Honey's P.O.V.
Click!
Huminto ang timer. Naubos nang kainin ni Ally ang mga uod sa garapon. Tumingin kaming lahat at pinagmasdan siya. Kaagad itong tumayo saka patakbong tinungo ang sulok ng silid saka sumuka. Hindi niya 'ata nakayanan ang lasa ng mga uod na 'yon. Nagsitayuan ang aking mga balahibo habang iniimagine 'yon."Congratulations player number 11, your dare is done...next spin...player number 04," sabi ng boses. Inabot ni Celestria ang bote. Kinakabahan ako.
"Lakasan mo ng kunti Celestria," sabi ni French.
"Hoy ano ka ba, baka ako ang matutulan niyan," sabi ko. Naramdaman kong bumalik na si Ally sa pagkakaupo.
"Pwe! Kadiri no'n ah," sabi niya. Nagsimula ng umikot ang bote.
"Masarap ba?" nakangiwing tanong ni Reixel.
"Gusto mong itry?" tanong sa kanya pabalik ni Ally.
Umiling na lamang si Reixel. Unti-unting bumagal ang ikot ng bote hanggang sa huminto ito kay Xhena. Nabigla naman siya ng tumutok ito sa kanya.
"Ally ikaw na ang kumuha ng dare para sa kanya," sabi ko. Alangan naman si Celestria ang babasa eh nakatahi 'yung bunganga niya.
"Okay fine," kumuha na si Ally ng isang papel sa may garapon.
"Okay I will read it Xhena, listen attentively," sabi ni Ally. Tumango naman siya.
"Break the fingers of player number 11," pagbasa ko.
"A-ano? Tama ba ang pagbasa mo Al?" tanong ko sa kanya.
"Yes," proud niyang sabi.
"G*ga ka ba? Ikaw yon!" giit ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata saka binasa ulit ang nakasulat sa may papel. Narinig ko ang mahinang pagmura niya.
"Medyo masakit 'to," sabi niya. Humarap siya kay Xhena.
"Gagawin ko 'yon?" naguguluhang tanong nito.
"Yup, kung ayaw mong mabigyan ng punishment," si Reixel ang sumagot.
"Ha? Paano 'yung kamay niya? Madudurog 'yung mga buto niya." giit ni Xhena.
"Ayos lang naman if ayaw mong gawin, kung gusto mo namang mamatay," sabi ko sa kanya. Napalunok siya ng laway. Tumango siya.
"The tools are in the box," sabi ni Ally.
Tumayo siya saka naglakad papunta sa may wooden box. Pagbalik niya ay may dala na siyang martilyo. Oh my ghad. 'Di ako titingin. Lumapit sa kanya si Xhena.
Click!
3:59. Three minutes lang ang ibinigay sa kanya."Tumatakbo na ang oras mo Xhena," Paalala ni French sa kanya.
"G-gagawin ko na," sabi niya bago hampasin ng martilyo ang kanang kamay ni Ally.
Sumigaw ng malakas si Ally. Halos mamimilipit na siya sa sobrang sakit. Dalawang beses itong hinampas ni Xhena. Nagdurugo ang mga kamay ni Ally saka bali-bali na rin ang buti sa kanang daliri niya. Umiiyak si Ally sa sakit na nararamdaman niya.
Click!
Huminto na ang timer. Nanginginig ang mga kamay ni Xhena ng makabalik siya sa kanyang inuupuan. Inilapag niya ang martilyo sa sahig saka niyakap ang kanyang sarili."A-Ally ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni French sa kanya.
"What do you think?" tanong niya pabalik sabay ipinakita ang bali-bali niyang daliri. "Okay na 'yung ganito kaysa mamatay rito," sabi ni Ally habang pinupunasan ang luha gamit ang kaliwang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Animus: Escaping Death
Mystery / ThrillerAs the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they make it to the end? ***** Honey, Kazianna, Reixel, Celestria, French, and Ally awoke to find themselves shackled and seated on large wooden ch...