ICE POV
Pagkatapos kong magkipag inuman kay benneth at yung mainit na pagkikita namin ng bexley na yun nagdesisyon akong hindi muna umuwe agad.. Nandito ako ngayon sa 7/11 na halos malapit na din sa kalye kung saan kami nakatira ni maih.. Sigurado ako na nakauwe na si maih ngayon at inaantay ako.. Nakangisi akong napailing habang kumakain ng noodles naging ugali ko na to twing nakaka sagap ng alcohol ang katawan ko... Tsssss andaming tao ngayon dito sa store siguro galing to sa mga lamay nagpagpag 😅 Tssssk paboritong pagpagan ng mga galing sa lamay ang 7/11 tsssk tsssk tssssk natawa ako sa sariling biro ko ang di sumang ayon mamatayan ng kuko ngayon na 😅😅.... "Taenang bexley yun napakayabang pa rin, oras na malaman ko na isa ka sa mga nagtraydor saken uubusin ko ang lahi mong kumag ka" kausap ko sa sarili ko.... Mabuti na lang talaga naibuhos ko sa kanya lahat ng init ng ulo ko kaya i feel cool na ulit...
Binirahan ko na ng alis pagkatapos na pagkatapos kong kumain.. Maglalakad na lang ako pauwe sa bahay, ilang hakbang na lang naman... Kung kanina sa store ay madaming tao ngayon naman ay halos wala na akong marinig na ingay... Tssssss mas delikado ang sobrang tahimik na kalye.. Habang naglalakad ako ay nakikiramdam ako sa bawat daraan ko marami pa namang mga loko ngayon mahirap ng maisahan , kunsabagay wala namang mangangahas na umepal sa daraan ko dahil paniguradong ilalampaso ko lang... 😏
Papasok na sana ako sa kalye namin ng may marinig akong komosyon....
"TATAY BEN!!!"- isang matinis na tili ang nadinig ko.... Hindi ko na sana papansinin ang mga trip ng mga gunggong na nagsisiga sigaan sa kabilang kanto kaya lang nakarinig ako ng mga balibag at parang may nabasag na salamin... Tsssssssss kotang kota na ako ngayong araw nato talaga, taenang yan..
Di ako nakatiis at lumipat akong naglakad patungo sa kabila... Tsssssssk kitang kita ko ang limang mga menor de edad na mga binatilyo na may mga hawak na tubo at balisong na nagtatawanan habang binasag nung isa yung salamin nung kotse nung mama na nakasandal sa gulong ng sasakyan at puro pasa sa mukha katabi nya ang batang babae na nanginginig at umiiyak..... "Haaaay ice ano pa nga ba" parang tangang kausap ko sa sarili ko habang nakapamulsa....
"HOW DARE YOU TO DO THIS TO US!!!!! You already took my money bakit di nyo pa kami paalisin"- umiiyak na wika nung babae
"EH SA NAG EENJOY PA KAME EH"- sagot nung nasa unahan na bumasag ng salamin ng sasakyan...
"ISA PA MIS DI KAPA NAMIN NATITIKMAN EH"- sabi nung isa saka sabay sabay silang nagtawanan...
"EWWWWW!!!!!"- diring diri na wika nung babae na nagsumiksik sa katabi nyang matandang lalaki na hinang hina na....
Mga taenang to pati matanda di ginalang...
"JUST LEAVE US ALONE PLEASE"- umiiyak na pakiusap nung babae.. menor de edad pa din mga edad 16 to siguro...
"Hahahahahahahaha hayaan mo munang makatikim kame ng mayaman mis"- sabi nung isa saka padarag na hinablot nya ang buhok nung babae...
"Ahh---- let go of me"- nagpupumiglas na wika nung babae...
Bumuntung hininga muna ako bago tuluyang lumapit sa kinaroroonan nila.. tsssk.. Ni hindi man lang ako pinansin ng mga loko tssssk..
"Ahammm"- pagtikhim ko... Mukhang epektib naman kasi nagsitinginan sila saken... Mga bata pa gago na 😑
"Hoy anong ginagawa mo dito teritoryo namin to!"- singhal nung isa saken...
"Yow!"- bati ko 😑
"Aba tarantado to ah"- yung isa na akmang susugod saken.... Pinigil ko sya ng isang nakakatakot na tingin 😑😑
"Kung ako sayo di ko gagawin yan"- nakangisi kong banta..
"Hah!! Tanga ka ba mis? Ikaw ang wag makialam dito kung ayaw mong madamay"- pagbabanta nung may hawak na tubo.. yung mataba lol to be more specific... 😅
YOU ARE READING
HER STORY
ActionWhen we first met i thought she's nothing..... Mailap ang mga mata , matalim kung tumingin .. laging seryoso ang mukha at hindi palangiti... Kabaligtaran ng lahat ng description ko sa isang magandang babae.... Pero there is something about her na pu...