ulit. " sabi nito. Tumango ako.
"Yes, sir! " sabi ko at sumaludo pa.
"Tsh, baliw! Una na ako, may klase pa ako e. Ingat ka. " sabi nito. Tumango ako. Pagtungo ko sa room ay bumungad sa akin si Aveahlyn na may malaking ngiti sa labi nito.
"Oh, nababaliw kana ba? " natatawa Kong tanong.
"Hm, Baka Ikaw. Baliw kay Nyx. " sabi nito. Agad Kong tinakpan ang bibig niya. Baka may makarinig. Makakasapak talaga ako kapag may issue na kumalat sa akin dito sa school.
"Ang ingay mo! " saway ko rito.
"Bakit mo pa tinakpan bibig ko? Guilty ka 'no? Ayie! So Totoo nga? " tanong niya na may halong panunukso.
"Tsh, manahimik ka nga. I don't like him, Ave. " sabi ko at saka pumasok sa room.
"Naku, alam mo bang naki-sit in 'yun dito? " sabi nito at umupo sa tabi ko.
"Huh? Bakit naman? " takang tanong ko. Wala ba siyang sariling klase?
"Syempre! Nag-copy Siya ng ginawa natin kasi ibinigay niya sa'yo. Ayaw niya daw na mahuli ka sa lesson kaya naman kahapon ay ang gana ng buong klase. " sabi nito.
"Ganon ba? " tamlay Kong tanong.
"Anyare? " tanong niya.
"Hm, dapat pala hindi muna ako pumasok. Medyo nahihilo pa ako. " sabi ko rito.
"Gusto mo sa clinic muna? " tanong niya. Bigla namang dumating ang huli naming teacher para sa araw na ito.
"No need, I can handle. " sabi ko.
"Miss Zamora! " tawag nito sa akin. Nagulat ako roon.
"Y-yes, Sir? " tanong ko.
"Who said that you're allowed to talk nonsense in my class?! " tanong nito. Geez! He's so terror! Math teacher pa namin ito.
Yumuko ako. "Come here on the board and answer this! " sabi nito. Agad akong nagtungo sa board upang sagutan iyon.
"Write your solutions and conclusions. " sabi niya pa. Tinignan ko ang math problem. Kainis ang math na ito! Problema niya 'yan bakit kami ang naghihirap?!
Problem:
Find the 5th term and 11th terms of the arithmetic sequence with first term 3 and the common difference 4.
Solutions:(sorry if sa itaas nakalagay ang numbers, hindi kasi maano ng keyboard ko kapag sa baba :)] )
a¹= 3, d =4
a(n) = a¹ +(n-1)d
a(5)=3+( 5-1 ) 4=3 + 16 =19
a(11)= 3 + (11-1) 4=3 + 40=43(A/N: 'yung mga nasa loob ng parentheses ay mga letter/number na nakalagay sa baba. )
Conclusion:
Therefore, 19 and 43 are the 5th and the 11th terms of the sequence, respectively.
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko roon. Wiws! A pieces of cake!
"Okay, sit down. Ako na ang mage-explain. " sabi nito.
Nagsimula na itong mag-explain ng about sa sinagutan ko. Ako naman ay hindi nakinig dahil masama pa din pala ang pakiramdam ko. Kung alam ko lang ay Dapat nakinig na ako kay Kuya. Hays!
"Class dismiss. " sabi nito. Buti naman at maaga ang dismissal. Baka namatay na ako sa loob.
"Uuwi kana ba? " bigla akong napalingon sa tinig na narinig ko. Tumambad sa aking harapan si Zed Na medyo magulo ang buhok at naka suot ng leather jacket na kulay black.
"Oo, Ikaw? " balik-tanong ko sa kaniya.
"Ganun din, hatid na kita? I bet you're still have your fever. " sabi nito. Tumango ako.
"Kaya ko naman mag-isa, Zed. No need to worry, and please, stop pestering me. " sabi ko sa kaniya at iniwan Siya doon.
"W-wait! Hayaan mo munang ihatid kita. " sabi niya.
"Ayoko nga. " sabi ko.
"Ganto nalang, magkaroon tayo ng deal. " sabi nito. Tinignan ko Siya. Deal?
"Anong deal naman? " I asked.
"Kapag hinayaan mo akong ihatid ka ngayon, hinding-hindi na kita guguluhin pa. " sabi niya sa akin. Nag-isip ako. Maganda naman ang deal but for Pete's sake, he's a Zamonte. And like what my Kuya's Said, 'Don't trust a Zamonte. '
But, kung hindi niya Na ako guguluhin, why not?
"Okay, Deal! " sabi ko at kaagad na tumakbo patungo sa kaniyang kotse.
"Woah, just calm down, Zamora. " sabi nito. Tumango ako. Pumasok ito sa kaniyang kotse at umupo aking tabi. Nasa passenger's seat ako naka-upo.
"How old are you nga? " I asked. May kotse na kasi ito.
"17. " he said. Nanlaki ang mga mata ko.
"S-senior high ka din? Why do you have a car now? Underage ka pa at nakakapag-drive kana din! " saad ko dito.
"Yeah, senior high ako at classmates kami ni Nyx. " saad nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. They're friends?! No! Classmates Sila!
"Tigilan mo nga 'yan! Para kang tarsier. " saad nito. Sinamaan ito ng tingin.
"But, papaanong may kotse kana nga? " tanong ko ulit.
"Well, I'm a Zamonte. Rich as f-. " sabi nito umiling ako.
"Yah, Zamonte. A Zamonte who likes to play some girl's heart. " sabi ko. Ngumisi ito.
See? That is why I don't trust Zamonte's like what my Kuya Said.
--
Dreamerxbtch
BINABASA MO ANG
The Dreamer's Dream(Z Series #2)
Novela Juvenil"I liked to dream. Dream about our future." Eunice Queen Zamora never imagined to fall for his childhood bully. Bata pa lang ay ayaw niya na sa kaniya ngunit sa isang iglap, nagbago lahat nang mag-sorry ito sa kaniya. They became friends and suddenl...